20/09/2024
" Malaya ka na " (SWP)
Ni: Jomarie Pateni
Sasapit na naman pala yung pasko?,
makakasama kaya kita? hindi siguro,
yan ang laging nasa isip at lagi kong
binubulong,
bakit kasi sa puso pa kita pilit na
kinukulong.
alam kong dapat ka ng palayain at
palayain ang sarili ko,
pero hindi rin magawa at nagtatalo ang
isip ko,
naiintindihan naman kita na hindi mo
ako kayang mahalin,
oo sinagot mo nga ako pero ang mahal mo
s'ya pa rin?.
meron ngang ikaw at ako,
oo, mayroong tayo,
gusto kita at gusto mo ko,
mahal kita, pero s'ya ang mahal mo.
ayaw mo lang akong masaktan?,
ngunit higit pa dyan ang aking
nararamdaman,
pero mahal kita kaya gusto kitang
pasayahin,
kahit sa kaarawan mo imbis na ako, mas gusto
mo syang imbitahin.
ayos lang isang araw lang naman,
sumaya ka lang sa iyong kaarawan,
pero lunes hanggang sabado s'ya pa rin ang
kasama mo?,
ano ako pari? taga linis ng kasalanan mo
tuwing linggo?.
alam mo mahal hindi ka naman mabaho,
para ka lang tubig sa kanal masyado kang
malabo,
anong klaseng pagmamahal ba ang gusto mo?
parang basketball?,
ako yung magdadala pero s'ya ang
nakakascore?.
noong may karamdaman ka ako nasa
tabi mo pero s'ya nasa isip mo,
nang pinaluha ka n'ya ako ang sandalan
mo pero s'ya ang iniisip mo,
nang iniwanan ka n'ya ako yung kasama mo
ngunit s'ya pa rin yung pinipili mo,
ngayon ako na yung kapareha mo sana
ako naman ang ibigin mo.
nasaan ba ako?,
may parte ba sa puso mo na mahalaga
pa ako?,
sana meron kahit bilang libangan,
dahil batid ko naman hindi mo na ko
kailangan.
sobra na akong nahihirapan at
nasasaktan,
alam kong ang relasyon na 'to doon din
ang pupuntahan,
wala naman akong dapat isumbat sayo,
dahil lahat nang 'yon ginusto ko.
naging panakip butas ako hindi na 'yon ang
mahalaga,
minsan kitang nakasama para sa 'kin ay
sapat na,
kaya pinalalaya na kita,
sige na balikan mo na s'ya.
pagod na ako,
dapat nang ipahinga ang puso,
handa ko ng buksan ang pinto at alisin
ang kandado,
ngunit sa muli mong pagkatok mananatili
lang 'tong sarado.