23/05/2025
DEPRESSION AND ANXIETY IS NOT A JOKE
TATLONG BATA, P*T*Y NANG SILABAN NG SARILING INA😭
Kalunos-lunos ang sinapit ng tatlong maliliit na bata matapos bawian ng buhay sa sunog na sinadya umano ng kanilang ina sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.
Narito ang gga nasawi sa sunog:
Baby Kairo – 1 year old – dead on the spot
Kyle – 4 years old - dead on arrival
Kimwel – 6 years old – died in hospital
Mother – 28 years old – died in hospital
Ayon sa isang kapitbahay, nakapag-sumbong pa sa kaniya ang panganay na anak na binuhusan sila ng gas at sinilaban.
Lumalabas sa imbestigasyon na sinunog muna ng ina ang tatlong anak bago nagbuhos ng paint thinner sa sarili.
Bago ang trahedya, nagtungo pa sa barangay ang ina para ipa-blotter ang problema sa mister na pulis.
Nasabi nito ang galit sa biyenan na pakialamera umano at pinag-aaway silang mag-asawa.
Matapos magpa-barangay, ni-lock ng ina ang bahay at doon na isinagawa ang malagim na krim3n.
Wala sa lugar ang mister at nasa Batangas ito nang mangyari ang sunog.
Dahil sa nangyari maraming netizens na pawang mga ina ang nagbahagi ng saloobin at pananaw, kung saan posible umanong nakakaranas Postpartum depression ang ina dahil sa mga nangyayari sa kanilang mag-asawa at biyenan.
Sa isang kumakalat na screenshot ng chat, nanghihiram pa ito ng pera dahil kulang ang pinapadala ng mister sa kanilang mga gastusin.