02/01/2026
Iniisip ko kung ipopost ko ito or hindi pero gusto ko din maging aware ang ibang parents. Nagkaroon sila ng HFMD (Hand, Foot Mouth Disease) buti na lang vacation na nung lumabas, family na lang kasama at sila na lang ang kids. Nag ask ako sa pedia namin at nasabi nya na 2 weeks na nila nakuha yan bago lumabas. So before Christmas naglabasan na nga at nakaka STRESS na 3 silang nagkaroon. San nila nakuha? Hindi din namin alam, isa pa lang ang pumapasok sa school, once a week lang namin silang nilalabas kapag family day at dinadala sa Play Area para makapag laro. Sobrang arte namin pagdating sa kanila pero minsan hindi talaga maiiwasan. Buti na lang at super bait at madaling matawagan ang Doc nila (Thank you Doc. Arlene) nabigyan sila ng gamot at vitamins para lumakas ang immune system nila kaagad. As soon na napansin namin naka Isolate na sila hindi na namin hinahayaan na makalapit sila sa ibang kids at inexplain namin sa kanila kung bakit buti na lang din talaga at naiintindihan na nila. Alam nila na pwede sila makahawa sa ibang kids kaya ayaw din nila.
So mga Mommies and Daddies pag nakita nyo na may ganitong parang rashes or sugat ang anak na makikita sa talampakan, kamay, bibig, paa even sa throat nila magkakaroon ipacheck nyo agad sa Doc at wag muna ilabas ang mga kiddos hanggat di natutuyo ang mga sugat nila, para di na muna din makahawa ng iba.
No more play area na muna siguro kami sa ngayon bilang usong uso ang sakit, kawawa ang mga kids. Hindi rin naman na didisenfect kaagad yung nilalaruan ng mga bata.
Ingat na lang din mahirap pag sila nag may sakit talaga.
SA MGA FRIENDS OR FAMILY NA MAY MGA KIDS WAG NYO MUNA HALIKAN, KARGAHIN OR HAWAKAN ANG MGA BATA LALO NA KUNG GALING KAYO SA LABAS OR MAY NARARAMDAMAN KAYO, HINDI SA PAGIGING MAARTE YUN KAILANGAN DIN SILANG INGATAN.😊
P. S OK NA ANG MGA KIDDOS MAGALING NA SILA NOW AT MAKUKULIT NA DIN!
BUTI NA LANG NANDYAN SI PAPA PARA MAG ASIKASO SA KANILA SA CHECK UP VG Alex Castro