20/10/2025
KAPAG NAMATAY ANG TAO,PUPUNTA BA SIYA SA LANGIT O IMPYERNO?
Ano ang sinasabi ng bibliya tungkol dito?
Eclesiastes 9:5, 10
5.Dahil alam ng mga buháy na mamamatay sila,+ pero walang alam ang mga patay;+ wala na rin silang tatanggaping gantimpala,* dahil lubusan na silang nalimutan.
10.Anuman ang puwede mong gawin, gawin mo nang buong makakaya, dahil wala nang gawain, pagpaplano, kaalaman, o karunungan sa Libingan,*+ kung saan ka pupunta.
🔹 Ibig sabihin:
Kapag namatay ang tao, wala na siyang nararamdaman, wala nang iniisip, at hindi niya alam ang nangyayari sa paligid.
Hindi siya nagdurusa sa empyerno, at hindi rin siya gumagala bilang espiritu o pupunta ng langit..
🌿 2. Ang katawan ay bumabalik sa alabok.
📖 Genesis 3:19
Sinabi ni Jehovah kay adan..
“Sapagkat alabok ka, at sa alabok ka rin babalik.”
Wala siyang sinabi na pupunta si adan sa langit o impyerno..
🔹 Ang ating katawan ay gawa sa mga elemento ng lupa, at kapag namatay tayo, nasisira o naaagnas ito, bumabalik sa lupa — katulad ng alabok kung saan tayo kinuha.
📖 1. Ang “Hades” ay ang libingan ng sangkatauhan.
Sa orihinal na Griegong wika ng Bagong Tipan, ang salitang “Hades” (Ἅιδης) ay tumutukoy sa pangkalahatang libingan ng mga patay — hindi sa lugar ng pagpapahirap.
🔹 Katumbas ito ng salitang “Sheol” sa Lumang Tipan (Hebreo).
Pareho silang tumutukoy sa kalagayan ng mga patay — isang tahimik na lugar kung saan walang kamalayan, walang sakit, at walang pagkilos.