07/12/2025
Lahat tayo ay may dalang bubog.
Hindi lang tayo pala-kuwento, pero sa kaloob-looban, pagod na tayo.
Sa totoo lang, pagdating sa pamilya, para bang mahirap magsabi ng problema. Ang hindi natin alam, baka si ate pagod na; baka si kuya may pinagdadaanan pala; baka si bunso, malayo na ang loob niya; o baka tulad ko—na pagod na pagod nang makaramdam na kahit anong gawin, hindi ko maramdaman na sapat ako sa kanilang paningin.
Ang hirap lumaki sa pamilyang hindi uso ang pagkukuwento ng dalahin. Magkasama lang sa gala, pero hindi sa pagluha.
Bakit kaya sa sariling pamilya, takot tayong magmukhang mahina? Ganito talaga siguro kapag lumaki sa tahanang kasalanan ang magsalita.
- Regina Amit