15/11/2023
Bakit nga ba nasisira hair natin??
1. Not Listening- Yung aadvice ka ng Hairstylist after Rebond kung Ano gagawin at hindi dapat gawin, pero hindi pinakinggan.ex ( bawal mabasa any kind of water,khit patak lang ng ulan or pawis pwede madry o marubberize hair, ) bawal din po lagyan ng towel or panyo batok para pagpawisan dahil and tendency nito uumbok ang buhok or magkakaroon ng bewang, dahil hanggat nanjan ang gamot sa hair natin,ano man gawin mo yun ang susundin,gaya ng pagsabit sa tenga pwede mgbewang or magwave ang hair.
2.Over Color - Yung DIY Color tapos hindi naman tinitreatment, ending Kapag Nirebond e Dry... Kung sino pa yung over Color sila pa yung ayaw magtreatment🤦.
3. Lagi nagpaplantsa- Very wrong ito dahil kapag lagi ka nagpaplantasa ng hair pwede masunog ito lalo na if hindi ceramic yung plantsa na gamit mo, kaya pag nirebond ni Hairstylist is brittle na or magkaroon ng marami split ends dhil rurupok na hibla ng hair mo.
4. Hindi Nagsusuklay- After Rebonding Hindi po Bawal ang magsuklay dahil kapag ang Buhok natin hindi nasusuklayan Everyday ay magtatangle or magbubuhol buhol kaya kapag sinuklay mo e mahihirapan kana dun na mglalagas hair, pati yung pagtali ng basa at pagpusod.
5. Shampoo Everyday- Kung Gusto mo ng maganda buhok at hindi Dry e hwag ka magshampoo Everyday dahil inaalisan mo ng moisture ang buhok mo. Ang paggamit ng shampoo kapag oily hair ka pwede gamitin mo lang shampoo sa may anit hwag masyado madami or pwede idilute sa tubig kahit everyday ka magshampoo basta hwag ishampoo ang pinakadulo ng hair dhil kapag nagdry e magsplit at putol - putol ito.
6. Swimming- Yung kakarebond mo lang after a month or ilang months nagswimming ka mapa pool or dagat masisira at madadry po buhok natin. Tapos sasabihin kay hairstylist bakit bumalik agad or dry ang buhok😅.
Tandaan Kung maganda Rebond mo nung Virgin hair mo hwag ka magexpect na maganda pa din second rebond mo kung panay kulay mo nga ng hair or binibraid at pusod ng hair or hindi inalagaan, like simple pagconditioner hindi magawa🤦. Kung Hindi mo susundin Hairstylist mo hindi namin mapapanatili ganda ng buhok mo. Nakasalalay din po sa Client. Kaya after 1 year magkita ulit kayo Hairstylist mo makikita ni Hairstylist if maganda ba naging pagaalaga mo sa hair mo. Huwag isisi lahat sa Hairstylist po.
Payong Hairstylist lang po,hwag po masaktan dahil para sa ikakaganda po ng buhok natin yan. Kapag nasermon at nagadvice hairstylist mo matuwa ka dahil may care sila sa buhok mo at sayo.
Love you all mga clients ko magaganda😘😘😘.