19/07/2025
Habang naghihintay ako sa labas ng ospital para sa aking check-up, lumapit sa akin si Tatay. Kagagaling lang niya sa loob ng emergency room. Naupo siya sa tabi ko at nagsimula siyang magsalita.
"Anak, hihingi lang ako ng opinion kasi naguguluhan na ako," sabi ni Tatay.
Tumingin lang ako sa kanya at hinayaan ko siyang magpatuloy.
"Yung asawa ko kasi nasa loob, nakatubo sa leeg. Ang sabi sa akin, kailangan siyang ipa-dialysis kasi kung hindi, mamamatay siya. Kailangan ko raw magdesisyon kung ipapadala ko siya sa ibang ospital kasi wala silang dialysis dito o hindi. Ang problema, wala akong pera, wala akong mahingan ng tulong. Dalawa lang kami sa buhay. Kung ipa-admit ko siya, wala rin daw mangyayari, mamamatay lang kasi wala silang dialysis dito. Kung iuuwi ko siya sa bahay, gagawa ako ng waiver at mamamatay din siya," umiiyak na si Tatay habang nagsasalita.
Sa totoo lang, wala talaga akong maisagot sa kanya. Inisip ko na lang baka iniisip niya ang ospital bill kaya tinanong ko, "May health card ba kayo? Taga San Juan Manila ba kayo?"
"Oo, taga San Juan din ako. Hindi talaga ako makapagdesisyon kung iuuwi ko siya. Parang hindi naman makatao, 'di ba? Hindi naman na kami takot mamatay, senior na kami. Gusto ko lang sana talaga siyang mabuhay pa kaso wala akong magawa, wala akong pera," sagot niya.
Wala talaga akong maisagot. Naiiyak na rin ako sa parteng iyon. Gusto ko siyang yakapin para kahit paano mabawasan ang bigat ng loob niya. Hanggang sa napalayo ako ng ilang metro kay Tatay dahil nakita ko ang pinsan ko.
Pagbalik ko, may kausap na siya sa cellphone. Hindi ko alam kung sino, pero humihingi talaga siya ng opinion. Ang sabi ng kausap niya, iuuwi na raw niya ang asawa niya at gagawa na ng waiver kasi wala na talagang magagawa.
Grabe, ang sakit! Wala akong magawa. Binaba niya ang cellphone, umiiyak ulit at nagsabi na gagawa na siya ng waiver hanggat maaga pa at maiuwi na niya ang asawa niya sa bahay nila. Nagpaalam siya sa akin at nagpasalamat.
Wala na akong magawa kundi bulungan siya na dasalan ang asawa niya. Tinitigan ko na lang siya papasok ng ER at bumulong kay Lord na tulungan si Tatay at bawasan kahit paano ang sakit na nararamdaman niya.
Ngayon, parang kinalabit ako ni Lord. Sarili mo lang talaga ang makakatulong sa'yo bandang huli. Mahalin ang katawan, mag-invest para sa future, magtipid, mag-ipon, lahat gawin para paghandaan ang mga ganitong kalbaryo ng buhay.
ITO YUNG BIDYO : https://invl.me/clmu0k0