26/07/2025
WALA PONG DALEEL MULA SA QUR'AN, HADITH O SIYENSIYA NA ANG KAGAT NG LANGGAM AY ISANG GAMOT❗❗❗
👉Una sa lahat ang nasabing post ay hindi mula sa isang Islamikong Iskolar o sa isang doktor bagkus gawa-gawa lamang ng isang blogger na kinuha rin sa post ng mga blogger na hindi Muslim❗
👉Wala pong matibay na batayan mula sa siyensiya na ang pagpapakagat ng langgam ay isang gamot o may benepesyong pangkalusugan bagkus ang kagat nito ay nakakapinsala at ipinahintulot itong patayin❗❗❗
👉Nang tanungin si Shaikh Bin Bazz hinggil dito kanyang sinabi: "Kung ang LANGGAM ay nakakapinsala sa kanila (nangangat) ay walang pagbabawal na patayin, ngunit kung di naman nakakapinsala ay huwag patayin dahil ipinagbawal ng Propeta ang pagpatay rito maliban sa nakakapinsala (nangangagat). Kung nakakapinsala na ay maaari ng patayin sa pamamagitan ng Pesticides (spray na pampatay sa langgam)
👉 Sinabi rin ng nakakaraming Doktor: "WALANG MATIBAY NA SIYENTIPOKONG EBIDENSIYA NA NAGPAPATUNAY NA ANG KAGAT NG LANGGAM AY MAY MAINAM NA BENEPESYONG PANGKALUSUGAN"
NOTE: Huwag magpakagat sa langgam bilang pagpapagamot dahil wala itong batayan na nagpapagaling o nagbibigay benepesyo bagkus ito ay nakakapinsala sa katawan at sa kalusugan❗
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
قال الشيخ ابن باز: "اذا كان هذا النمل يؤذيهم؛ فلا بأس، أما إذا كان لا يؤذي؛ فلا يقتل، الرسول ﷺ نهى عن قتل النمل إلا إذا كان يؤذي، إذا آذاهم؛ فلا بأس أن يقتلوه بالمبيدات التي "تبيده
قال الاطباء: "لا يوجد دليل علمي قوي يثبت أن قرص النمل له فوائد طبية عامة"
✍ Zulameen Sarento Puti