01/05/2026
Pinatigil na ang onboarding ng mga bagong TNVS at MC TAXI Riders.
Eto lang opinyon ko para jan.
Sa panig ng mga rider, maganda yan pra sa mga panig ng mga rider/drivers.
Same lang din sa supply and demand yan nung una. Maraming pasahero, need ng mas maraming rider, kasi nga kung mass transportation lang ang aasahan, iisa lang bagsak ng lahat, "LATE".
Maiigi sa mc taxi may laban laban pa, mas maaga may nag accept ng booking mo, iwas late ka tlga.
Kaso ang nangyayari na nakaraan is, spot activation si ganito, apot activation si ganito pati si ganito apot activation na din. Si rider naman, ang iisipin naman kasi nyan, mahina na dito, malakas kay ganito, dagdagan ko ng apps para kung ano mas magandang booking, accept na agad.
Realtalk lang, kaya nakikita natin, muliti color uniform na suot eh. Kasi sasabihin na lang "DISKARTE".
Ang problema pa nyan, nano normalize pati pagiging multi color uniform pra lang intindihin yung rider na dumidiskarte kuno kesyo ganito, kesyo ganyan.
Ibalik natin sa supply and demand. Kung ipatutupad yang pananagotin yang overboarding? TNC's lang mayayari jan, yung stop overboarding, pasahero ang madadale jan.
Sa pasahero, mas liliit kac ang chance na ma accept ang booking nila kac limited lang ang rider na available by the time na mag book cla, dipende pa kung i accept ng rider. So sa rider side naman, pabor sa kanila, kasi nga makakapili sila ng mas pabor sa ruta nila, sa booking na gusto nila, for me safety purposes at income purposes na rin.
15k rider per company lang kuno ang cap, lahat nag overboard, pabor sa pasahero un, lalo sa mga TNC's.
Lam nyo kaya nag overboard mga TNC's?
Posibleng sagot jan is, pabor naman tlga sa mga company yan, more rider, the more commission they get. Mapapanagot nyo ba yang mga TNC's eh hanggang ngaun, PILOT STUDY parin yang mc taxi?
Kung mapanagot nyo man sana mas mabigat, mas mabigat pa sa ayuda na napamigay sa lahat ng driver/rider na supposedly kung masusunod ung capping nyo is di na aabot ng bilyon at galing sa tax na kung lahat ng may sasakyan eh mabibigyan ng subsidy kac lahat yan nagamit ng produktong petrolyo at dun nagbabayad din ng tax.
Makikita nyo gaano kabagal progress dito sa bansa natin. Mc taxi, mag dekada na, pilot study prin hanggang ngaun, hindi parin legal mga yan technically speaking, tapos ang laki ng bilang sa fuel subsidy.
Kaya for me, kung mapapanagot nyo man yang mga TNC's, lakihan nyo ng penalty.