Ang Paham

Ang Paham Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔Kalikasan, Kababaihan: LPSci, Soroptimist International, nagkaisa para sa tree plantingNakipagtu...
14/09/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔
Kalikasan, Kababaihan: LPSci, Soroptimist International, nagkaisa para sa tree planting

Nakipagtulungan ang mga g**o at kawani ng Las Piñas City National Science High School (LPSci) sa Soroptimist International Las Piñas Prime para sa isang tree planting activity kahapon, Setyembre 13 na isinagawa sa hardin ng paaralan.

Ayon sa nasabing organisasyon, hindi lamang nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan ang taunang proyektong isinasagawa.

Itinataguyod din nito ang kanilang pangunahing misyon na palakasin ang mga kababaihan at pagbibigay ng oportunidad kung saan nakatuon ang kanilang atensyon sa pagtataguyod ng membership, fundraising, public awareness, at edukasyon.

Dagdag pa rito ang mga programa gaya ng Access to Education (ATE) para sa mga estudyanteng nagsisimula pa lamang sa pag-aaral, at ang Live Your Dream (LYD) Awards para sa mas mataas na edukasyon.

Para sa kanila, may mga aspeto na mas nangangailangan ang mga babae kumpara sa mga lalaki, kung kaya't nakatuon sila sa pagbibigay ng suporta upang maging matagumpay ang mga kababaihang tinutulungan.

"Kapag nag-aral ang isang babae, tinuturuan mo ang isang bansa," binigyang-diin ni Gng. Gina Aguitez, dating punongg**o ng LPSci.

Aniya, sinadyang piliin ang LPSci dahil nakikita sa paaralan ang mga mag-aaral na nagsisikap alang-alang sa kanilang mga pangarap, isang inspirasyong halimbawa para sa mga susunod na hihiranging iskolar.

Bagaman may tulong na ibinibigay ang organisasyon tulad ng gastos sa transportasyon, mahalaga ang patuloy na suporta ng mga magulang sa iba pang pangangailangan upang matiyak na may parte sila sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa aktibong pagpapatupad ng maraming proyekto, patuloy ang Soroptimist International sa kanilang misyon sa tulong ng kanilang 2,000 miyembro sa 14 na distrito ng Pilipinas upang mapanatili ang pangangalaga at pagtulong sa patas na kasarian.

𝗣𝗮𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶: Shania Lourdes Masinas (9 - Family)
𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶: Joana Rain Carag (12 - Efficiency)

𝙈𝙖𝙗𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙡𝙖𝙠𝙡𝙖𝙠,𝙈𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙢𝙞𝙨 𝙣𝙖 𝙩𝙨𝙤𝙠𝙤𝙡𝙖𝙩𝙚,𝙈𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙡𝙞𝙬 𝙣𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙝𝙖𝙧𝙖𝙣𝙖.Kadalasan, Pebrero ang naaalala ng mga tao tuwing bi...
13/09/2025

𝙈𝙖𝙗𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙡𝙖𝙠𝙡𝙖𝙠,
𝙈𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙢𝙞𝙨 𝙣𝙖 𝙩𝙨𝙤𝙠𝙤𝙡𝙖𝙩𝙚,
𝙈𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙡𝙞𝙬 𝙣𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙝𝙖𝙧𝙖𝙣𝙖.

Kadalasan, Pebrero ang naaalala ng mga tao tuwing binabanggit ang mga bagay na ito. Subalit, hindi limitado ang mga bulaklak, tsokolate, at harana sa buwan ng Pebrero. Dahil karapat-dapat din itong matanggap ng mga g**o na ipagdidiwang ang buwang inilaan para sa kanila—ang Buwan ng mga G**o.

Kaya naman, nitong Setyembre 13, nagtipon ang buong komunidad ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas sa multipurpose court upang salubungin ang Buwan ng mga G**o. Nag-alay ng rosas at awitin ang mga mag-aaral bilang simpleng pasasalamat sa kanila.

Ito ay simula pa lang ng isang makabuluhang pagdiriwang. Tunay na walang regalong mas hihigit pa sa salitang “salamat po” kaya naman araw-araw nating ipagmalaki ang sakripisyo ng ating mga g**o lalo na ngayong buwan ng pagkilala sa ating ikalawang magulang sa paaralan.

𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶𝗻𝗮: Joana Rain Carag (12 - Efficiency) at Majella Nicole Nouay (11 - Compassionate)

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔Buwan ng Wika, ASEAN; binigyang-pugay sa LPSciSa pagtatapos ng isang buwang selebrasyon, idin...
07/09/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔
Buwan ng Wika, ASEAN; binigyang-pugay sa LPSci

Sa pagtatapos ng isang buwang selebrasyon, idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Month sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas noong Miyerkules, Setyembre 3.

Pinangunahan ito ng Mga Mag-aaral na Alay sa Yamang Atin (MAYA) at Araling Panlipunan (AP) Club, kung saan pinarangalan ang mga estudyanteng nagwagi sa iba't ibang patimpalak at nagpakita ng kanilang kahusayan at kaalaman sa wika at kultura.

Sa patimpalak ng Pagbigkas ng Tula, si Alexey Dela Cruz (7-Accountability) ang nagkamit ng unang gantimpala, si Ezekiel Raquedan (7-Benevolence) ang nakakuha ng ikalawang gantimpala, si Sabriya Tisoy (7-Blessedness) sa ikatlong puwesto, at si Joshua Bruan (7-Bravery) ang nasa ikaapat na puwesto.

Para naman sa Pagbigkas ng Spoken Poetry, si Aaron Escubio (8-Connection) ang nakakuha ng unang gantimpala, habang si Ginger Villaflor (8-Contentment) ang pumapangalawa, si Sophia Guillermo (8-Consideration) ang nasa ikatlong gantimpala, at si Louise Arpon (8-Courage) ang ikaapat.

Sa kategoryang Pagbigkas ng Deklamasyon, nanguna si Gabrielle Franco (9-Fairness), sinundan siya ni Mayumi Vergara (9-Family) sa ikalawang gantimpala, Nicole Kierulf (9-Faith) sa ikatlong gantimpala, at Prince Reyes (9-Fidelity) sa ikaapat na gantimpala.

Para sa Balagtasan, natamasa ng 10-Commitment ang unang gantimpala na kinabibilangan nina John Dancal, Jude James, at Kate Siniguian, pumapangalawa ang 10-Imaginative na binubuo nina Jalea Cabiladas, Georgina Gulpany, at Kiev Punzalan, 10-Fortitude na sina Vien Llena, Nathaniel Gumban, at Charles Catas na nakamit ang ikatlong puwesto, habang ang 10-Environmentalist na sina Lanuzo Paul Raven, Baltazar Jasmine, at Humilde Keisha Jandi na nakakuha ng ikaapat na puwesto.

Sinundan ito ng pagbibigay parangal sa mga nagwagi sa Kundiman, Jojie Aguila (11-Altruistic) para sa unang gantimpala, Trixia Balbin (11-Convivial) sa ikalawang gantimpala, at Mark Prepuse (11-Compassionate) sa ikatlong gantimpala.

Idagdag pa rito, nagwagi bilang kampeon ang 12-Diplomacy sa Animated Stories.

Sa Tagisan ng Talino, nagkamit ng unang gantimpala sa Baitang 7 si Naz Larubis (Bravery), ikalawa si Ric Villados (Benevolence), ikatlo si Aeon Mabbayad (Blessedness), at ikaapat si Calyx Cruz (Accountabillity).

Unang nagwagi sa Baitang 8 si Virtuous Tragura (Connection), habang sina Samantha Mangoil (Consideration) at Jaden Sambalod (Connection) ang nakakuha ng ikalawa at ikatlong gantimpala.

Nanguna naman si Sheila Lapizar (Family) mula sa Baitang 9 na sinundan ni Mike Talatagod (Fidelity), at Althea Berioso (Fairness).

Sa Baitang 10, nagwagi si Santino Santos (Commitment) para sa unang puwesto, Jude James (Commitment) sa ikalawa, at Georgina Gulpany (Imaginative) sa ikatlo.

Kinilala rin ang mga nanalo sa "Pinakamagandang Kasuotan" na sina Sabriya Tisoy, Morgan Talavera, Tamara Barlis, Irca Diaz, Samantha Zapata, Franchezka Medidas, Cloud Manoza, Shean Palma, Martin Torrijos, Gabriel Enerio, at Jhio Marasigan.

Sa kabilang banda, pinarangalan bilang unang gantimpala sa AP Quiz Bee sina Jeremiah Paul Barrinuevo, Gian Carlo Sonsing, Goodwin Peter Nazareno, at Santino Miguel Santos.

Napunta ang ikalawang gantimpala kina Louis Iver Atienza, Andrew James Cervantes, Jan Earl Mariñas, at John Francis A. Brillante.

Gayundin, nakatanggap ng ikatlong gantimpala sina Alfred Johannes Navarro, Airuzz Stanley De Lira, Jose Alfonso Joaquin Manalo, at Zedrick Bumanglag.

Karagdagan, kinilalang Best Adjudicators sa debate sina Zoe Margella Rios, Jameela Caborda, at Anisha Chantelle Uy habang pinarangalan bilang Best Coaches sina Lance Esliza at Dashielle Reprado na nagtabla, sinundan nina Katherine Alcantara at Julianrei San Luis.

Sa kabuuan, nanguna ang Team 2 sa debate, na sinundan ng Team 1, Team 4, at Team 3.

Samantala, ang mga Best Speakers ay nagtabla sa unang puwesto na may 81/100, at ito ay ang Finals PM at Finals DPM, magkapareho rin ang iskor ng Finals DLO at Finals Opp Reply na may 79/100 habang nagkaroon din ng pantay na puntos sa pagitan ng Finals LO, Opp Whip, at Gov Reply na may 77/100.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, nagbigay ng mensahe si Francheska Pamintuan, presidente ng MAYA.

“Tandaan natin, ang medalya man ay kupas, ang sertipiko ay naluluma, ngunit ang ating wika ay pamana na kailanman ay hindi mawawala,” aniya.

Binigyang-diin pa ni Pamintuan na hindi lamang ito isang simpleng programa ng pagbibigay-gantimpala, kundi isang pagdiriwang ng ating kultura, pagkakakilanlan, at wikang Filipino, kanya ring pinaalalahanan ang mga mag-aaral na isapuso ang tema ng okasyon na “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”.

𝗣𝗮𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶: Shania Lourdes Masinas (9 - Family)
𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗶: Joana Rain Carag (12 - Efficiency)

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Opisyal nang binuksan ang Science Month sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas nitong Lunes sa pangugu...
05/09/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Opisyal nang binuksan ang Science Month sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas nitong Lunes sa panguguna ng Youth in Environment Schools Organization (YES-O).

Ngayong taon, ang tema ay "Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan."

| via Aki Gabriel Hernandez (12 - Diplomacy), Joana Rain Carag (12 - Efficiency), at Majella Nicole Nouay (11 - Compassionate)

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Las Piñas City ngayong araw, Setyembre 5, 2025, batay sa anunsy...
04/09/2025

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Las Piñas City ngayong araw, Setyembre 5, 2025, batay sa anunsyo ng Las Piñas City Government Office.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga anunsyong ilalabas ng awtoridad.

𝗣𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡 | Mayroon akong bagong bag!Sa unang tingin, maringal kung tatawagin.Pinasadya pa ang disenyo para sa akin.Kumi...
02/09/2025

𝗣𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗡 | Mayroon akong bagong bag!

Sa unang tingin, maringal kung tatawagin.
Pinasadya pa ang disenyo para sa akin.
Kumikislap ang mga diyamanteng nakadikit sa bawat hibla.
Tila ba milyones ang ginugol upang ito ay malikha.

At bakit naman hindi?
Ako ay isinilang na may gintong kutsara sa bibig,
Hindi upang magbanat ng buto at maghirap katulad ng iba,
Kundi upang maghintay ng ihahain sa akin mula sa ibaba.

Hindi ko kailangan ang pawis at kalyo para mabili ang bag ko,
Ang kailangan ko ay paghihirap ng mga Pilipino,
Upang makuha at mabili ang mga nais ko,
At mabalewala ang kanilang karapatan at sakripisyo.

Kaya’t tignan natin ang mga laman ng bago kong bag!
Malaki at maganda sa paningin, hindi ba?
Ganyan talaga kapag marami ang naibubulsa,
Sa kaban ng bayan na ATM machine ng aming pamilya.

Pagbukas ng aking bag, wallet agad ang iyong makikita.
Lagi kong dala, hindi kumukupas at laging sagana.
Dito rin napupunta ang perang nararapat na pumigil sa baha,
Habang sila ay nalulunod, narito ako sa ibang bansa, nagpapakasasa.

Sunod na laging laman ng aking bag ay ang mga susi.
Susi ng mansyon, sports car, at pribadong yacht.
Akala mo ay tapos na ang paghihirap niyo?
Kailangan ko pa ng pribadong eroplano.

Gusto ko lahat ay meron ako
Kaya dadayuhin ko kahit nasa kabilang ibayo pa ng mundo.
Gagamitin ko na lamang ang mga pribadong sasakyan ko,
Upang hindi makasalamuha ang mga taong nagbabayad nito.

Habang ang iba ay naghihirap makasakay ng jeep
Ako ay narito at nagagawa ko pang umidlip,
Sa malambot na upuan ng bagong sasakyan
Na binili ng aking bagot na ama gamit ang salapi ng bayan.

Lagi ko ring dala ang aking ID,
Hindi para gamitin kapag ako ay nawawala,
Kundi ipakita na ako ay espesyal at mahalaga
Dahil dala ko ang apilyedo ng aking pamilya.

Ito ang nagsasabi ng posisyon ko sa lipunan
Na ako ang nararapat unahin dahil ako ang mayaman,
Ang yaman na hindi ko pinaghirapan,
Ngunit ako ang nakikinabang.

At huli ay ang Iphone 16 Pro Max, maganda at sabay sa uso.
Gamit din ang teleponong ito, natatawagan ko ang daddy ko.
Para makahingi ng limpak-limpak na piso,
Na maaari kong gastusin sa iba’t ibang luho.

Habang ang mga Pilipino ay kumakayod pa rin at umaasa
Ako ay narito namimili ng susunod na bag na aking ibibida.
Hindi ko kailanman inisip at pinasan ang bigat ng problema ng ating bansa,
Dahil ang mga Pilipino naman ang maghihirap at kami ang magmamana.

𝗣𝗮𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶: Julia Mae Buagas (12 - Diplomacy)
𝗗𝗶𝗯𝘂𝗵𝗼 𝗻𝗶: Zoe Faustine Arde (12 - Diplomacy)

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Suspendido ang klase sa Metro Manila sa lahat ng antas ngayong araw, Setyembre 1, 2025 dahil sa patuloy n...
31/08/2025

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Suspendido ang klase sa Metro Manila sa lahat ng antas ngayong araw, Setyembre 1, 2025 dahil sa patuloy na pag-ulan. Ayon ito sa anunsyo ng DILG kanina lamang 5:35 ng umaga.

Mag-ingat, mga Lapisyano!

"Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi katapangan. Ito ay tungkulin." — Percy Lapid 🖋️Sa bawat katotohanang kanilang isi...
30/08/2025

"Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi katapangan. Ito ay tungkulin." — Percy Lapid 🖋️

Sa bawat katotohanang kanilang isinisiwalat, nagiging mulat ang sambayanan sa tunay na kalagayan ng lipunan.

Kaya marapat lamang na igalang at ipagdiwang ang kalayaan ng mga mamamahayag sapagkat patuloy nilang tinutuldukan ang pamamayani ng kasakiman at kasinungalingan.

𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔𝗜𝗡 | Mga Bayaning Hindi NakikitaTaun-taon, sa huling Lunes ng Agosto, ginugunita ang Araw ng mga Bayani–isang ara...
25/08/2025

𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔𝗜𝗡 | Mga Bayaning Hindi Nakikita

Taun-taon, sa huling Lunes ng Agosto, ginugunita ang Araw ng mga Bayani–isang araw para alalahanin ang mga taong naglaan ng buhay para sa bansa at sa kalayaang tinatamasa nito ngayon. ‘Pag sinabing bayani, agad na pumapasok sa isip sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Gabriela Silang, at iba pa. Ngunit sa likod ng mga bayaning ito ang marami pang unsung heroes na hindi nabibigyan ng karampatang pagkilala para sa mga sakripisyo para sa bansa.

𝗛𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗯𝗼𝗼𝗸
Karamihan sa ating kaalaman tungkol sa mga bayani ay galing sa mga aklat ng kasaysayan, bagay na kulang-kulang dahil sa limitadong mga tala. Dahil dito, ang mga kuwento ng katapangan ng daan-daang bayani ay hindi naipapasa sa kabataan. Kabilang sa mga bayaning ito ang mga sundalong walang pagod na lumaban, mga ordinaryong mamamayan na nakisama sa mga kilusan, at mga kababaihang nag-alaga sa mga sugatan.

𝗠𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗯𝗼𝗹𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻
Isa sa unsung heroes si Trinidad Tecson–Ang Ina ng Biak na Bato. Maliban sa kanyang pagiging aktibo at husay sa pakikipaglaban, malaki rin ang kanyang naging papel sa panggagamot. Siya ang nanguna sa pag-oorganisa ng isang grupo ng mga kababaihan na nag-alaga at gumamot sa mga sugatan at may sakit na sundalo.

Dagdag pa rito si Panday Pira. Siya ay isang mahusay ng manggagawa ng kanyon noong panahon ng Espanyol. Una siyang gumawa ng mga kanyon para kay Rajah Sulayman at kalaunan ay gumawa para sa digmaan. Dahil sa kanyang kasanayan, nagkaroon ng malakas na artilerya at depensa ang mga Pilipinong nakikipaglaban.

Mayroon ding babaeng nagsilbing espiya noong panahon ng mga Hapon–si Magdalena Leones. Nag-aral siya ng wikang Hapon nang makulong sa Camp Holmes sa loob ng limang buwan. Ginamit niya ang kanyang kaalaman upang makakuha ng mga impormasyon at maipasa ito sa mga Pilipinong mandirigma.

Ilan lamang sila sa mga bayaning nagbigay ng kanilang oras, lakas, at husay para sa ikabubuti ng bansa. Dahil sa kanilang tapang at dedikasyon, natatamasa nating maging malaya mula sa kamay ng mga mananakop.

𝗠𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻
Patuloy ang pagdami ng mga bayani sa kasalukuyan. Bagamat wala silang hawak na armas sa pakikipaglaban, pinapanalo nila ang iba’t ibang hamon sa bansa.

Nangunguna na rito ang frontliners noong kasagsagan ng COVID-19–ang mga health workers tulad ng doktor at nars, maging ang kapulisan at mga sundalo, at iba pang public personnel. Sila ay nagsakripisyo ng kanilang oras na kasama sana ang pamilya upang makatulong sa mga Pilipino kahit nalalagay sa peligro ang kanilang kalusugan.

Sunod naman ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs. Hinggil sa kaalaman ng marami, ang mga OFW ay tinatawag na “Modern Day Heroes,” dahil sa malaki nilang papel sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng remittances. Pinipili nilang makipagsapalaran sa ibang bansa at magtrabaho para sa mas mabuting buhay ng pamilyang naiwan sa Pilipinas.

Hindi rin mawawala sa listahan ang mga ordinaryong mamamayan na nag-aambag sa kaunlaran ng mga komunidad tulad ng mga g**o, bumbero, magsasaka, mangingisda, at iba pa. Dahil sa kanila, patuloy na malaya at progresibo ang pamumuhay ng bawat Pilipino.

Sa araw ng mga bayani ating gunitain hindi lamang ang mga kilalang personalidad, kundi pati na rin ang mga bayaning hindi kilala. Ang tahimik nilang tapang, pagmamahal sa bayan, at pagmamalasakit sa kapwa ang nagbigay-daan sa buhay na ating tinatamasa ngayon.

Sa araw na ito, alalahanin ang kanilang dakilang mga sakripisyo at gamitin itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang legasiyang kanilang iniwan.

𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶: Daniella Louise Salamanque (12 - Honesty)
𝗗𝗶𝗯𝘂𝗵𝗼 𝗻𝗶𝗻𝗮: Prince Alejandro Mague (11 - Convivial) at Claire Gwen Santos (11 - Compassionate)

Malugod naming kinikilala ang mga nagtagumpay at nagkamit ng 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗟𝗶𝗸𝗵𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝘆...
17/08/2025

Malugod naming kinikilala ang mga nagtagumpay at nagkamit ng 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗟𝗶𝗸𝗵𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟱 na isinagawa noong Hunyo 21, 28, Hulyo 5, at 12.

Ang inyong talento at husay ay patunay na buhay at patuloy na sumisiklab ang diwa ng pampaaralang pamamahayag. 🖋️

Mabuhay ang lahat ng nagwagi at lumahok! 💛🤎

𝗦𝗜𝗚𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗚𝗟𝗔 🌟Sa bawat liriko, melodiya, at dagundong ng tambol na bumalot sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las...
13/08/2025

𝗦𝗜𝗚𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗚𝗟𝗔 🌟

Sa bawat liriko, melodiya, at dagundong ng tambol na bumalot sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas noong Huwebes, Agosto 7, nag-iwan ng makabuluhang mensahe ang Nutrichant tungkol sa kahalagahan ng ating kalusugan.

Ang Nutrichant ay isang programang pinangunahan ng LPSci TLE-Steps Club kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-10 baitang ang kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw.

Subalit, higit pa sa himig at indak ang Nutrichant. Ito ay isang paalala na ang nutrisyon ay may mahalagang papel sa komunidad. Kaya naman ang likha ng bawat pangkat ay matagumpay—dahil bukod-tangi nilang naisulong ang tema ng Nutrition Month ngayong taon na “Food at Nutrition Security, Dapat Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”.

𝗞𝘂𝗵𝗮 𝗻𝗶𝗻𝗮: Joana Rain Carag (12 - Efficiency), Majella Nicole Nouay (11 - Compassionate), at Jade Isabelle Imperial (9 - Family)

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Ibabahagi ng isang grupo ng student researchers mula sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas ang kanila...
08/08/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Ibabahagi ng isang grupo ng student researchers mula sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Las Piñas ang kanilang inobasyong tinatawag na Thermosense ngayong Sabado sa DOSTv.

Kabataan para sa kalusugan! Isang grupo ng young Filipino innovators mula sa Las Piñas City National Science High School - 320304 LPC ang nag-imbento ng Thermosense—isang smart device na layong makatulong sa maagang diagnosis ng breast cancer. Paano nga ba gumagana ang device na ito?

Alamin ngayong Sabado sa !

Address

Carnival Park Street , BF Resort Village , Brgy. Talon 2
Las Piñas

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Paham posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Paham:

Share