14/11/2025
Kailangan daw ba talaga pag nag lipad Ng kalapati madami?
Sagot ko dipende sa bulsa mo 😂
Una kasi Nyan pag Wala ka pa aasahang blood line mo naghahagilap ka palang Ng ginto sa loft mo sagot ko 'oo dapat madami' at dipende pa Rin sa dami o konti mong materyales Ma pa north or south.
Magastos talaga sa unang races at sa mga susunod pa 😂 Lalo na imbes na mag improve Lalo pa nagulong. At Isa pa sa dagdag pagulong eh Yung kung ano-ano binibigay sa kalapati like speed race at derby system mga pabaon. Para Sakin wag kayo maniwala doon pagkain Ang nagpapalakas sakanila kasi Ang magaling matalino mahusay na kalapati sya lang nakaka adopt Ng sistema mo kung may magaling talaga sumisistema sa kalapati eh di sana sa 100 nyang nilipad kahit 70% siksikan sa galing pero ano nangyari kung aaralin sila Isa o dalawa madami na tatlo Ang nanalo 😂 dadahilan pa sa konting nilapad tutok daw kasi 😂 langya wag na mag lokohan para nyo narin sinabi madami kayo nilipad di nyo tinutukan 😂.
Kaya Wala tayong choice kundi patuloy na mag hagilap Ng best pair at yun Ang buohin natin na pamilya sa loft natin I mean nananalong lahi sa loft mo speed or long distance. Take note pag speed bird for speed bird line pag pang long distance for long distance line pag meron kna proven line dun makakapag lipad Ng konti like quality over quantity!