Kuya mo Benj TV

  • Home
  • Kuya mo Benj TV

Kuya mo Benj TV Streamer and Vlogger

14/09/2024

Ano tagalog ng Expensive Profit?

14/09/2024

I gained 11 followers, created 6 posts and received 1 reaction in the past 90 days! Thank you all for your continued support. I could not have done it without you. 🙏🤗🎉

14/09/2024

Kaway kaway sa mga iniwan at sinaktan
Isang EY🤙🤙 na malupit naman jan💪

"ANG DAMI KONG KINAYA NA DI ALAM NG IBA"DAY 1 to DAY 5 ROOM 302Unang araw ko sa Room 302. Dito sa room na to madami akon...
09/08/2024

"ANG DAMI KONG KINAYA NA DI ALAM NG IBA"

DAY 1 to DAY 5 ROOM 302

Unang araw ko sa Room 302. Dito sa room na to madami akong kasamang ibat ibang patiente... May tinubuhan, naleptus, dialysis at diabetes... Ibat ibang sakit ibat ibang tao pero iisa ang hangarin at dinarasal ang gumaling at lumakas.. Sa pagsisimula ng araw ko sa room na to nagsimula na din ang katakot takot na gamot na iinject sa suero at insulin na iniinject sa braso ko... Every 4hr na Checking ng BP OXYGEN AT BLOOD SUGAR... Ito ang araw araw na ginagawa sa akin... At sa araw araw ung mga kasama ko sa room ay nkakausap ko na... May kanya kanyang kwento ang bawat isa sa sakit na kinkaharap namin... Sa kwentong yun may iilan na may matutunan ka, matatakot ka at maiinspire ka na wag sumuko... Sa totoo lang yung limang araw na pag stay ko sa room na to ang dami kong nakuhang aral at nasaksihan na kung saan nagbigay sakin aral na sa pangalawang buhay na chance ko sa mundong to ay kailangan ko ng ayusin... Iniisip ko nga din bakit kaya ako binuhay pa? Samantalang andun na ako sa part ng buhay ko na magiging KWENTO na lang ako pero eto live and kicking pa dn... Siguro may iba pang plan si GOD may mission pa sigiro ako... May mas malalim na dahilaan pa siguro si God sa akin kung ANO MAN YUN? ABANGAN! And alam nyo ba na pag labas ko sa hospital feeling ko buwan akong nag stay sa hospital as in ... Parang ang haba ng araw na nag stay ako dun ... Para kaming nasa reality show na unti unting nareleased at sa pag labas ng bawat isa nakita ko ung Pag-asa na mabuhay pa at mas gawing makabuluhan ang buhay ... Wag sumuko at laging magpakatatag... Grabe ung experience ko sa loob ng room na to maikli lang pero solid ... Kaya nga sobrang pasasalamat kay GOD kasi di niya ako pinabayaan ... Kaya naman masasabi ko napa effective ng pagdarasal di ka bibiguin lalo na sa gitna ng mga pagsubok na di mo na kaya at ipapaaubaya mo na lang sa itaas ang lahat ... Kaya sa nakakabasa nito KEEP ON PLRAYING AND BE HUMBLE AS ALWAYS!



Buhay Pag-ibig naman ang ishare natin!

Soon 😜

"ANG DAMI KONG KINAYA NA DI ALAM NG IBA"Malagim na PangyayariJune 20, 2024 araw na di ko makakalimutan. Malangim na pang...
08/08/2024

"ANG DAMI KONG KINAYA NA DI ALAM NG IBA"

Malagim na Pangyayari

June 20, 2024 araw na di ko makakalimutan. Malangim na pangyayari sa buhay ko. ito yung araw na may naransan akong never pang nangyari sakin its mean first time. After work 8am nag out nako pero while on duty nararramdaman ko na ung palpitations then pag out ko parang iba na ung nararramdaman ko di nako makahinga ng maayos so ginawa. Ko uminom ako tubig pero ang nangyari parang nablowted pa ko ... Dahil feeling strong ako natulog muna ako and then ayun nagising ako by 9:47AM di na tlga normal ung pag hinga ko so i call my sister na d ako makahinga then pinuntahan nya ako agad and dahil HB sya di siya naniwala sakin so nagtalo pa kami and then ayun umuwi sya ulit ng zapote... So natulog na. Lang ulit ako... 11:28AM nagising ulit ako at ayun di ko na tlga kaya naghahabol na ako ng hininga ko so since ayaw ng ate ko maniwala tumawag ako sa oamangkin ko then sya nagsabi sa ate na oanganay(mother ng oamangkin ko) na di ako makahinga at gusto ko na magpadala sa hospital ... Feeling na mamatay nako as in ... Then sa.taranta ng ate ko tinawagan nya ung isa pang ate ko na bumalik sa gatchalian dahil d nako makahinga a minutes lang dumating na ung ate ko na pangalawa sa sobrang taranta nya dinala ako sa LPDH di nya alam semi private yun so dun nagsimula ang lagim.... Emergency nako nun at pinahiga ako sa bed then may mga tinurok na kung ano ano tas di ko na alam ... Basta ang alam ko di ako makahinga tas. Ung mga nurse dun parang wala lang... Wait sila ng wait then ako sigaw nako ng sigaw na di ako makahinga after that wala nako alam... Unconcious nako basta ang natandaan ko bago ako mag deliryo ng malala nagsabbi ako sa panganay namin na di ko na kaya tol mamatay nako talaga di ko na alam hanggang dito na lang ako ... Tas yung ate ko sigaw na ng sigaw tas. Yun di ko na alam nangyayare... Base sa kwento nila violet na ung labi ko at sobrang putla ko na at walang malay...(Di ko na alam anong nangyare) Basta pag gising ko na lang nasa emergency nako ng las pinas district hospital. Ang dami namin doon kung baga waiting na magkarooon ng available na room or bed then nung magising ako mga 1hr nakatulog ako ulit then may pumuntang nurse dahil tulog ako inisip ng nurse na unconcious pa ko so ginawa nya tinuktukan ng pagkalakas lakas dibdib ko so nagising ako means naalimpungatan sa lakas ng tuktok nya so napasigaw ako at napamura.... Tas sabi ko sa nurse bakit moko tinuktukan ng ganun kalakas?... Sabi ng nurse unconcious kasi kayo kanina... Then sabi ko tanga kaba bat di mo tinanong nanay ko di ung tutuktukan moko ng ganun kalakas ... Then sabi ng nurse protocol kasi sa amin un... Dahil di ako papatalo sumagot ako ulit protocol manakit ng patiente? Ikaw kaya suntukin ko habang natutulog okay lang sayo? Or kutusan kita ng tulog masisiyahan ka? So ayun a minute nilagay ako sa wheel chair then nilabas ako hehehe dun ako sa gedli nilaga parusa., pero di ako nagsisi kasi ang dami nagagalit sa nirse na un kasi ang yabang nya tlga sabi pa nila buti dw ginanun ko mejo natauhan... So 1 day and 3hrs ako bago nakapasok ng room... SO TO BE CONTINUE...

TULOY KO NA LANG ANG DAY 1 TO DAY 5 SA ROOM.

07/08/2024

ANG DAMI KONG KINAYA NA DI ALAM NG IBA''

8 Years ng lumalaban sa DIABETES!

nameet ko si diabetes after graduation ng collenge...nagsimula to nung nagstart ako magwork since na may pera nag abuso naman sa pagkain at inumin.. lakas mag rice, lakaas sa softdrinks and juices, walang exercise... Kaya ayun nameet ko si diabetes...grabe anng laki ng pagbabago sa buhay ko nung maagkaroon ako ng diabetes... Pangangatawan ko, confidence ko, at nahihiya ako lumabas at makisalamuha sa mga tao ... Ala eh nachicmis pa na nagdadrugs dw ako eh mga abnoy di lahat ng pumayat addict yung iba nagkasakkit lang .. ni-anxiety pako nyan gabi gabi naiyak ako at nag iisip na magpakamatay until one day biglang pumasok sa isip ko ung oangarap ko kaya ayun nag palakas ako at lumabas until bumalik lahat after mga ilan taon may dagok naman ako na kinaharap tapos na pandemic at nagkaroon ako ng TB starts to paubo ubo lang which is akala ko ubo lang na nakukuha sa gamot until dumating ang March 30.. pag ubo ko may kasama ng dugo hanggang sa everytime na naubo ako mas padami ng padammi ung dugo then kinabukasan nag pacheck up ako sa Pamplona med as per doctor i have TB tlaga and then si doc nagbgay ng referrals na dun ako kukuha ng TBDOTS sa P1 Health center .. so pumunta ako dun at dinala ko xray at referral at ang nkakataawa dun. Ayaw maniwala ng kausap ko na TB sakit ko.. so inis ko at kapilyuhan umubo ako.sa garap nya at ayun may dugo na kasama at nakita nya personally kasi nasa facemask ko ung dugo . So sa takot nya balik dw ako pag may plema nako sa mission failed malala kaya ang ginawa. Nmin ng ate ko pumunta kami ni ate sa SAN LAZARO HOSPITAL at dun naasikaso ako nabigyan ng gamot sa pampaampat bg dugo at vitamins. Grabi buto buto nako that time.. halos nawalan nako pag asa mabuhay kasi grabe ung experience ko... Then kinabukasan bumalik kami at dun na namin nakuha ung referrals na pwede. Na ko bigyan ng TBDOTS... Dun ko dn natutunan kung ano tlga ang TB...symptoms and benefits ng pag gaagaanot sa tottoo pang may mga ilan tao ako na kilala na kinamatay us TB Kya ganun n lng ung takot na naidulot sakin... Pero dahil matatag ako at gusto ko pa mabuhay sinusnod ko lahat until gumaling ako at lunakas ulit..then after ng ilan taon eto na naman ung mas matinding dagok na nangyare sakin as in super malala JUNE 20,2024.... TO BE CONTINUE..

TULOY KO PA BA?

07/03/2023

Kaditah Gaming

Bugbog Aberna.. Tunawin na parang Yelo Ang mga Minions.

Watch and Learn!

22/02/2023

CTTO

Ang kulit eeh . Yung Pump na nakakatanggal.ng Kaluluwa..

Hahahhahaha

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuya mo Benj TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kuya mo Benj TV:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share