Tara na sa Pilar

  • Home
  • Tara na sa Pilar

Tara na sa Pilar Explore and discover more about Brgy Pilar! Tara na sa PILAR!

14/07/2025

SK PILAR WAGI SA 2025 NUTRITION MONTH COOKING CONTEST

Isang masiglang pagbati sa ating SK Barangay Pilar sa pagkamit ng ika-2 pwesto sa isinagawang 4M’s Cooking Contest (Masustansiya, Mura, Masarap at Madaling Lutuin) na ginanap noong Hulyo 11, 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2025!

Ang paligsahan ay nilahukan ng mga SK officials mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, na naglaban-laban sa paghahanda ng mga pagkaing masustansiya at abot-kaya para sa bawat pamilyang Pilipino. Bitbit ng SK Barangay Pilar ang diwa ng malasakit at serbisyong tunay na nakatuon sa kalusugan ng bawat kabataan.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng masigasig na partisipasyon ng mga kabataang Pilareño sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at praktikal na kaalaman sa pagkain. Pinangungunahan ni SK Chairman Reagan Barrientos, SK Kagawad Jester Ann Jennydhie Dela Cruz at SK Secretary Rovelyn Rodolfo ang grupo na naghanda ng masustansiyang putahe na nagpahanga sa mga hurado—hindi lang sa lasa kundi pati sa nutritional value, affordability, at galing sa presentasyon.

Sama-sama nating itaguyod ang masigla at masustansiyang pamayanan sa Barangay Pilar!




14/07/2025

PAGPAPAHALAGA SA MGA BRIGADA NG BAWAT PUROK: KATUWANG SA KAPAYAPAAN, KAAYUSAN AT KALINISAN

Lubos ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Barangay ng Pilar Village sa walang sawang dedikasyon at serbisyo ng mga brigada sa bawat purok na araw-araw—at gabi-gabi—ay katuwang sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at katahimikan sa ating mga komunidad.

Ang kanilang presensya ay nagbibigay ng seguridad hindi lamang sa kanilang mga purok kundi pati na rin sa buong Barangay Pilar. Sila ang tunay na katuwang ng Barangay Peace and Order Committee sa pangunguna ni Kagawad Alvaro “Kua Al” Dela Cruz, at ng Environmental Committee sa pamumuno ni Kagawad Jose Joy Pasco.

“Hindi matutumbasan ang kanilang serbisyo. Sa mga oras na ang karamihan ay nagpapahinga na, sila ay gising at alerto para sa kapakanan ng lahat,” pahayag ni Kapitan Ronillo B. Fuentes.

Ang Barangay Pilar ay patuloy na kikilalanin, susuportahan, at bibigyang halaga ang ating mga kawani na tahimik na nagsisilbi para sa kabutihan ng nakararami.



14/07/2025

MISSION 2025 MEDICAL AND DENTAL, NAGSAGAWA NG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL SA BARANGAY PILAR; 700 RESIDENTE, NAPAGSILBIHAN

Ngayong umaga, nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Pilar sa isinagawang MISSION 2025 MEDICAL AND DENTAL sa Zone 3 Covered Court bilang bahagi ng pagdiriwang ng 30th Police Community Relations Month.

Sa pangunguna ni Kapitan Ronillo B. Fuentes at ng Vanguard Anti-Crime and Corruption Task Force Inc., katuwang ang Philippine National Police – Police Community Affairs and Development Group, AFP Reserved Command, PVHAI, Barangay Pilar at iba pang partner organizations, matagumpay na naipagkaloob ang mga libreng serbisyong medikal tulad ng general check-up, tooth extraction, chiropractic therapy, acupuncture, pediatrics, libreng gupit, at pamamahagi ng gamot at bitamina sa mahigit 700 kabarangay – bata man o matanda.

Ang aktibidad ay isinagawa sa tulong nina Director General Lazaro James Valencia ng Vanguard Anti-Crime, PCol. Sandro Jay DC Taffala, Chief of Police ng Las Piñas Police Station, PVHAI President Marlon Dawis at Zone 3 Chairman Dennis L. Barretto, at mga dedikadong sponsor ng programa.

Ang Barangay Pilar ay lubos na nagpapasalamat sa mga sponsors at lumahok sa proyekto, kina Kagawad Rey Argel at Jose Joy Pasco ng Committee on Health and Nutrition, sa aktibong koordinasyon. Nakiisa rin sa programa sina Kagawad Bok Tugano, Tyrone Rangel, Vicky Abaño, kasama ang focal person na si Eleese Carlos, Barangay Nutrition Scholar Jennifer Guardiano Verbo, at mga health staff na sina Cyraline Nieva at Emma De Ocampo.

Patuloy ang Barangay Pilar sa pagtugon sa pangangailangang medikal ng bawat Pilareño.



14/07/2025

KABATAANG PILAREÑO, NAKIISA SA ENVIRONMENTAL TOUR SA LAS PIÑAS-PARAÑAQUE WETLAND PARK

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ng SK Barangay Pilar ang “Sama Ka – SK Pilar Environmental Tour to Las Piñas-Parañaque Wetland Park”, isang makabuluhang lakbay-aral para sa kabataang Pilareño tungo sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga piling kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng barangay na nagnanais matuto at makilahok sa kampanya para sa kalikasan. Sa nasabing tour, tinalakay ang kahalagahan ng biodiversity, responsableng pamumuhay pangkalikasan, at ang papel ng kabataan sa pangangalaga ng likas-yaman.

Pinangunahan ito ng SK Council sa pamumuno ni SK Chairman Reagan Barrientos, at SK Kagawad for Environment, Eli John Loza.

Ipinagkaloob sa mga lumahok ang libreng transportasyon at meryenda bilang pasasalamat sa kanilang partisipasyon at pakikiisa.

Ayon kay SK Chairman Reagan Barrientos, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at bahagi ng pag-asa na ito ay ang pagiging tagapangalaga ng ating kalikasan.”

Magsilbing inspirasyon ang aktibidad na ito sa pagpapatuloy ng mga proyektong may malasakit sa kapaligiran sa ilalim ng pamumuno ng masigasig at makakalikasan nating mga lider-kabataan.






14/07/2025

MGA LGBT+ ADVOCATES NAKIPAGPULONG KAY KAP. RONILLO FUENTES

Noong ika-10 ng Hulyo 2025, opisyal na isinagawa ang courtesy visit ng Hiraya - Brgy. Pilar sa Pamahalaang Barangay ng Pilar, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Ronillo B. Fuentes

Mainit na tinanggap ni Kapitan Fuentes ang mga opisyal na kandidata ng kauna-unahang Miss Gay Pilar coronation event at mga organizers nito, bilang pagkilala at suporta sa makabuluhang inisyatiba na hindi lamang nagdiriwang ng kagandahan, kundi ng pagkakakilanlan, kultura, at adbokasiya para sa pagkakapantay-pantay at inklusibong komunidad.

Ang BAHAGREYNA 2025 ay ginanap kagabi, Hulyo 12, sa Aguilar Sports Complex, bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month. Ang Barangay Pilar ay patuloy na aktibong nakikiisa sa mga programa ng pagkakapantay-pantay gaya ng Pride Parade ng Las Piñas, Binibining Bahaghari ng Villar Foundation, at iba pang inisyatiba na nagpapalakas sa boses ng LGBTQIA+ community.

Ayon kay Kap. Ronillo B. Fuentes, “Ang tunay na pag-unlad ng isang barangay ay nasusukat sa kakayahan nitong tanggapin at ipaglaban ang karapatan ng bawat isa—anuman ang kanilang pagkatao.”

Ang Barangay Pilar ay mananatiling bukas, makatao, at patuloy na susuporta sa mga adbokasiyang nagtataas ng dignidad at karapatan ng lahat ng kasapi ng ating komunidad.



14/07/2025

MABILIS NA SERBISYO, HATID NG BARANGAY PILAR OFFICE STAFF MULA LUNES HANGGANG SABADO

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng mabilis, episyente, at tapat na serbisyo ng Pamahalaang Barangay ng Pilar Village sa pangunguna ni Punong Barangay Ronillo B. Fuentes at katuwang ang buong Barangay Office staff.

Araw-araw mula Lunes hanggang Sabado, bukas ang Barangay Hall upang asikasuhin ang mga dokumento at pangangailangan ng ating mga kabarangay. Maaaring makuha ang mga pangunahing dokumento gaya ng:

▪ Barangay Certificate
▪ Barangay Clearance
▪ Barangay ID
▪ First-Time Job Seeker Certificate
▪ Katibayan para sa Kasambahay

Nakatalagang Kawani:
Sec. Reynaldo Mactal
Cyndhie Clavo Oliva
Ruffa Ronquillo
Evelyn Umali
Rose Napili
Ryan Caballero

Bukod sa mga dokumento, bukas din ang Barangay para sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan tulad ng:

▪ Social Service (Burial/Medical) - Eleese Carlos
▪ Solo Parent Assistance - Jenistrel Soneja Regalado
▪ Persons with Disabilities - Rosita Basilides Batitis

Ang ating barangay ay nagsusumikap na makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo—mabilis, tapat, at bukas sa lahat.

Ayon kay Kap. Ronillo B. Fuentes, “Ang bawat mamamayan ay karapat-dapat sa maayos at mabilis na serbisyo. Responsibilidad naming tugunan ito araw-araw.”

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Barangay Pilar Hall o makipag-ugnayan sa mga itinalagang tauhan ng barangay.

⏰: 8:00 AM-5:00 PM (Mon - Fri)
8:00 AM - 12:00 PM (Sat)
☎️: 8806-7241
📧: [email protected]





14/07/2025
14/07/2025
14/07/2025
𝐒𝐭𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐟𝐞 𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐒𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 ☔☂️🌂
02/07/2025

𝐒𝐭𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐟𝐞 𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐒𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 ☔☂️🌂

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tara na sa Pilar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share