
13/10/2023
Nutrition Problems sa mga Batang may Autism Spectrum Disorder
by Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian
Ang mga batang may autism spectrum disorder (ASD) ay mas madalas nakakaranas ng pananakit ng tiyan, hindi matunawan, pagtatae kumpara sa ibang bata na walang sakit. Mas mapili din ang mga ito sa pagkain na madalas ay puro mga processed food at hindi sila madalas kumakain ng prutas at gulay. Kaya naman mas madalas silang magkaroon ng nutrition problem at weight-related health issues na maaari nilang madala hanggang sa pagtanda. Mas malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng obesity o labis na katabaan, high blood pressure and diabetes.
Dahil minsan ay mahirap ang komunikasyon o pakikipag-usap sa mga batang may ASD hindi nila agad nasasabi sa kanilang magulang kung may nararamdaman silang mga sakit. Mainam na makipagtulungan sa pediatrician at mga nutritionist-dietitian ang mga magulang mga batang may ASD upang magabayan sila sa tamang pagkain. Mahalaga ang nutrsiyon mula sa pagkain upang lumaking malusog at malayo sa iba pang sakit ang mga batang may ASD.