16/08/2026
https://www.facebook.com/share/v/19AX1UfNfs/
Mga mommies, kung hindi pa kayo handang maging magulang o pakiramdam ninyo ay hindi ninyo kayang alagaan ang inyong baby ngayon, huwag kayong matakot humingi ng tulong.
Maaari kayong lumapit sa inyong pamilya, kapitbahay, barangay, o sa mga taong pinagkakatiwalaan ninyo. At kung nahihiya kayong humingi ng tulong sa mga taong nakakakilala sa inyo, maaari ninyo rin kaming direktang i-message. Susubukan naming kayong i-connect sa mga taong maaaring makatulong sa inyong sitwasyon.
Huwag nating hayaang umabot sa puntong maitapon o mapahamak ang isang inosenteng sanggol. 🙏
Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong. Minsan, kailangan lang natin ng taong makikinig, uunawa, at sasamahan tayo sa paghahanap ng ligtas na solusyon.
Ang isang sanggol ay walang kakayahang ipaglaban ang kanyang sarili. Tayo ang dapat maging boses at proteksyon niya. ❤️
Nawa'y gabayan tayo ng Diyos na piliin ang buhay, pagmamahal, at awa.
Abraham’s Shelter of Hope
Where every child finds love, and every parent finds hope. 🤍
Credit to the owner of the video.