14/12/2024
Anxiety and Depression is not OKAY and it really exist 😭💔
Hindi ko alam kung pano ko eexplain ang nangyare kanina saakin.
So around 10am kanina nakahiga lang ako sa sofa bed at andami kong iniisip na hindi ko maintindihan. Simula pa kagabi hindi ako makatulog halos 3 days na akala ko okay lang yun baka nasobrahan lang ako sa kape at puyat pero diko alam na may anxiety na pala ako at mild depression 😭. yung feeling na kahit may kasama ka pero parang hindi mo maramdaman, yung feeling na masaya ka oras na yun pero pag ikaw nalang mag isa ayon iiyak ka na naman at mag ooverthink ng kung ano ano ☹️. minsan hindi tayo maintindihan ng mga tawo kasi feeling nila nag iinarte lang tayo, nag dadrama lang tayo at minsan saaabihan pang OA pero ang totoo hindi nila alam ang pinagdadaanan natin kaya madali sa kanila ang humusga. tapos ngayon ko lang nalaman dahil nawalan ako ng malay. nag pa check up ako sinabi saakin ng doctor na hindi pwedeng lagi akong nag iisa at kailangan ko ng makakausap at wag kong hahayaan ang sarili ko namalunod sa kalungkutan. Mental health is important guys! wag kayong masyadong magpuyat at umiyak sa gabi
lord kung ano man ang plano mo sa buhay ko Ipinagkakaloob ko lahat at ipinagkakatiwala ko ito sayo 🙏😭
Before&after