Seton Notes

Seton Notes This is the official page of Seton Notes - ESS Main Campus.

TINGNAN | Muling nagkaisa ang mga Setonian sa isinagawang Community Pantry sa Bulwagang MI ng Elizabeth Seton School noo...
22/09/2025

TINGNAN | Muling nagkaisa ang mga Setonian sa isinagawang Community Pantry sa Bulwagang MI ng Elizabeth Seton School noong nakaraang Agosto 29, 2025.

Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng handog, naipadama ang malasakit at pagkakaisa ng pamayanang Seton.

Layunin ng inisyatibo na maghatid ng tulong at kasiyahan, kasabay ng pagpapatibay sa mga pagpapahalagang pananampalataya, pagmamahal, at paglilingkod.

Kabilang sa mga nabigyan ng mga donasyon ay ang mga kawanitauhan ng lungsod mula sa CENRO (City Environmental and Natural Resources Office), TPMO (Traffic Management Parking Office), mga security guard ng paaralan, mga MEBSA operators at drivers, at iba pa.

Sa mga ganitong paraan, ay napatutunayan na kahit maliit na hakbang ay nagbubunga ng malaking ligaya at pag-asa sa bawat isa.

Ni: Karl Lorenzo H. Saycon
Larawan nina: Sir. Martin Cruz at Ms. Camille Mercado

The fire that burns, starts with a small spark of hope. Today, the Filipino people unites as one against a common foe—co...
21/09/2025

The fire that burns, starts with a small spark of hope. Today, the Filipino people unites as one against a common foe—corruption.

Let your voices be heard, ‘til your uproar sends chills to the very bones of those who dare turn a blind eye on the suffering and righteous anger of the people. Today, we cease in giving them the silence they have in turn, so consistently offered us.

Here’s some things to remember when attending the rally!

Written by: Leian Alcazar
Layout by: Enzo Cruz

𝗢𝗣𝗜𝗡𝗜𝗢𝗡 | Day after day, a new version, a new excuse, a new mask appears for them to hide behind. For the past month, na...
21/09/2025

𝗢𝗣𝗜𝗡𝗜𝗢𝗡 | Day after day, a new version, a new excuse, a new mask appears for them to hide behind. For the past month, names have been thrown around—contractors, lawmakers, and government officials—all passing the torch of blame to anyone but themselves. The narrative keeps shifting, not to reveal the truth, but to shield the faces of those truly liable.

They twist the story again and again, hoping to exhaust the public until the very words “flood control” become a faint echo people no longer care to listen to.

Adding insult to injury, certain groups have used the issue to push their political agendas—their political preferences. Instead of demanding accountability, some turn to attacking those who speak out, as if the problem begins and ends with one person alone.

This could not be further from the truth. The issue of flood control does not revolve around a single individual; it is rooted in an entire network of corrupt syndicates who continue to bleed the nation dry while ordinary Filipinos pay the price.

While they flaunt their lavish lifestyles, children are drowning, families are struggling, and workers whose endless efforts are being washed away by the very leaders meant to protect them.

As the voices of the school’s student body, we call on the youth to act—to uproot the weeds of corruption that have long overrun our nation. Weeds that thrive not to serve the people, but only to enrich themselves. We must remind those in power that in a democracy, power lies with the people. Speak up and use your voices to hold the corrupt accountable, for they are nothing more than unwanted weeds to be disposed of—out of place and out of touch.

Written by: Enzo Cruz
Graphics by: Levia Gasic

LOOK | On September 8, 2025, Primary and Grade School learners gathered at the ESS Chapel and Playground Area to commemo...
18/09/2025

LOOK | On September 8, 2025, Primary and Grade School learners gathered at the ESS Chapel and Playground Area to commemorate the Feast of the Nativity of Mary, a Catholic celebration honoring the birth of the Blessed Mother. Learners joined in solemn prayers and offered flowers at altars of Mary.

Caption by: Enzo Cruz
Layout by: Angelique Estoque
Pictures from Grade School Teachers and the CCF Department

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ipinamalas ng bawat baitang ang malikhaing dekorasyon ng kanilang silid-aralan ayon...
10/09/2025

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ipinamalas ng bawat baitang ang malikhaing dekorasyon ng kanilang silid-aralan ayon sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Para sa Grade 8, ang unang karangalan ay itinanghal sa pangkat ng Davao del Norte. Sinundan ito ng Saranggani bilang ikalawang karangalan, Davao Oriental bilang ikatlong karangalan, at Compostela Valley bilang ikaapat na karangalan.

Sa Grade 9, ang unang karangalan ay iginawad sa Surigao del Norte. Sinundan ito ng Agusan del Sur bilang ikalawang karangalan, Lanao del Norte bilang ikatlong karangalan, Cotabato City bilang ikaapat na karangalan, at Agusan del Norte bilang ikalimang karangalan.

Para naman sa Grade 10, ang unang karangalan ay nakuha ng Maguindanao. Kasunod nito ang Marawi bilang ikalawang karangalan, Lanao del Sur bilang ikatlong karangalan, at Jolo bilang ikaapat na karangalan.

Sa Grade 11, ang unang karangalan ay ipinagkaloob sa PC-C. Sumunod ang PC-B bilang ikalawang karangalan at PC-A at PC-D na magkasamang itinanghal bilang ikatlong karangalan.

At para sa Grade 12, ang unang karangalan ay nakuha ng PC-A. Sinundan ito ng PC-D bilang ikalawang karangalan, PC-B bilang ikatlong karangalan, at PC-C bilang ikaapat na karangalan.

Sinulat ni: Frank Yun
Idinisenyo ni: Reese Javellana

Ipinagdiriwang ng ESS ang KamPiSe ng taong 2025-2026Ni: Sofia Clare R. LeroAng Kamayan at Pistahan sa Seton(KamPiSe) ay ...
10/09/2025

Ipinagdiriwang ng ESS ang KamPiSe ng taong 2025-2026
Ni: Sofia Clare R. Lero

Ang Kamayan at Pistahan sa Seton(KamPiSe) ay isang espesyal tradisyon na natatangi sa paaralan na ginaganap taun-taon tuwing katapusan ng Agosto. Layunin nito na magtipon ang mga mag-aaral upang kilalanin at pahalagahan ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga larong Pinoy at pagsasalu-salo ng komunidad sa mga putaheng Pilipino gaya ng kakanin, samalamig, litson at iba pa

Dahil dito, sa huling linggo ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ipinagdiwang ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang “KamPiSe” sa kani-kanilang mga house noong Agosto 29, 2025.

Dinaluhan muna ng mga mag-aaral ang pampinid na programa sa Himnasyo upang saksihan ang mahuhusay na pagtatanghal na inihanda ng mga kasapi sa Cultural Arts Program(CAP) at ng bawat team ng House System bago magtungo sa kani-kaniyang silid upang isagawa ang KamPiSe.

Upang ipakita ang diwa ng pista, naglibot rin ang mga mag-aaral sa ibang mga silid ipang makisaya at makisalo sa mga handa ng bawat house.

Idinisenyo ni: Laura Taylan

ESS Ipinagdiwang ang Buwan ng WikaNi: Frank YunNoong Agosto 29, 2025, ipinagdiwang ng Elizabeth Seton School (ESS) sa Hi...
07/09/2025

ESS Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika
Ni: Frank Yun

Noong Agosto 29, 2025, ipinagdiwang ng Elizabeth Seton School (ESS) sa Himnasyo ang Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at mga Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Tampok dito ang iba’t ibang pagtatanghal na nagbigay-diin sa yaman ng kulturang Pilipino.

Pinangunahan nina Jiro Reyes ng 12-PC A at Chesca Nicole Faustino ng 11-PC D ang programa na sinimulan sa panalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang. Nagbigay rin ng pambungad na mensahe si Dr. Roberto T. Borromeo bilang Pangulo ng Paaralan, kasama ang iba pang administrador ng ESS.

Ilan sa mga tampok na pagtatanghal ang “Pilipinas Kong Mahal” ng ESS Chorale at ang “Medley of Folk Dances” at “Piliin Mo ang Pilipinas” ng Cultural Arts Program Dance Troupe. Itinanghal ng bawat grupo ng house system ang iba’t ibang kagalingan at katangian ng mga Pilipino. Itinampok ng House of St. John, St. Luke, at St. Mark ang Karakol; ng House of St. Lorenzo Ruiz, St. Matthew, at St. Peter ang mga kundiman; ng House of St. Andrew, St. James, at St. Paul ang “Kinang Pilipinas”; at ng House of St. John Paul II, St. John XXIII, at St. Pedro Calungsod ang “Ang Saya, Ang Sarap Maging Pilipino.”

Sa bawat pagtatanghal, ipinakita ng mga Setonian ang pagmamahal sa wika at kulturang Pilipino bilang mahalagang bahagi ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng bansa.

Idinisenyo ni: Daniella Dizon

𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆, 𝗧𝗮𝗺𝗽𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝘀𝗮 𝗘𝗦𝗦.𝘕𝘪: 𝘒𝘢𝘳𝘭 𝘓𝘰𝘳𝘦𝘯𝘻𝘰 𝘏. 𝘚𝘢𝘺𝘤𝘰𝘯Muling isinabuhay ang pagpapahal...
07/09/2025

𝗣𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆, 𝗧𝗮𝗺𝗽𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝘀𝗮 𝗘𝗦𝗦.
𝘕𝘪: 𝘒𝘢𝘳𝘭 𝘓𝘰𝘳𝘦𝘯𝘻𝘰 𝘏. 𝘚𝘢𝘺𝘤𝘰𝘯

Muling isinabuhay ang pagpapahalaga sa tradisyon at kulturang Pilipino ng mga Setonians sa pamamagitan ng kanilang masiglang pakikilahok sa naganap na Palarong Pinoy noong Agosto 28, 2025 sa Himnasyo ng Elizabeth Seton School - Las Piñas Campus.

Sa pambungad na talumpati, binigyang-diin ni G. Joel Martin A. Cruz, tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Filipino sa ESS, ang kahalagahan ng pakikisama at aktibong pakikilahok sa mga larong Pinoy. Aniya, layunin ng mga aktibidad ay hindi lamang magbigay-kasiyahan kundi muling buhayin ang mga tradisyunal na larong Pilipino.

Kabilang sa mga larong isinagawa sa Palarong Pinoy ay ang Bao Race at Sako Race, kung saan naiwagi ng House of St. Pedro Calungsod ang unang karangalan, samantala ang House of St. John Paul II ang nakakamit ng ikalawang karangalan, habang ang House of James the Great ang nakakuha ng ikatlong karangalan.

Sa larong Sako Race, nagkaroon ng tie para sa ikatlo at ikalawang karangalan kung saan ito ay napunta sa Houses of St. John Paul II at St. Paul, habang ang unang karangalan ay siyang natagumpayan ng House of St. Pedro Calungsod.

Ipinagdiriwang sa Mindanao High School grounds noong Agosto 28, 2025 ang pagbubunyag ng Mindanao History Wall. Dinaluhan...
05/09/2025

Ipinagdiriwang sa Mindanao High School grounds noong Agosto 28, 2025 ang pagbubunyag ng Mindanao History Wall. Dinaluhan ang seremonya ng High School Division Student Council, mga subject area coordinator, Dr. Roberto Borromeo, Ms. Catherine Rosero, at Ms. Meech Arevalo.

Sa nasabing okasyon, isinagawa ni Fr. Ernesto Sican ang pagbabasbas sa exhibit. Sa bandang huli ng kaganapan, nagbahagi rin ng mga kwento ang ilang dating g**o tungkol sa gusali ng Mindanao, kabilang ang mga silid-aralan, g**o, at mga tradisyong Setonian.

Pinangunahan ni Sir Joel Martin ang programa, samantalang sina Sr. Marylou Superio at Ms. Catherine Rosero naman ang nanguna sa panimulang panalangin.

Sa pamamagitan ng pagbubunyag nito, ang Mindanao History Wall ay nagsisilbi na ngayong opisyal na talaan ng kasaysayan para sa buong komunidad ng paaralan.

Idinisenyo ni: Enzo Cruz

LOOK | On August 12, 2025, the ESS Mathematics Department conducted an orientation on MathScore.com, an “adaptive online...
01/09/2025

LOOK | On August 12, 2025, the ESS Mathematics Department conducted an orientation on MathScore.com, an “adaptive online math practice and assessment” platform that allows teachers to automatically assign and grade worksheets. The website also integrates game-based features that turn math practice into an engaging activity for younger learners.

Caption by: Enzo Cruz
Layout by: Laura Taylan

𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐎 𝐁𝐀 ❔Ano ang tunay na Kinalag? Mahahanap mo ba ito kung mayaman ka, o kung may kasintahan ka na? Ang “Kinalag” ay...
29/08/2025

𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐎 𝐁𝐀 ❔

Ano ang tunay na Kinalag? Mahahanap mo ba ito kung mayaman ka, o kung may kasintahan ka na? Ang “Kinalag” ay matandang salitang Tagalog na nangahulugang paglaya mula sa pagkakatali, na kadalasang ginagamit sa metaporikal na konteksto. Ang “Kinalag” ay nagpapakita ng paglaya sa isang tanikala na nagdulot ng kahirapan o kalungkutan. 
Pagharap natin sa kinabukasan, hinahanap natin sa mga baga-bagay. Ngunit, ang tunay na kakalag sa atin ay ang pagsasama-sama natin sa ating mga minamahal sa buhay, bagkus sa sandali ng pangangailangan, naroon sila upang palayain tayo mula sa mga sandali ng pighati.
May sari-sariling kahulugan ang mga tao sa “Kinalag.” Ano naman ang kahulugan nito para sa’yo?

Isinulat ni: Ian Acosta
Idinisenyo ni: Laura Taylan

𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐎 𝐁𝐀 ❔𝙐𝙮! 𝙋𝙧𝙚! 𝙉𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙗𝙪𝙜𝙝𝙤 𝙣𝙖 𝙖𝙠𝙤! 𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙠𝙤, 𝙢𝙚𝙧𝙤𝙣 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖, ‘𝙩𝙖𝙨 𝙮𝙪𝙣...
28/08/2025

𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐎 𝐁𝐀 ❔

𝙐𝙮! 𝙋𝙧𝙚! 𝙉𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙗𝙪𝙜𝙝𝙤 𝙣𝙖 𝙖𝙠𝙤! 𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙠𝙤, 𝙢𝙚𝙧𝙤𝙣 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖, ‘𝙩𝙖𝙨 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙠𝙡𝙖𝙨𝙚 𝙠𝙤 𝙢𝙚𝙧𝙤𝙣 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 50/50 𝙨𝙖 𝘼𝙋 𝙏𝙚𝙧𝙢 𝙏𝙚𝙨𝙩 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙣! 𝙉𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙠𝙤 𝙣𝙜𝙖 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙘𝙧𝙪𝙨𝙝 𝙠𝙤, 𝙣𝙖𝙜𝙡𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙙 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖! 𝘼𝙣𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙗𝙪𝙜𝙝𝙤 𝙨𝙖’𝙮𝙤?”

Ang “Naninibugho” ay isang matandang salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay isang bagay o paksa ng parirala ay selos. Maraming kabataan ang maaaring maiuugnay sa salitang “Naninibugho”, maaari sila ay selos dahil sa pag-ibig, sa paaralan, sa bagay o iba pa.

Ikaw naman, naninibugho ka na ba?

Isinulat ni: Ian Acosta
Idinisenyo ni: Lauran Taylan

Address

Las Piñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Seton Notes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share