The Ripple- CSU-Lasam Official

The Ripple- CSU-Lasam Official The Official Student Publication of CSU- Lasam Campus.

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—จ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜€ ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜‚๐˜ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜Carrying the name of Lasam and Cagayan State Universityโ€“ La...
19/08/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—จ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜€ ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜‚๐˜ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜

Carrying the name of Lasam and Cagayan State Universityโ€“ Lasam Campus to a wider stage, third-year Bachelor of Elementary Education (BEEd) student Ryan Urmanita secured third place in the Songwriting and Singing Contest during the Coconut Month Celebration 2026 held here on Aug. 11โ€“13.

As the sole representative of Lasam among the participating contestants, Urmanita competed against representatives from various schools in Isabela, including Isabela State Universityโ€“ Roxas Campus and Isabela State Universityโ€“ San Mateo Campus.

Despite the pressure of representing both his hometown and campus, Urmanita said he drew courage from the opportunity to bring honor to Lasam.

โ€œMay halong kaba pero mas nangibabaw ang lakas ng loob ko dahil hindi lang para sakin ang karangalan na pwede kong makuha sa kompetisyon kundi para sa minamahal kong Bayan ng Lasam. " he said.

More than an avenue to showcase his musical talent, the competition allowed Urmanita to use his original composition to promote awareness of the coconut industry and environmental protection.

For Urmanita, his song carried a message beyond the competition. He said the piece aimed to recognize the various opportunities offered by the coconut industry while encouraging people to protect, conserve, and appreciate the environment.

โ€œNais ipahiwatig ng kantang ito ang kahalagaan at ibat ibang pakinabang ng niyog, nakasulat din dito na dapat alagaan, mahalin at ingatan ang ating mahal na kalikasanโ€, he stated.

Organized annually by the Agricultural Training Instituteโ€“Regional Training Center 02 (ATI-RTC 02), the Coconut Month Celebration features coconut-based products, innovative technologies, and activities highlighting the potential of the coconut industry.

Article by Jun Nicole Yoro

---

BALITA | ๐—–๐—ง๐—˜๐—— ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎMatagumpay na nadepensahan ng College of Teacher Education (CTEd) ng Cagaya...
18/08/2026

BALITA | ๐—–๐—ง๐—˜๐—— ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ

Matagumpay na nadepensahan ng College of Teacher Education (CTEd) ng Cagayan State Universityโ€“Lasam ang titulo nito bilang pangkalahatang kampeon sa Buwan ng Wika 2026 matapos manguna sa kabuuang puntos mula sa ibaโ€™t ibang patimpalak na ginanap sa Bulwagan ng DARP nitong Agosto 17.

Batay sa opisyal na tala ng Campus Student Council (CSC), tagapag-organisa ng programa, nagtala ang CTED ng 71 puntos upang makuha ang pangkalahatang kampeonato.

Samantala, pumangalawa ang College of Industrial Technology (CIT) matapos makakuha ng 42 puntos, habang nagtapos sa ikatlong puwesto ang College of Information and Computing Sciences (CICS) na may 41 puntos.

Sa ilalim ng temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ€ nagtagisan ang tatlong kolehiyo sa ibaโ€™t ibang patimpalak kabilang ang Tagisan ng Talino, Dagliang Talumpati, Paglikha ng Poster at Slogan, Pagsulat ng Sanaysay at Tula, Interpretatibong Pagbasa, at Pagkanta ng OPM sa isahan at dalawahan.

Nangingibabaw ang CTED sa Tagisan ng Talino, Paglikha ng Poster, at Pagsulat ng Sanaysay at Tula, na naging malaking ambag sa pag-angkin nito sa pangkalahatang titulo.

Samantala, nagpakitang-gilas ang CIT sa Paglikha ng Slogan at sa kauna-unahang Interpretatibong Pagbasa.

Hindi naman nagpahuli ang CICS matapos nitong masungkit ang dalawang kampeonato sa larangan ng musikaโ€”sa Pagkanta ng OPM sa kategoryang isahan at dalawahan.

Sa kabuuan, muling pinatunayan ng tatlong kolehiyo ang kanilang husay sa ibaโ€™t ibang larangan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa CSUโ€“ Lasam.

Isinulat ni Janna Reginaldo

---

18/08/2026
BALITA | ๐—Ÿ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด, ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†, ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ `26Sa kabila ng pag-aalinlangan sa paksang kani...
18/08/2026

BALITA | ๐—Ÿ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด, ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†, ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ `26

Sa kabila ng pag-aalinlangan sa paksang kaniyang nabunot, nagwagi bilang kampeon si Jahmalh D. Liwalog, first-year BEEd, sa Pagsulat ng Sanaysay at Pagsulat ng Tula bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Cagayan State Universityโ€“Lasam Campus kahapon, Agosto 17.

Hindi inaasahan ni Liwalog ang kaniyang pagkapanalo dahil una siyang nakaramdam ng kaba matapos malaman ang paksang kaniyang gagawan ng tula.

โ€œHindi ko po inaasahan. Ang nasa idea ko lang po that time is ang makapagsulat ako at maibahagi ko ang aking kaalaman tungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Na-shock ako sa topic at kinabahan ako nung una dahil wala pa akong masulat na idea, ngunit sa awa ng Diyos, naitawid ko naman po ito,โ€ ani Liwalog.

Sa kabila ng unang pag-aalinlangan, nagawa niyang maihayag sa kaniyang akda ang kaniyang pananaw sa kahalagahan ng wikang Filipino, lalo na sa panahong patuloy na lumalawak ang impluwensiya ng artificial intelligence at iba pang makabagong teknolohiya.

โ€œBilang kabataan, mayroon pa rin sa ating kalooban na mahalin o dapat mahalin ang ating wika upang nang sa gayon ito ay mapayabong kahit na tayo ay nasa gitna na ng tinatawag na artificial intelligence era,โ€ pahayag niya.

Para kay Liwalog, higit pa sa personal na tagumpay ang kaniyang pagkapanalo dahil nagsilbi rin itong pagkakataon upang higit niyang mapaunlad ang kaniyang kaalaman at pagmamahal sa wika.

โ€œNapakahalaga po ng tagumpay na ito upang sa ganoon ay akin pang mapayabong ang aking kaalaman sa paggamit ng wika at pagmamahal dito,โ€ dagdag niya.

Nanindigan din si Liwalog na sa kabila ng patuloy na paglaganap ng mga banyagang salita at wika, dapat manatiling matatag ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa sariling wika.

โ€œMahal na mahal ko po ang wikang Filipino, at dahil diyan, hindi po dapat natin ipinagpapalit sa kahit anong mga banyagang salita, wika o lenggwahe ang ating sariling wika,โ€ ani Liwalog.

Sa kaniyang pagkapanalo, dala ni Liwalog hindi lamang ang pagkilala sa kaniyang husay sa pagsulat kundi ang paninindigang patuloy na mahalin, gamitin, at pagyamanin ang wikang Filipino.

Isinulat ni Jahmaine Mercado

---

BALITA | ๐—•๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป; ๐—–๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ, ๐—ฅ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฃ๐— Sinungkit ni Zaleighlle Bulusan...
18/08/2026

BALITA | ๐—•๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป; ๐—–๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ, ๐—ฅ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฃ๐— 

Sinungkit ni Zaleighlle Bulusan ng CICS ang kampeonato sa kategoryang isahan, habang sina Edlyn Castillo at Earl Jade Rivera, kapwa mula sa CICS, ang nagwagi sa kategoryang dalawahan sa paligsahan sa pagkanta ng mga awiting OPM bilang bahagi ng paggunita ng Buwan ng Wika sa bulwagan ng DARP.

Itinanghal ni Bulusan ang โ€œWala na bang pag-ibig?โ€ na orihinal na inawit ni Jaya, ngunit hindi naging madali para sa kaniya ang pagharap sa entablado dahil nakaramdam siya ng kaba bago ang pagtatanghal.

Gayunman, napalitan ang kaniyang kaba ng pananabik at saya nang muli siyang magkaroon ng pagkakataong makapagtanghal.

โ€œKinakabahan ako syempre, pero at the same time, mayroong excitement, at syempre happiness kasi makakanta na naman ako sa stage,โ€ ani Bulusan.

Hindi rin inaasahan ni Bulusan ang kaniyang pagkapanalo dahil ang pangunahing layunin lamang niya ay makapagtanghal at maipakita ang kaniyang talento.

โ€œHindi ko ine-expect na ako ang mananalo, kasi ang gusto ko lang naman makapag-perform at maipakita ang talento ko,โ€ dagdag niya.

Sa kabila ng pagkapanalo, nais pa rin ni Bulusan na ipagpatuloy ang kaniyang pakikilahok sa iba pang mga paligsahang gaganapin sa kampus upang higit pang mahasa ang kaniyang kakayahan sa pagkanta.

Samantala, nakamit naman nina Castillo at Rivera ang kampeonato sa kategoryang dalawahan matapos nilang awitin ang โ€œPaano ba ang magmahal?โ€ nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual.

Hindi rin naging madali para sa dalawa ang kanilang pagtatanghal matapos nilang maramdamang hindi ito naging katulad ng kanilang ensayo, ngunit sa kabila nito ay nagawa nilang maiuwi ang kampeonato.

โ€œKinakabahan, kasi parang mas maganda pa yung rehearsal kaysa sa mismong performance, kasi syempre paos na kami, pero masaya kami na kami ang nanalo,โ€ ani Castillo.

Tulad ni Bulusan, hindi rin inaasahan nina Castillo at Rivera ang kanilang pagkapanalo dahil hindi sila lubos na nasiyahan sa kanilang naging pagtatanghal.

โ€œUnexpected na kami ang mananalo, kasi hindi kami ganoong ka-satisfied sa performance namin pero masaya kami na kami ang nanalo,โ€ dagdag niya.

Sa kategoryang isahan, nakuha nina Kaye Cabatan mula sa CICS at Mariane Doniego mula sa CTED ang unang puwesto, habang nasungkit ni Nathaniel Yadao mula sa CTED ang ikalawang puwesto.

Samantala, nagkamit naman sina Kris Ni**od Lumelay at John Francis Echave mula sa CIT ang unang puwesto sa kategoryang dalawahan, habang sina Kayzie Alcayde at Ryan Urmanita mula sa CTED ang nagtala ng ikalawang puwesto.

Isinulat ni Darielle Keith Patrono

---

BALITA | ๐—”๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—น๐—ผ๐—ด๐—ฎ๐—ป Sinungkit ni Anne Vhalerie B. Aguilar ng C...
18/08/2026

BALITA | ๐—”๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—น๐—ผ๐—ด๐—ฎ๐—ป

Sinungkit ni Anne Vhalerie B. Aguilar ng CIT ang kampeonato sa paligsahan sa paggawa ng islogan matapos mangibabaw sa pitong kalahok na nagtagisan ng pagkamalikhain at husay sa pagbuo ng makabuluhang islogan sa pampaaralang silid-aklatan kahapon, Agosto 17.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, hinamon ang mga kalahok na ipamalas ang kanilang pagkamalikhain sa pagbuo ng islogang nagpapahayag ng kanilang kaisipan at pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Bago magsimula ang paligsahan, ibinahagi ni Aguilar na nakatuon lamang siya sa kaniyang ginagawa upang maayos na maisakatuparan ang kaniyang konsepto.

โ€œMag-focus lang sa ginagawa para mas madaling matapos,โ€ ani Aguilar nang tanungin tungkol sa kaniyang paghahanda sa paligsahan.

Sa pagsisimula ng kompetisyon, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagsulat, pagdidisenyo, at pagkukulay upang maisakatuparan ang kani-kanilang malikhaing konsepto.

Sa kabila ng kompetisyon, higit na namayani kay Aguilar ang kahalagahan ng pagpapahayag ng mensahe sa pamamagitan ng malikhaing paggamit ng wika at disenyo.

Sa huli, naiuwi ni Aguilar ang kampeonato, habang kinatawan ng CTED ang nagkamit ng unang puwesto at isa pang kinatawan ng CIT ang nakakuha ng ikalawang puwesto.

Higit pa sa pagkilala, nagsilbing pagkakataon ang paligsahan para sa mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang pagkamalikhain at maipakita ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Isinulat ni Jimmea Glitz Sedano

---

BALITA | ๐—•๐—ฆ๐—˜๐—ฑ ๐—˜๐—ป๐—ด๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟItinanghal na kampeon si Bryan Bautista, first-...
18/08/2026

BALITA | ๐—•๐—ฆ๐—˜๐—ฑ ๐—˜๐—ป๐—ด๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ

Itinanghal na kampeon si Bryan Bautista, first-year BSEd English student, sa Poster Making Contest bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, matapos malampasan ang mga kalahok mula sa ibaโ€™t ibang departamento.

Hindi inasahan ni Bautista ang kaniyang pagkapanalo matapos siyang mahuli ng 20 minuto sa itinakdang oras ng paligsahan, lalo naโ€™t kinilala niyang kapwa mahusay at malikhain ang kaniyang mga nakalaban.

โ€œHindi ko talaga inasahan na ako ang mananalo. Alam kong bawat kalahok ay naghanda at nagbigay ng kanilang buong makakaya, kaya ang ginawa ko na lang ay nag-focus sa konsepto at color combination ko at ipakita kung ano ang kaya kong gawin,โ€ ani Bautista.

Sa kabila ng kakulangan sa oras, nanatili siyang nakatuon sa pagbuo ng konseptong tumutugon sa tema ng Buwan ng Wika, gamit ang mga kulay, larawan, at ibaโ€™t ibang elemento ng disenyo upang malinaw na maihatid ang mensahe ng kaniyang obra.

โ€œAng pinakamahirap para sa akin ay kung paano ko maipapakita nang malinaw ang tema gamit ang isang poster na may akmang color combination. Kailangan kong isipin kung paano pagsasamahin ang Filipino at AI nang hindi nawawala ang artistic side ng obra, laloโ€™t kulang na ako sa oras,โ€ pahayag niya.

Bukod sa oras, kinailangan din ni Bautista na harapin ang pressure habang binubuo ang kaniyang obra, ngunit sa halip na maging hadlang, ginawa niya itong pagkakataon upang maipakita ang kaniyang kakayahan at pagkamalikhain.

Sa huli, nagbunga ang kaniyang pagsisikap at naiuwi niya ang kampeonatoโ€”isang pagkilalang nagsilbing dagdag na inspirasyon upang higit pang linangin ang kaniyang talento sa sining at paggawa ng poster.

โ€œMasaya ako at kinabahan sa naging resulta, pero para sa akin, lahat kami ay panalo dahil nagkaroon kami ng pagkakataong ipakita ang aming talento. Mas mahalaga sa akin na naipahayag ko ang mensaheng nais kong iparating; bonus na lang ang pagkilala,โ€ dagdag niya.

Isinulat ni Ren Ren Pascual

---

BALITA | ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ผ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถItinanghal na nagwagi si Darielle Keith G. Patrono, nag-iisang kalahok mula s...
17/08/2026

BALITA | ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ผ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ

Itinanghal na nagwagi si Darielle Keith G. Patrono, nag-iisang kalahok mula sa College of Teacher Education (CTED), sa Dagliang Talumpati bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Cagayan State Universityโ€“Lasam Campus kahapon, Agosto 17.

Aminado si Patrono na nakaramdam siya ng kaba sa kaniyang unang pagsali sa naturang patimpalak, ngunit hinarap niya ang hamon sa pamamagitan ng malinaw na pagpapahayag ng kaniyang saloobin sa harap ng mga tagapakinig.

Sa kaniyang talumpati, tinalakay ni Patrono ang temang โ€œWikang Filipino at AI: Nagiging tulay sa mabisang pananaliksik,โ€ kung saan binigyang-diin niya ang papel ng artificial intelligence bilang kasangkapan ng mga mag-aaral sa pananaliksik at pag-aaral.

Ipinunto niya na maaaring makatulong ang AI sa pagpapadali ng pananaliksik at iba pang gawaing pang-akademiko, ngunit dapat itong gamitin nang wasto at responsable.

โ€œHindi dapat palitan ng AI ang mga g**o. Gawin lang natin itong tulong sa ating mga gawain, hindi para palitan ang mas nakasanayan natin,โ€ pahayag ni Patrono.

Kasabay ng kaniyang talumpati tungkol sa teknolohiya, binigyang-halaga rin ni Patrono ang wikang Filipino bilang bahagi ng pagkakakilanlan ng bansa at ng bawat Pilipino.

โ€œWalang wika, walang pagkakakilanlan ang isang bansa,โ€ ani Patrono.

Para kay Patrono, hindi dapat ikahiya ng mga kabataan ang paggamit ng sariling wika, lalo na sa panahong patuloy na lumalawak ang paggamit ng makabagong teknolohiya.

Sa kaniyang pagtatanghal, iniugnay niya ang AI at wikang Filipino bilang magkasamang maaaring makatulong sa pagkatutoโ€”ang teknolohiya bilang kaagapay sa pananaliksik at ang sariling wika bilang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan.

Hindi nakarating sa itinakdang oras ang mga kinatawan ng College of Industrial Technology (CIT) at College of Information and Computing Sciences (CICS), dahilan upang si Patrono ang nag-iisang kalahok sa naturang patimpalak.

Isinulat ni Rhonalyn Bumagat

---

BALITA | ๐—–๐—ง๐—˜๐—— ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผNasungkit ng College of Teacher Education (CTED) ang kampeonato sa Tagisan ng ...
17/08/2026

BALITA | ๐—–๐—ง๐—˜๐—— ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ

Nasungkit ng College of Teacher Education (CTED) ang kampeonato sa Tagisan ng Talino matapos mangibabaw sa tatlong kolehiyong nagtagisan ng kaalaman, bilis ng pag-iisip, at husay sa pagsagot sa ibaโ€™t ibang katanungan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika kahapon, Agosto 17.

Hindi inaasahan nina Criselda Quilindrino, Hannah Gabuyo, at Larris Jammil Cantor ang kanilang pagkapanalo, dahil ang layunin lamang nila sa paglahok ay magkaroon ng karanasan at masukat ang kanilang kaalaman sa patimpalak.

โ€œSa totoo lang po, hindi namin in-expect na mananalo kami. Sumali lang kami para subukan at magkaroon ng experience, kaya sobrang nakakatuwa at nakakagulat na nakuha namin ang panalo. Sobrang saya ng pakiramdam kasi nagbunga po yung pagre-review namin. At naniniwala po kami na naging epektibo talaga ang teamwork,โ€ ani Cantor.

Bago magsimula ang kompetisyon, nakaramdam din ng kaba ang tatlo, lalo naโ€™t unang pagkakataon nilang lumahok sa naturang patimpalak. Gayunman, napalitan ito ng saya habang nagpapatuloy ang kompetisyon.

โ€œNinerbyos po kami noong una, pero nag-enjoy po kami nang sobra. Masasabi ko ngayon na ang Tagisan ng Talino kanina ay talagang isang unforgettable experience para sa aming tatlo, kasi first time po namin sumali kanina. Pure surprise po kaming tatlo,โ€ dagdag nito.

Sa patimpalak, bawat isa sa tatlong kolehiyong kalahok ay nagpadala ng tig-dalawang koponan upang subukin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa ibaโ€™t ibang katanungan.

Sa huli, hindi lamang nasungkit ng tatlo ang kampeonato kundi napatunayan din nila ang halaga ng paghahanda at pagtutulungan sa isang kompetisyong nangangailangan ng mabilis na pag-iisip at maayos na koordinasyon.

Samantala, isa pang koponan mula sa CTED ang nagtamo ng ikalawang puwesto, habang College of Industrial Technology (CIT) naman ang nagtapos sa ikatlong puwesto.

Isinulat ni Adrian Agustin

---

BALITA | ๐—–๐—œ๐—ง ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎNangibabaw ang College of Industrial Technology (CIT) sa Interpretatib...
17/08/2026

BALITA | ๐—–๐—œ๐—ง ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ

Nangibabaw ang College of Industrial Technology (CIT) sa Interpretatibong Pagbasa matapos nilang ipamalas ang kanilang husay sa pagbigkas at pagtatanghal bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Cagayan State Universityโ€“Lasam Campus kahapon, Agosto 17.

Kinatawan ng CIT sina Guian Aldrich Cabutaje, Sherylou Taguinod, Echave Jan Francis, at Marc Jhun Pablo, na naging bahagi ng nagwaging koponan.

Ayon kay Cabutaje, hindi inaasahan ng koponan ang kanilang pagkapanalo matapos mabuo ang grupo ilang sandali bago magsimula ang kompetisyon.

โ€œVery last minute na nabuo yung group namin. Bago mismo magsimula ang competition, doon lang namin talaga nabuo ang grupo. Kaya nung nalaman naming kami ang nanalo, masaya pero may disbelief din, kasi hindi talaga namin in-expect,โ€ sabi niya.

Dagdag niya, malaki ang naiambag ng kanilang pagtutulungan sa kabila ng limitadong oras para sa paghahanda.

โ€œSobrang fulfilling kasi kahit last minute nabuo ang grupo, nagawa pa rin naming magtulungan at maibigay yung best namin,โ€ aniya

Ayon pa sa kaniya, naging hamon para sa kanila ang mabilis na pag-aangkop sa isaโ€™t isa dahil hindi nila agad alam ang kakayahan ng bawat miyembro.

โ€œAng pinakamahirap na part is yung pagiging isang group mismo. Dahil last minute at random ang pagkakabuo namin, kailangan naming mabilis na mag-adjust sa isaโ€™t isa,โ€ aniya.

Upang maging maayos ang kanilang pagtatanghal, hinati-hati nila ang piyesa at itinalaga ang bahagi ng bawat miyembro sa halip na sabay-sabay itong bigkasin.

โ€œHindi namin kayang mag-perform nang sabay-sabay or in chorus throughout the whole piece, kaya naging strategy namin na hati-hatiin na lang yung piece at magtalaga ng parts sa bawat isa,โ€ saad pa ni Cabutaje.

Samantala, nagtapos sa ikalawang pwesto ang College of Teacher Education (CTED), habang ikatlong pwesto naman ang College of Information and Computing Sciences (CICS).

Isinulat ni Janna Reginaldo

---

Address

Lasam

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Ripple- CSU-Lasam Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Ripple- CSU-Lasam Official:

Shortcuts

Share

Category