True PINOY Kababalaghan Stories

Directions

True PINOY Kababalaghan Stories Feel free to share your horror experience here👇😊

24/06/2026
24/06/2026

Ask ko lang po kung ano po tawag sa nangyari sakin, share ko nadin po. High school ako that time natutulog ako sa bahay, tanghali sya. Then narinig ko daw pumasok isa kong best friend sabi nya kay mama kung asan ako, sabi naman ng mama ay nasa kwarto. Pinuntahan nya ako tapos ginising sabi nya ligo daw kami ng ilog. Sabi ko naman ayoko kasi tinatamad ako tangahli sobrang init mag lakad, kasi lakarin sya saka inaantok pa ako sobra. Biglang sumama tingin nya sakin at pinag sasaksak nya daw ako kasi ayaw ko sumama. Nagising daw ako tapos tinanong si mama kung pumunta yung best friend ko, sabi naman ni mama ay hindi. So nakahinga ako ng maluwag kasi di pala daw totoo so natulog ulit ako. Maya² narinig ko ulit boses ng best friend ko, tinanong nya ulit kung nasaan ako sabi ni mama nasa kwarto. Pumunta sya sa kwarto ginising at inaya ulit akong maligo ng ilog. Bago ako sumagot, tiningnan ko muna mga k**ay nya kung may patalim. Nung maconfirm kong wala saka ako sumagot na ayoko kasi nga ang init tapos inaantok ako. Bigla na naman sumama tingin nya sakin tapos sinakal ako. Nagising ulit ako tinanong ko ulit si mama kung pumunta ba best friend ko, sabi ni mama ay hindi tapos medyo masama na tingin ni mama kasi paulit_ulit daw yung tanong ko. Natulog ulit ako, tapos ilang minuto lang narinig ko ulit boses ng best friend ko, natakot ako nagising ako bigla habang same parin yung tanong nya kay mama, dumeritso sya sa kwarto ko, tapos naka upo na ako sa k**a. Sabi nya ligo daw kami ng ilog, sabi ko naman pag ba tumanggi ako sasaktan mo na naman ako? Sabi nya huh?? Bakit nya daw ako sasaktan kung tatanggi ako. So sabi ko ayoko kasi mainit saka inaantok ako. Bigla naman pumasok si mama na masama paningin sakin, sabi nya sumama kana kanina kapa tanong ng tanong kung andito yang best friend mo, yan na andito na tumatanggi ka dyan! Nagulat ako sa reaksyon ni mama tapos bigla nya akong pinag sasampal tapos nakitulong naman yung best friend ko, binugbog daw nila ako. Tapos biglang nagising ako kasi yung pusa natamaan nya paa ko natalunan nya. Tapos balak ko sanang tanungin si mama, pero na realise ko tulog din si mama, so buong pangyayari kanina na paulit_ulit panaginip pala lahat yun. Sobrang creepy po pero medyo maraming beses ko sya nararanasan nakakatakot po promise, ano po kaya tawag sa ganung experience?

03/06/2026

Yung kababalaghan content mo tapos nakikinood ka at nakikibasa din sa kapwa mong kababalaghan din ang content 😁

Address

Sultan Kudarat
Lebak

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when True PINOY Kababalaghan Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share