08/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
NAKUNAN ng CCTV ang pagyanig sa isang palengke sa Glan, Sarangani matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol bandang alas-4:07 ng hapon nitong Oktubre 8.
Makikita sa video ang pagyanig ng loob ng palengke at pag-aalala ng mga mamimili at tindera habang nararanasan ang lindol.
Ayon sa PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol ay nasa bahagi ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.
Sinabi rin ng PHIVOLCS na ang magnitude 6.4 na lindol ay aftershock ng magnitude 7.8 Offshore Sarangani at magnitude 6.5 Offshore Davao Occidental earthquakes noong Hunyo 2026.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at maging handa sa posibleng mga aftershock.
(Courtesy : Michelle Baya)