GHY x chou

GHY x chou please support my new fage thank you

Celebrating my 1st year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
12/05/2025

Celebrating my 1st year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

With Sergio Garcia Trinidad – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
08/03/2025

With Sergio Garcia Trinidad – I just got recognized as one of their top fans! 🎉

27/02/2025

(Grabe ang iyak ko dito...)
😭😭😭😭
"SINUNGALING SI TATAY"
"Tay, kain ka na po."
"Sige lang anak. Kumain na si tatay. Ubusin mo 'yan."

"Tay hati po tayo dito sa kumot. Malamig na po."

"Sige lang anak. Kaya ni tatay ang lamig. Matulog ka nang mahimbing."

"Tay, bakit hindi ka pa po natutulog?"

"Hindi pa inaantok si tatay 'nak, eh. Sige, matulog ka na ulit."

"Tay, magkakaroon po kami ng field trip. Gusto ko pong sumali."

"Gano'n ba 'nak. Sige, maghahanap si tatay ng pera."

"Tay, ito po tubig oh."

"Hindi 'nak, sa 'yo na 'yan. Mahaba pa ang lalakarin natin baka mauhaw ka. Hindi rin naman nauuhaw si tatay."

"Tay, nagugutom na po ako. Wala pa po tayong pagkain."

"Pasensiya na 'nak hindi kasi ako pinasahod ngayon sa trabaho, eh. Sandali, mangungutang si tatay. Hintayin mo 'ko."

"Tay, mahirap po ba 'yong trabaho mo? Lagi ka po kasing umuuwi na pagod na pagod."

"Hindi 'nak. Madali lang ang trabaho ni tatay. Huwag mo nang isipin si tatay, buksan mo na lang 'tong dala ko. Sigurado akong matutuwa ka.

"Wow bagong tsinelas! Pero tay maayos pa po ang tsinelas ko. Dapat po ay bumili na lang kayo ng sa inyo. Sira na po ang tsinelas niyo, oh. Puro na po alambre tay.

"Nagagamit ko pa naman 'to 'nak kaya ayos lang. 'Yang bago mong tsinelas, susuotin mo kapag aalis tayo.

"Tay, salamat po sa paghatid."
"Wala 'yon 'nak. Sige na, pumasok ka na."
Naglakad ako papasok sa school pero huminto rin agad ako at nilingon si tatay. Tumatakbo siya palayo na parang nagmamadali. Tiningnan ko kung nakatingin ba ang guard ng school pero may kausap ito. Agad akong tumakbo palabas at hinabol si tatay.

Huminto si tatay sa isang construction site. Nakita ko siyang humihingi ng tawad sa isang lalaking may helmet sa ulo na galit na nakatingin sa kan'ya. Matapos no'n ay tumakbo na si tatay paloob at paglabas niya ay nakalong sleeve, may gloves at helmet na siyang suot. Nakatago lang ako habang pinapanuod si tatay na magbuhat at maghakot ng mga mabibigat na bagay. Minsan ay sinisigawan siya ng

Address

San Jose
Leganes

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GHY x chou posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share