News Alternative PH

News Alternative PH News Alternative TV
News and Information That Matters

29/09/2025

Panoorin || Sep 29 2025

Albay, Mag hahatid ng Tubig at P1M Tulong sa Masbate para sa mga na salanta ng Bagyong Opong. Sa pamamagitan nina Gov. Noel Rosal at APSEMO OIC Roderick Mendoza

LEGAZPI CITY — Sa inisyatiba ni Gov. Noel Rosal at sa pangunguna ni APSEMO OIC Roderick Mendoza, magpapadala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ng 20-kataong team patungong Masbate. Kasama sa kanilang dala ang apat na Watsun truck na puno ng malinis na inuming tubig at P1 milyong cash assistance para sa mga apektadong residente.

Ayon kay Mendoza, ang kanilang misyon ay agarang tugon upang maibsan ang kakulangan ng tubig at makatulong sa relief operations ng Masbate. Dagdag pa rito, ipinapakita ng aksyon ang malasakit at bayanihan ng mga Bicolano sa panahon ng sakuna.

Caren Odoño | News Alternative PH

Tingnan || Sep 28 2025Gov. Noel Rosal, Nagpaabot ng P1M at Suporta sa Tubig para sa MasbateMASBATE — Nagpaabot ng P1 mil...
28/09/2025

Tingnan || Sep 28 2025

Gov. Noel Rosal, Nagpaabot ng P1M at Suporta sa Tubig para sa Masbate

MASBATE — Nagpaabot ng P1 milyon na cash assistance si Albay Governor Noel Rosal para sa Masbate bilang tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Opong.

Kasabay nito, magpapadala rin si Gov. Rosal ng water at sanitation team na may dalang dalawang stainless water truck para sa inuming tubig at dalawang water truck para sa gamit-domestiko, upang masiguro na may malinis at sapat na suplay ng tubig ang mga residente.

Ayon kay Gov. Rosal, ang hakbang na ito ay patunay ng pagkakaisa at malasakit ng Albay sa mga karatig-probinsya lalo na sa panahon ng sakuna.

“Hindi lang ito tungkol sa Albay — tungkulin nating tumulong sa kapwa Bicolano na makabangon sa gitna ng hamon,” pahayag ni Rosal.

Caren Odoño | News Alternative PH

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐎𝐑 𝐃𝐄𝐋𝐈𝐕𝐄𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒Caren Odoño || News Alternative PH
24/09/2025

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝐅𝐎𝐑 𝐃𝐄𝐋𝐈𝐕𝐄𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒

Caren Odoño || News Alternative PH

Tingnan || Sep 23 2025LEGAZPI CITY – Sinuspinde ni Albay Gov. Noel Rosal ang paglabas ng baybay sand at iba pang aggrega...
23/09/2025

Tingnan || Sep 23 2025

LEGAZPI CITY – Sinuspinde ni Albay Gov. Noel Rosal ang paglabas ng baybay sand at iba pang aggregates mula sa probinsya patungo sa labas ng Bicol matapos matuklasan ang ilegal at delikadong quarry operations.

Mahigit 70 quarry sites na ang na-inspeksyon at mananatiling bawal ang extraction hanggang sa masigurong ligtas ang mga lugar. Tanging nakaimbak na supply lang ang maaaring ilabas para sa pangangailangan sa loob ng rehiyon.

Ayon kay Rosal, ang suspensyon ay para maprotektahan ang kalikasan at masiguro ang sapat na supply para sa mga Bicolano.

Caren Odoño | News Alternative PH

17/09/2025

Panoorin ||

LEGAZPI CITY — Natuklasan ni Gov. Noel Rosal ang P599
milyong halaga ng umano’y ghost road projects sa Cagraray Island, Bacacay, matapos matukoy na idineklarang tapos na ng DPWH ngunit walang kongkretong imprastraktura sa lugar.

Batay sa ulat ng barangay at municipal officials, kabilang dito ang P100-milyong Cabasan–Pongco Bonga–Uson road project na nakalistang “completed” sa 2022 GAA, ngunit wala man lang bakas ng semento nang inspeksyunin ni Rosal.

Ang nasabing proyekto ay ipinagkatiwala sa Sunwest Construction and Development Corp. ngunit bigong makita sa aktwal na lugar. Paiimbestigahan ng gobernador ang naturang anomalya upang panagutin ang mga sangkot.

Caren Odoño || News Alternative PH

Tingnan || Sep 9 2025Kinilala ang pamunuan ng Province of Albay sa pangunguna ni Governor Noel Rosal matapos masungkit a...
09/09/2025

Tingnan || Sep 9 2025

Kinilala ang pamunuan ng Province of Albay sa pangunguna ni Governor Noel Rosal matapos masungkit ang unang pwesto sa Provincial Category ng 2025 Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award (RMSKPA).

Ayon sa Provincial Government of Albay (PGA), ang parangal ay patunay ng matagumpay na pagpapatupad ng mga programa sa population development agenda na layong itaas ang kalidad ng buhay ng bawat Albayano.

Dagdag pa rito, tiniyak ni Gov. Rosal na patuloy ang kanilang pamahalaang panlalawigan sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kaunlaran at kapakanan ng mamamayan.

Caren Odoño | News Alternative PH

📷 DZGB


08/09/2025

Panoorin ||

Rosal: Kalikasan ng Mayon, Inaabuso ng Quarry Operators

ALBAY – Mariing tinuligsa nina Governor Noel Rosal at Provincial Administrator Raul Rosal ang lumalalang epekto ng quarrying sa paanan ng Bulkang Mayon, matapos ang kanilang ginawang ocular inspection kasama ang Albay task force quarry sa ilang lugar na apektado.

Sa naturang inspeksyon, nakita mismo ng mga opisyal ang malawakang pagkasira ng ilog at mga sakahan, gayundin ang matinding pagguho ng lupa. Bukod dito, napansin din nilang nabarahan na ang mga gully na dating dinadaluyan ng tubig mula sa Mayon. Dahil dito, nahihirapan nang makadaloy ang tubig papunta sa mga ilog, na nagdudulot ng pagbabara, pagbaha, at dagdag na pinsala sa mga kabuhayan ng mga residente.

Ayon sa kanila, malinaw na hindi na nasusunod ang tamang pamantayan ng operasyon at tila pinagsasamantalahan na lamang ng ilang quarry operators ang yaman ng kalikasan.

Binalaan din nina Rosal na ang patuloy na pagmamalabis ay naglalagay sa panganib sa buhay at kabuhayan ng mamamayan, lalo na’t papalapit ang panahon ng bagyo kung saan mas mataas ang banta ng pagbaha at landslide.

Dagdag pa ni Provincial Administrator Raul Rosal, magiging prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang pagtitiyak na maprotektahan ang kalikasan ng Albay, partikular ang Bulkang Mayon na itinuturing na simbolo ng probinsya at pangunahing tagapangalaga ng mga pamayanan sa paligid nito.

Caren Odoño || News Alternative PH


Tingnan || Sep 1 2025Bubong ng Peñaranda Park Bumigay Matapos ang Malakas na UlanLegazpi City, Agosto 31, 2025 — Naging ...
01/09/2025

Tingnan || Sep 1 2025

Bubong ng Peñaranda Park Bumigay Matapos ang Malakas na Ulan

Legazpi City, Agosto 31, 2025 — Naging laman ng usap-usapan ang pagbagsak ng bahagi ng bubong sa Peñaranda Park nitong Agosto 30 matapos ang walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Ayon sa mga awtoridad, ang istrukturang bubong ay bahagi ng proyektong retractable roofing na hindi pa nakapapasa sa final inspection ng Provincial Engineer’s Office at ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Hindi natuloy ang nakatakdang inspeksyon dahil naka-leave umano ang mga nakatalagang kawani.

Sa pulong na isinagawa kinabukasan, pinayuhan ng mga ahensyang dumalo kabilang ang DPWH at Provincial Engineer’s Office na baguhin ang disenyo ng proyekto at gawin na itong permanent roofing upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.

Samantala, tiniyak ng kontraktor na Hi-tone Construction and Development Corp. kasama ang FS Co Builders and Supply na sasagutin nila ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mga nasugatan at patuloy na makikipag-ugnayan sa mga pamilya ng mga biktima.

News Alternative PH


Tingnan || Aug 30 2025Stage Trapal Bumagsak, 5 Estudyante Sugatan sa LegazpiSugatan ang limang estudyante matapos bumags...
30/08/2025

Tingnan || Aug 30 2025

Stage Trapal Bumagsak, 5 Estudyante Sugatan sa Legazpi

Sugatan ang limang estudyante matapos bumagsak ang trapal na bubong ng stage sa Peñaranda Park, Legazpi City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hindi nakayanan ng trapal ang bigat ng tubig ulan na naipon mula sa malakas na pagbuhos ng ulan, dahilan para ito’y gumuho.

Agad dinala sa ospital ang mga estudyante na noon ay nagsasagawa ng ensayo para sa kanilang aktibidad sa paaralan. Pawang minor injuries ang tinamo ng mga biktima.

Sinabi ni Governor Noel Rosal na nagsasagawa na ng masusing inspeksiyon ang mga otoridad upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.

News Alternative PH
📷 Gov. Noel Rosal & Coun. Vince Baltazar


27/08/2025

Panoorin || Aug 27 2025

Gov. Rosal Ipinatigil ang Quarry Operations sa Daraga at Guinobatan

DARAGA, ALBAY — Sa bisa ng utos ni Governor Noel E. Rosal, ipinahinto ang lahat ng quarry operations sa Budiao Channel sa Daraga at Maninila Channel sa Guinobatan. Kinumpirma ito ni Albay Provincial Administrator Raul Rosal matapos ipadalhan ng Notice Order ang pitong (7) quarry permittees upang agad na itigil ang kanilang extraction activities.

Ayon kay Rosal, pinapayagan lamang na maubos ng mga suspendidong operator ang kanilang mga naipong stockpile bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan. Dagdag pa niya, ang suspensyon ay hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang maiwasan ang posibleng pinsala sa kapaligiran at matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad sa paligid ng ilog.

Para sa ibang detalye panoorin ang video.

Caren Odoño | News Alternative PH


Tingnan ||Mga Bise Alkalde sa Bicol, Nagsanib-Puwersa para sa Transparency at Hustisya sa Flood Control ProjectsNaglunsa...
26/08/2025

Tingnan ||

Mga Bise Alkalde sa Bicol, Nagsanib-Puwersa para sa Transparency at Hustisya sa Flood Control Projects

Naglunsad ng panawagan ang ilang bise alkalde sa rehiyong Bicol para sa ganap na transparency, accountability, at hustisya kaugnay ng mga flood control projects sa iba’t ibang probinsya.

Batay sa inilabas na pahayag noong Agosto 25, 2025, alas-9:30 ng gabi, kabilang sa mga lumagda sina Daraga Vice Mayor Love Ruiz mula Albay; Vice Mayors Harold Bryan San Felipe (Sagnay), Christian Echipare (Buhi), Daniel Pervera (San Jose), Jerery Jake Remoto (Lagonoy), Tomas Bongalonta Jr. (Pili), Rogenor Astor (Sipocot), Mike Pan (Goa), at Ariel Oriño (Libmanan) mula Camarines Sur.

Ayon sa grupo, mahalagang masiguro na ang mga proyektong pang-kontrol sa baha ay nagagamit nang tama, tapat, at naaayon sa pangangailangan ng mamamayan. Layunin din nilang ipaglaban ang pananagutan ng mga opisyal upang masiguro na ang pondo ay hindi nasasayang at napapakinabangan ng publiko.

Samantala, nananawagan pa sila ng mas malawak na pakikiisa mula sa iba pang lokal na opisyal sa rehiyon upang higit na mapalakas ang kanilang adbokasiya para sa mabuting pamamahala.

Source: Vice Mayors for Good Governance / Facebook

Caren Odoño | News Alternative PH


Tingnan || Aug 25 2025Klase at Trabaho sa Gobyerno Suspendido sa Albay Dahil sa LPA at HabagatLEGAZPI CITY – Suspendido ...
25/08/2025

Tingnan || Aug 25 2025

Klase at Trabaho sa Gobyerno Suspendido sa Albay Dahil sa LPA at Habagat

LEGAZPI CITY – Suspendido ang face-to-face classes at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Albay ngayong Agosto 25 bunsod ng masamang panahon dulot ng Low-Pressure Area (LPA) at Habagat, ayon sa APSEMO.

Ayon kay Gov. Noel Rosal, tanging mga ahensyang may kinalaman sa kalusugan at emergency response ang mananatiling bukas. Bawal din ang pagtawid sa mga ilog hanggang humupa ang baha.

Pinayuhan ang publiko na umiwas sa pagbyahe lalo na sa mga binabahang lugar at manatiling nakaantabay sa mga anunsyo ng PAGASA at lokal na pamahalaan.

News Alternative PH


Address

P6 Ilawod
Legaspi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News Alternative PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to News Alternative PH:

Share