Litrato at Sulat ni JUAN

Litrato at Sulat ni JUAN Manlainlain na pananaw sa buhay kang sarong estranghero

poetry & landscape video

Night had draped the sky in velvet, stars scattered like secrets above the cliffs of Kiudkad. The place they called The ...
05/05/2025

Night had draped the sky in velvet, stars scattered like secrets above the cliffs of Kiudkad. The place they called The Last Resort. It wasnโ€™t marked on most maps, and maybe thatโ€™s what made it feel more real.

Their stories unfolded slowly, like low tide revealing shipwrecked truths, pain, laughter, strange little joys that had somehow brought them to this edge of the world.


No walls, no roofs, just open sky,where time drifts slow and dreams float by.wrapped in nightโ€™s embrace so deep,we rest ...
26/02/2025

No walls, no roofs, just open sky,
where time drifts slow and dreams float by.
wrapped in nightโ€™s embrace so deep,
we rest beside the tides, in sleep.



A single picture can bring back the laughter of a special day, the warmth of loved ones, or even the quiet beauty of a p...
25/02/2025

A single picture can bring back the laughter of a special day, the warmth of loved ones, or even the quiet beauty of a place you once stood.

When on Caloco Beach, Tinambac, Cam. Sur
at Jo & El's Roadhaus Restobar Caloco Beach

๐ˆ๐ค๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐งSa huling buwan ng kalendaryo, dalawampu't tatlong araw bago sumapit ang pasko,nawa'y wag mo sanan...
02/12/2024

๐ˆ๐ค๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง

Sa huling buwan ng kalendaryo, dalawampu't tatlong araw bago sumapit ang pasko,
nawa'y wag mo sanang sukuan o panghinaan
ang mga isinulat mong pangarap sa kwaderno.

may mga araw na talo, hindi pa tapos ang numero ng Desyembre, at kung hindi man umabot,
baka sakali sa susunod na buwan, o sa panibagong taon. palagi mo lang tatagan at paniwalaan.

lagi mo lang alalahanin kung saan ka nag simula,
ngayon kapa ba susuko? malapit-lapit narin ang takbuhin at malayo-layo narin naman ang tinahak mo. mag papahinga lang pero bukas babangon rin.

nawa'y mag silbing ilaw at pagpupursige ang buwan na ito para ipagpatuloy ang propesyon na ninanais mo. papabor din satin ang panahon.

Hindi man ngayon, may araw din sa kalendaryong maipapanalo ko.



https://www.instagram.com/p/DDFliulTBaW/?igsh=MWRvcjV1bTN1NXhicg==

๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎMalapit ng mag tapos ang taon ngunit pintig ng puso ko'y iba. Tila ba'y naguguluhan at komplikado, sa tuwing sasap...
29/11/2024

๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ

Malapit ng mag tapos ang taon ngunit pintig ng puso ko'y iba. Tila ba'y naguguluhan at komplikado, sa tuwing sasapit ang desyembre ninanais mag bago, ngunit san ba ako magsisimula?
Gulong-gulo litong-lito kung ano ba talaga.

ngunit ng masilayan ka aking sinta, ito'y nag-iba,
muling nag ka ilaw ang madilim at masukal na parte ng aking puso. binigyan mo ng kulay ang aking lapis para maisulat ang mahikang dala-dala mo.

umikot muli ang mundo ko, hindi ko mawari kung bakit, pero sa tuwing nasisilayan ko ang ngiti at mata mo, ito'y sapat sa isang araw na baon.
Baon ko sa muling pagtahak tungo sa lugar
kung saan mananaig ang paglago at pagpapalaya.

nawa'y mag tuloy-tuloy ito, ayoko ng mawala pa ang hiwaga, ikaw ang mag sisilbing krayola sa tulang tila namumutla na, gamit-gamit ang yung karayom at hiringgilya.

sa huli, tatawagin ko itong "LIGAYA".


๐“๐ข๐ง๐ข๐ข๐ฌ ๐ค๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญramdam ko ang pangamba ng biglaang pag-aalis mo,wala man lang paalam, ni pahiwatig lang sana.mas main...
19/10/2024

๐“๐ข๐ง๐ข๐ข๐ฌ ๐ค๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ

ramdam ko ang pangamba ng biglaang pag-aalis mo,
wala man lang paalam, ni pahiwatig lang sana.
mas mainam na sana sinabi mo ng direkta,
para ramdam kung literal yung sakit at kaba.

kaya ko naman sanang sumabay sa daloy ng manibela, ang ayaw ko lang yung papa-ikotin mo ako, kaliwa't kanan sa kalsada. hilong-hilo't litong-lito ang puso'ng nakasakay sa byahe mo.

kaya sa susunod mong arangkada, ak'oy papara na,
para maibsan ang bigat at hapdi ng dindala ko.

Ako'y mag lalakad na sa paniniwalang mag hihiwalay rin ang landas at nawa'y makatagpo ng
sasakyan na isasama ka sa byahe ng buhay.

manibela at ang byahe mo.

https://www.instagram.com/p/DBTsa-QSvh6/?igsh=MWxwamZhMG1xY3Y5Ng==

15/10/2024

๐Š๐š๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š ๐ง๐š ๐ค๐š๐ฒ๐š ๐ฒ๐ฎ๐ง๐  ๐›๐ข๐ง๐ฎ๐จ ๐ค๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐ฎ๐ง๐๐จ?

ikaw ang bida sa eksena ng pelikulang binuo ko, ikaw ang buod at ang pamagat, kaya pano matatapos ang nilalaman ng kwento kung wala ka.

ako'y nasanay na, hindi na muling manlilimos ng atensyon mo, sawang-sawa sa mga paliwanag mo.
ngayon kaya ko na, malayo-layo narin ang nilakbay ng bangkang ito.

hindi na muling titigil ang mundo, alam kung malayo pa, nguni't ang dapithapon ay palubog na.

dito na mag tatapos ang kwento ng pelikulang minsan ko ng binuo.




https://www.instagram.com/reel/DBKwWAtSVay/?igsh=d2wzcmZhazc0M2kz

Address

Legaspi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Litrato at Sulat ni JUAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Litrato at Sulat ni JUAN:

Share

Category