Robredo sa Obama Foundation Democracy Forum
ROBREDO SA OBAMA FOUNDATION: Kabilang si dating Vice President Leni Robredo sa guest speakers sa inaugural democracy forum ng foundation ni dating US President Barack Obama sa New York City nitong Huwebes (Biyernes sa Maynila). Tinalakay ni Robredo ang kahalagahan ng katotohanan para sa demokrasya. "(A) common baseline of facts... is very essential for discourse and accountability in a democracy," ayon kay Robredo.
Video courtesy: Obama Foundation
PAGBABALIK SA BUWAN
UNANG HAKBANG PABALIK SA BUWAN: Inilunsad na ng NASA sa Florida, USA ang Artemis I mission nitong Miyerkules. Dala nito ang uncrewed Orion spacecraft para sa test flight sa paligid ng buwan. Sa pamamagitan nito, masusubok kung handa na ang Orion spacecraft na muling magdala ng astronauts sa buwan pagsapit ng 2025. Huling nakalampas sa buwan ang NASA noong 1970s sa Apollo mission.
Video courtesy: NASA Facebook
SUNOG SA MAYNILA: Patay ang isang lola nang masunog ang isang residential area sa Ermita, Manila umaga ng Martes, Nov. 15. Kinilala ang biktima na si Imelda Memoria,70. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) partikular na nilamon ng apoy ang dalawang palapag na bahay sa Teresa St. Brgy. 661. Nagsimula ang sunog alas 10:09 ng umaga at inabot sa ikatlong alarma kung saan idineklarang fire out bandang 10:57 ng umaga. Pansamantala namang naglabasan ang mga estudyante at faculty ng Adamson University na katabi lamang ng nasunog na kabahayan dahil sa makapal na usok. Hindi naman na nadamay pa ang kalapit na bahay maging ang nabanggit na universidad. Inaaalam na ang dahilan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok. Nagdeklara naman ng suspensyon ng klase ang Adamson University para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
(Jocelyn Domenden)
Video: Ang pagkuha sa bangkay ni Imelda Memoria
(Christian Heramis)
Mahigit 2,000 bikers o siklista ang lumahok at pumadyak sa isinagawang Tour of the Firefly mula sa Aseana-Mall of Asia (MOA) paikot sa Pasay, manila, San Juan, Mandalaluyong, Makati at pabalik sa Mall of Asia (MOA).
(Videos: Christian Heramis)
PANOORIN: Dating pop singer Ronnie Liang na miyembro na ngayon ng Philippine Army (PAF). Kasama ang iba pang mga taga PAF at DSWD, na-re-repack sila ng 25,000 family food packs para sa mga biktima ng bagyong Paeng.
Courtesy: @ronnieliang twitter
PANOORIN: Polusyon sa Metro Manila
PANOORIN: Libu-libong kababayan natin ang mga nasidagsa sa iba't ibang mga sementeryo sa bansa simula kanina para sa paggunita sa mga yumao ngayong Undas.
Isa na rito ang isa sa pinakamalaking sementeryo, ang Manila North
at South Cemetery.
Video: Christian Heramis
PANOORIN: Inilabas na ng JTBC Entertainment sa South Korea ang teaser ng guesting ni People's Champ at dating senador Manny Pacquiao sa variety show na "Knowing Bros". Kasama rin sa programa ang South Korean star na unang sumikat sa Pilipinas, Sandara Park.
#MannyPacquiao #SandaraPark #KnowingBros
Video courtesy: JTBC Entertainment Youtube channel
PANOORIN: Nagbigay ng babala at paalala si Manila Police District Director PBGen. Andre P/ Dizon sa publiko na dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay na maging mapagmatyag at maingat sa mga nais magsamantala sa kanilang kapaligiran. SIniguro naman ng Manila Police na nakabantay at nakamasid sila sa Araw ng Undas,
(Videos: Christian Heramis)
PANOORIN: Pagbuhos ng ulan sa Maynila ngayong hapon na nagtagal ng halos isang oras.
Video: Christian Heramis
PANOORIN: Nag-rally ang mga militanteng grupo sa ika-100 araw ng panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong Sabado.
Kinondena nila ang anila'y kabiguan ni Marcos na makapaglatag ng malinaw na programa para sa tatahaking direksyon ng bansa.
Binatikos din nila ang umano'y mga magarbong party at personal na biyahe ng Pangulo.
Courtesy: Christian Heramis
PANOORIN: Pagbati ni Vice Pres. Sara Duterte sa wikang Mandarin sa okasyon ng 73rd founding anniverary ng People's Republic of China. Ipinaabot ni Duterte ang mensahe kay Chinese Pres. Xi Jinping at sa lahat ng mamamayan ng China.
Video courtesy: Chinese Embassy in Manila
#KardingPH: Panoorin ang forecast track ng Super Typhoon Karding via Windy app.
PANOORIN: Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang address sa UN General Assembly (UNGA), Sept. 2o, 2022 (US Time). Isa sa mga punto ni Marcos ay ang hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan. Nanawagan din siya ng suporta sa mga UN member para sa non-permanent status ng Pilipinas sa UN Security Council.
Video courtesy: RTVM
PANOORIN: Dalawang FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) ang nag-escort sa commercial flight ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. papuntang New York, USA para dumalo sa United Nations General Assembly. Ineskortan ng dalawabg fighter jets ang PAL flight sa eastern front ng bansa mula air space g Polilio island hanggang sa 200 nautical miles. Ayon sa PAF, higit pa sa ito'y isang tradisyon, ang pag-escort sa presidential flight ay mahalagang bahagi ng standard operating procedure ng pagsigurong ligtas ang air space ng bansa sa departure at maging arrival ng pangulo at maging ng mga bumibisitang heads of state sa bansa.
Video courtesy PAF Facebook
PANOORIN: Nagsagawa ng Oplan Bakal ang tauhan ng Manila Police District Sta.Cruz Police Station.3 sa pangunguna ni LtCol. Ram Solas at sinuyod ang mga maliit na bar at inuman sa kahabaan ng Rizal Ave . Tayuman,Dangwa, Blumentrit ,Tambunting at Quiapo.
Ito ang madalas na aktibidad ng Manila Police para sa Anti Criminality Campaign at Peace and Order Campaign na prayuridad ni MPD Director PBGEN. Andre Dizon.
Video: Christian Heramis
PANOORIN: Sa kabila ng pagiging boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask sa outdoors, ang mga deboto ng Poong Nazareno ng Quiapo na nasa Plaza Miranda ay pinili pa ring mag-face mask.
Video: Christian Heramis
PANOORIN: Ina at sanggol na dugong namataan kamakailan sa Puerto Princesa Bay. Ayon sa World Wildlife Fund Philippines, ang dugong ay critically endangered. Dahil sa sighting na ito, kailangang ipagpatuloy ang pangangalaga sa marine ecosystem.
Video courtesy: WWF Philippines