13/07/2025
SP CHIZ ESCUDERO'S PRESS CONFERENCE
Humarap sa media si Senate Pres. Chiz Escudero ngayong Miyerkules, June 25 para sagutin ang mga tanong tungkol sa impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte.
LIVE: youtube.com/live/hNbGCHosqpw
• SP Escudero: Hanggang June 28 maaaring magsumite ng tugon ang House prosecution panel ng reply sa answer ad cautelam o sagot ni Vice Pres. Sara Duterte sa impeachment summons
• Escudero: 'Pag nagsimula na ang trial, dapat lahat ng gustong sabihin (ng House prosecution panel), doon na mismo sa trial; sa panahong ito, walang prohibition (na magdaos sila ng press conferences)
• Escudero: Ang authority na binigay ng 19h Congress sa prosecutors ay hanggang June 30; kailangang bigyan sila ng panibagong authorization sa ilalim ng 20th Congress
• Kung si Escudero ang tatanungin bilang presiding officer, iko-convene na niya sa July 29 ang impeachment trial kapag nag-comply na ang House prosecutors at nakonsulta na niya ang kapwa senator-judges
• Iginiit ni Escudero na hind nawala ang jurisdiction ng impeachment case sa Senado; kaugnay ito ng sagot ni VP Duterte na walang impeachment na dapat sagutin dahil ni-remand ito ng Kamara
• Escudero: I've been telling you this from Day 1, dahil late finile ng Kamara ito, aabutan at aabutan talaga ang June 30; I would've wanted to conduct pre-trial but I was informed na 'yung authority ng mga abogado on the prosecution side is only until June 30
• Escudero: Sa tigas ng ulo ng House prosecution... pagtanggap ng order, pleading, answer, appearance, pati 'yun papahirapan? Magkikita-kita kami sa tamang panahon kaugnay sa mga ganyang ginagawa nila
• Escudero: 'Di ko maintindihan, sila 'yung gigil na gigil gawin ito, tapos pagdating sa pagtanggap ng mga kopya para magpatuloy na, bakit pinapahirapan 'yung processes?
• SP Escudero sa pahayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na may "grave abuse of discretion" kung hindi magkakaroon ng trial: If we're talking precedents, bakit hindi siya nagreklamo nung dinismiss ng Senado 'yung impeachment complaint laban kay Mercy Gutierrez nang hindi kino-convene ang impeachment court?