25/07/2025
Higit 800 food packs, ibang kagamitan, ipinamahagi ng NAVFORSOL sa Calaguas Island
Namahagi ng 870 food packs at ibang gamit ang Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) sa Brgy. Banocboc, Calaguas Island nitong July 19 kaugnay 127th Founding Anniversary of the Philippine Navy.
Maliban sa food packs, namahagi rin sa mga residente ng naturang barangay ng 10 wheelchairs, 40 canes para sa persons with special needs, 68 boxes ng MannaPack Rice.
Mayroon ding 70 Lotte bags, tsinelas para sa mga undernourished children, Water Search and Rescue (WASAR) equipment para sa mga local responders, sports materials, at 30 trash bins. Kasama sa ilang benepisyaryo ay mula sa Brgy. Mangcawayan at Pinagtigasan.
Bukod sa pamamahagi, isinagawa rin ang groundbreaking ceremony para sa upcoming Calaguas Public Restroom Project upang pagbutihin ang kalinisan at isulong ang public health sa mga coastal communities.
Katulong ng NAVFORSOL ang iba't ibang stakeholders at partner organizations kabilang ang Dios Mabalos Po Foundation, Inc., Century Pacific Food, Inc., Philippine Army Finance Center Producers Integrated Cooperative (PAFCPIC) at iba pa.
Photo courtesy: NAVFORSOL