17/07/2024
STORY: CARRYING THE CHILD OF MR. HOFFMAN❤️
Tumakas ako sa bahay dahil makikipagtagpo ako sa boyfriend ko na nasa bar ngayon. Graduating student na ako sa kursong Bachelor of Science in Secretarial Administration. Next week ay graduation ko na. Isa akong scholar sa Hoffman foundation kaya kapag naka-graduate na ako ay doon ako papasok sa kumpanya ng mga Hoffman. Isa iyon sa rules ng foundation. For me mas mabuti iyon para pagka-graduate ay kaagad na may mapapasukan na trabaho.
Kahit alam ko na magagalit sa akin si inay ay pinilit ko pa rin na pumunta kahit na sinabi ko sa boyfriend ko na hindi ako makakapunta. Kaarawan niya ngayon at dahil may kaya ito sa buhay ay pinili nito na sa isang kilalang bar magparty. Sa totoo lang nag-aalangan akong sagutin siya dahil iniisip ko na hindi kami bagay na dalawa dahil isa lang akong hamak na mahirap. Pero dahil sa mahal ko siya kaya ko ibinigay ang matamis kong oo.
Nang makarating na ako sa tapat ng bar ay namangha ako sa ganda nito. Sobrang ganda kasi at halatang pangmayaman lang ito.
“What fvck!”
Halos tumalon ako sa gulat dahil sa lalaking bigla na lang akong binangga pero siya pa ang may ganang magalit sa akin.
“Sorry po,” hingi ko sa kanya ng paumanhin kahit hindi ko naman kasalanan.
Hindi ito sumagot kaya nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita ko itong papalayo na sa akin. Matangkad itong lalaki at maganda ang pangangatawan. Pumasok siya sa loob ng bar. Ako naman ay tumingin muna sa sarili ko bago ako nagpasya na pumasok rin. Sigurado ako na magugulat ang boyfriend ko sa pagdating ko.
“May membership card po ba kayo dito, Miss?” Tanong sa akin ng bantay sa pintuan.
“Wala po, pero nasa loob po ang boyfriend ko. Birthday po niya ngayon at gusto ko po siyang i-surprise.”
“Sorry, Miss pero hindi ka puwedeng pumasok ng wala kang card. Exclusive lang kasi ito sa mga may card. Kung gusto mo ay tawagan mo na lang ang boyfriend mo sunduin ka niya dito sa labas.”