24/10/2025
🌋 BULKANG KANLAON, SUMABOG! PHIVOLCS, Nananatiling Alert Level 2 Status
NEGROS OCCIDENTAL– Nagdulot ng pag-aalala ang naiulat na explosive eruption ng Bulkang Kanlaon nitong gabi. Ang Kanlaon, na matatagpuan sa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental, ay nagpakita ng aktibidad na kaagad namang nakunan ng larawan ng mga residente.
📸 Sulyap sa Pagsabog
Isang litrato na kuha ni Angela Templado at Cherry May Pastidio Libradilla na ibinahagi sa Facebook ang nagpakita sa magnitude ng pagsabog. Nakunan ang imahe ni Templado sa Sitio Old Fabrica, Brgy. Cabagna-an, La Castellana, Negros Occidental at sa Sitio Gaboc, Barangay Malaiba, Canlaon City ang kay Libradilla.
Makikita sa larawan ang pagbuga ng abo at usok mula sa bulkan, na nagpatunay sa nangyaring explosive eruption.
⚠️ Nanatili sa Alert Level 2
Sa kabila ng pagsabog, nilinaw ng mga awtoridad, kabilang ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na nananatili sa Alert Level 2 ang status ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa PHIVOLCS, ang Alert Level 2 ay nangangahulugang may "palagiang pagtaas ng unrest" na maaaring humantong sa phreatic o steam-driven explosions.
Hinihikayat ang publiko na patuloy na maging mapagmatyag at sundin ang mga abiso mula sa lokal na pamahalaan at PHIVOLCS, lalo na ang mahigpit na pagtalima sa Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan.
📸: Angela Templado/Cherry May Pastidio Libradilla