13/10/2025
50% NG MGA PILIPINO GUSTONG PANAGUTIN SI DUTERTE SA DRUG WAR
Batay sa Third Quarter 2025 survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, 50% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat managot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagpatay na may kaugnayan sa war-on-drug sa panahon ng kanyang administrasyon, habang 32% ang hindi sang-ayon, 15% ang undecided, at 4% ang nagsabing kulang ang impormasyon upang makasagot.
Ayon sa SWS, pinakamataas ang suporta para sa pananagutan sa Visayas, Metro Manila, at Balance Luzon, habang pinakamababa sa Mindanao. Isinagawa ang survey mula Setyembre 24–30, 2025 sa 1,500 respondents.
Lumabas ito kasabay ng pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ni Duterte para sa pansamantalang paglaya, sa gitna ng mga kasong kaugnay ng war-on-drug na umano’y kumitil ng libu-libong buhay. |
Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.