26/05/2020
ÇÅn'T STop LoVing YøÛ
ShaWn PoV
Umiiyak akong pumasok sa bahay iiwas pa sana ako kay mama nang makita ko siya pero hinarangan niya ako.
"Shawn,Anak bakit ka umiiyak anong nangyari sayo?May nanakit ba sayo?"tanong ni mama at umiling naman ako.
"O bakit ka umiiyak?"tanong niya ulit at pina-upo ako.Kinakabahan akong sumagot baka husgahan niya ako.
"Anak,tinatanong kita."pangungulit niya.
"Ma,bu-buntis po ako."sagot ko umiyak nang umiyak.Naramdaman ko na lang na yinakap niya ako kaya lalo akong umiyak.
"Tama na,sino ba ang bumuntis sayo kailangan niyang panagutan kayo ng apo ko."si mama,
"Wag na po ma,di ka naman po nun papakinggan,sakanya na po ako lumapit nung malaman Kong buntis ako."ako.
"Ay hindi,kailangan niya kayong panagutan d ako papayag na mating dalaga kang INA tulad ko,"naputol ang sasabihin ni mama nang may kumatok sa pinto.
"Hay,sino ba yun."inis na saad ni mama at tumungo sa pinto.
"Anong ginagawa mo dito?Umalis ka na!Wag nang mag papakita kay Shawn."mahinang sabi ni mama pero parang galit tumayo ako sa pagkakaupo ko,at nakita kong inaaway ni mama ang nasa pinto.
"Ma?sinong inaaway mo diyan?"saad ko at tiningnan ang nasa pinto nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ng matandang lalaki na ka-edad ni mama.Tumingin ako kay mama at nakita kong tumulo ang luha niya.Umalis ako sa pagkakayakap ng matandang lalaki.
"Sino kayo?Bakit moko yinakap?"tanong ko habang tinitingnan ang matanda sa mga mata niya nakikita kong sobrang saya sa mga mata niya.
"Shawn,ako ang tunay na ama mo."sagot niya na ikinataka ko.
"Ama?E may tatay po ako kasu patay na rin po sya."ako.
"Arlene,ipaliwanag mo sakanya ang lahat."saad ng matanda sa mama ko.
Flashback:15 years ago
Arlene POV
Kakatapos ko lang mag-linis ng kwarto ng batang inaalagaan ko na si Shawn.
"Mama,nasira laruan ko ayusin mo please."saad ng batang babae na limang taong gulang ngumiti ako at kinuha ang sira niyang laruan at inayos ito.
"O ayan na,wag mo na sisirain ha."saad ko.