01/11/2025
MULTO SA STUDIO.
Matagal na tong nangyari, mga unang taon pa lang ng studio noon.
Gabi na that time, may client akong magre-record ng vocals.
Nung magre-record na kami, biglang ayaw ma-record ng boses niya.
Kahit anong gawin namin, kahit gaano pa kalakas ang boses niya, ayaw talaga! Para bang may naka harang sa mukha niya at sa mic 😱
Kahit i-restart ang laptop, ayaw talaga ma record ng boses niya (Walang waveform na lumalabas).
Sabi ni client: “Hindi kaya pinaglalaruan tayo ngayon sa studio? Mejo late narin kasi sir”
Biglang tumahimik ang buong kwarto. Nanlamig kami pareho.
Napatingin ako sa gilid niya… nanigas ako sa nakita ko!
Hindi pala nakasaksak yung mic cord 😭
Simula noon, bago mag-take, lagi ko nang chine-check ang mic cord. Walang multo dito sa studio, cute lang ang meron 👻🎤
-kuya j.