17/10/2025
Bicol, mamamahagi ng P10M halaga ng construction materials sa Masbate
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Regional Director Maria, mamamahagi ng P10M halaga ng construction materials ang ahensya sa mga pamilyang apektado ng severe tropical storm โOpongโ sa Masbate.
Dahil sa limitadong resources, bibigyang prayoridad ang mga pamilyang higit na nangangailangan ng construction materials.
Tinatayang halos 100,000 ang mga nasirang bahay sa Masbate dahil sa Bagyong Opong.
Pauna nang nagbigay ang DHSUD Bicol, katuwang ang International Organization for Migration (IOM) - UN Migration ng shelter-grade tarpaulins at solar lamps sa Masbate.
Patuloy pa ang validation process para sa emergency shelter assistance kung saan makakatanggap ng P30,000 ang mga pamilyang may โtotally damagedโ na bahay habang P10, 000 naman sa mga may โpartially damagedโ na bagay.
Sa ngayon, higit 100 na nasirang bahay palang ang ma-validate ng ahensya sa Milagros, Masbate.
Sa Bicol, nasa 1,142 benepisyaryo na ang nabigyan ng emergency shelter assistance na may halagang P19M. Ngayong Oktubre, mag-re-release ang DHSUD ng P12M cash grants sa 601 benepisyaryo.
Sa kabuuan, P31M ang nakalaan para sa naturang cash assistance sa mga nasalanta ng bagyo.