BRES School and Community Publication

BRES School and Community Publication Community

Bayanihan sa Eskwela, Buhay na Buhay sa Banquerohan!Banquerohan, Legazpi City — Nag-ikot ngayong araw, Hunyo 5, ang mga ...
05/06/2025

Bayanihan sa Eskwela, Buhay na Buhay sa Banquerohan!

Banquerohan, Legazpi City — Nag-ikot ngayong araw, Hunyo 5, ang mga g**o ng Banquerohan Resettlement Elementary School upang ipabatid sa komunidad ang opisyal na pagsisimula ng Brigada Eskwela sa Hunyo 9-13, 2025. Sa pamamagitan ng bandillo, hinikayat nila ang mga magulang, tagapangalaga, at mga residente na makiisa sa mga susunod na araw ng paglilinis at paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Bagama’t wala pang aktwal na paglilinis na naganap ngayong araw, naging matagumpay naman ang pagpapakalat ng impormasyon upang maiparating ang kahalagahan ng pakikilahok sa brigada. Inaasahan ng paaralan ang masiglang suporta mula sa komunidad sa mga susunod na araw ng brigada.

Matagumpay na isinagawa sa Banquerohan Resettlement Elementary  School (BRES) ang isang  Culminating Activity para sa pa...
28/03/2025

Matagumpay na isinagawa sa Banquerohan Resettlement Elementary School (BRES) ang isang Culminating Activity para sa pagtatapos ng National Women’s Month noong Marso 28, 2025, na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang bukas”. Tampok sa programa ang isang sabayang pagsasayaw, pagbibigay parangal sa mga nanalo sa ibat-ibang paligsahan, at pagtalakay sa mga napapanahong isyu tungkol sa mga kababaihan at ang kanilang ambag sa ating lipunan. Layunin din ng pagdiriwang na ito ang ipakita ang kahalagahan ng gender equality at hikayatin ang mga mag-aaral, g**o, at magulang na suportahan ang pantay na karapatan para sa lahat.

BFP Legazpi City Fire Station, Nagsagawa ng Fire Prevention Month Activity sa Banquerohan Resettlement Elementary School...
26/03/2025

BFP Legazpi City Fire Station, Nagsagawa ng Fire Prevention Month Activity sa Banquerohan Resettlement Elementary School

Legazpi City — Bilang bahagi ng Fire Prevention Month, isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi City Fire Station ang isang fire safety awareness activity sa Banquerohan Resettlement Elementary School noong Marso 25, 2025. Layunin ng aktibidad na turuan ang mga mag-aaral at g**o ng mahahalagang kaalaman sa pag-iwas at tamang pagtugon sa sunog.

Sa programa, nagsagawa ang mga bombero ng fire safety lecture, actual demonstration ng tamang paggamit ng fire extinguisher, at fire drill upang ihanda ang mga estudyante at g**o sa mga posibleng emerhensiya. Hinihikayat ng BFP ang lahat na maging laging handa at responsable sa pagpapatupad ng fire safety measures upang maiwasan ang sunog at mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.

Mga G**o ng BRES, Bahagi ng Palarong Bicol 2025Aktibong lalahok sa Palarong Bicol 2025 ang mga g**o ng BRES,  na may mah...
23/03/2025

Mga G**o ng BRES, Bahagi ng Palarong Bicol 2025

Aktibong lalahok sa Palarong Bicol 2025 ang mga g**o ng BRES, na may mahahalagang papel sa nasabing palakasan. Si Reinalyn M. Vasquez ay usherette sa pambungad na programa na ginawa sa Bicol University, si Jho-ann A. Cariño ay nasa Production Committee, si Shania Mae N. Loria ay isa sa mga Technical Officials sa Taekwondo, at si Ricky Datun ay isa sa mga Event Facilitators ng Tennis. Ang kanilang suporta ay mahalaga sa maayos at matagumpay na pagdaraos ng palaro.

Nathalie M. Besin, Nahalal bilang Auditor ng Division Federated SELG OfficersOpisyal na nahalal si Nathalie M. Besin bil...
18/03/2025

Nathalie M. Besin, Nahalal bilang Auditor ng Division Federated SELG Officers

Opisyal na nahalal si Nathalie M. Besin bilang Auditor ng Division Federated Supreme Elementary Learner Government (SELG) Officers. Ang eleksyon ay isinagawa ngayon, Marso 18,2025 upang pumili ng mga lider-mag-aaral na magsusulong ng kapakanan ng kanilang kapwa mag-aaral. Sa ilalim ng paggabay ng kaniyang tagapayo, si G. Michael Anthony L. Melitante, handa si Besin na gampanan ang kanyang tungkulin at maging bahagi ng mga proyektong magpapabuti sa kanilang organisasyon.

Pagdiriwang ng International Day of Mathematics, Inilunsad sa BRESIpinagdiwang ng paaralan ang International Day of Math...
17/03/2025

Pagdiriwang ng International Day of Mathematics, Inilunsad sa BRES

Ipinagdiwang ng paaralan ang International Day of Mathematics (Pi Day) noong Marso 14, 2025, sa pangunguna ng mga Math Coordinators na sina G. Michael Anthony L. Melitante at Bb. Reinalyn M. Vasquez, sa ilalim ng pamamahala ni Gng. Amelia B. Aban, Punong G**o.

Layunin ng selebrasyong ito na hikayatin ang mga mag-aaral na mas pahalagahan ang Matematika sa pamamagitan ng masining at mapanuring pag-iisip. Iba’t ibang patimpalak ang isinagawa, kabilang ang Coloring with Operations, Poster Making, Slogan Making, at ang Math Quiz Bowl para sa Primarya at Intermedya.

Sa nasabing kompetisyon, ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay sa sining at kritikal na pag-iisip sa Matematika. Masiglang nakilahok ang mga mag-aaral, g**o, at mga magulang sa pagdiriwang, na naging patunay ng pagpapahalaga sa agham ng numero sa makabagong panahon.

Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng paaralan na gawing mas masaya, makabuluhan, at kapaki-pakinabang ang pag-aaral ng Matematika para sa lahat.

“Handa, Alerto, Ligtas!” — Muling ipinamalas Banquerohan Resettlement Elementary School (BRES) ang kahandaan at disiplin...
13/03/2025

“Handa, Alerto, Ligtas!” — Muling ipinamalas Banquerohan Resettlement Elementary School (BRES) ang kahandaan at disiplina ng mga mag-aaral at g**o sa ginanap na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Marso 13, 2025. Sa pamamagitan ng sabayang Duck, Cover, and Hold, naging makabuluhan ang pagsasanay na ito bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa kaligtasan at kahandaan sa oras ng sakuna.

Nakikiisa ang Banquerohan Resettlement Elementary School sa Children International Bicol Inc. (CIBI) sa layuning itaguyo...
11/03/2025

Nakikiisa ang Banquerohan Resettlement Elementary School sa Children International Bicol Inc. (CIBI) sa layuning itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan. Sa pangunguna ng punong-g**o na si Ginang Amelia B. Aban at Brigada Pagbasa Coordinator na si Ginang Jho-ann A. Cariño, aktibong isinusulong ng paaralan ang mga programang nagpapalakas sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pagbilang.


Aktibong Partisipasyon ni Aina Kate Balmedina, Suportado ng Kanilang Tagapayo na si G. Jason PantojaPinatunayan ni Aina ...
08/03/2025

Aktibong Partisipasyon ni Aina Kate Balmedina, Suportado ng Kanilang Tagapayo na si G. Jason Pantoja

Pinatunayan ni Aina Kate Balmedina ang kanyang dedikasyon sa pangangalaga ng kalikasan at liderato sa pamamagitan ng kanyang aktibong paglahok sa Division Federated YES-O election. Sa gabay at suporta ng kanilang YES-O adviser na si G. Jason C. Pantoja, mas lalo niyang pinaigting ang kanyang layunin na maging tinig ng kabataan para sa kalikasan at positibong pagbabago.

Banquerohan, Marso 7, 2025 — Naging matagumpay ang School Learning Action Cell (SLAC) session sa Banquerohan Resettlemen...
07/03/2025

Banquerohan, Marso 7, 2025 — Naging matagumpay ang School Learning Action Cell (SLAC) session sa Banquerohan Resettlement Elementary School na layuning paghusayin ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinangunahan ni Gng. Jho-ann A. Cariño ang talakayan tungkol sa isang estratehiya sa pagtuturo ng mag-aaral sa pagbasa. Nagbahagi rin ang punong-g**o na si Gng Amelia Aban ng kanyang karanasan at suhestiyon para sa patuloy na pag-unlad ng paaralan.

🌱💚 Makabagong Halalan para sa Kalikasan! 💚🌱  Isinagawa ngayong araw sa Banquerohan Resettlement Elementary School ang au...
05/03/2025

🌱💚 Makabagong Halalan para sa Kalikasan! 💚🌱
Isinagawa ngayong araw sa Banquerohan Resettlement Elementary School ang automated YES-O election! 🗳️ Sa pamamagitan ng makabago at tapat na paraan ng pagboto, binibigyang-daan natin ang mga kabataan na maging lider para sa kalikasan.

BRES, Nakiisa sa Pagdiriwang ng 2025 National Women’s MonthBanquerohan Resettlement Elementary School (BRES) ay opisyal ...
03/03/2025

BRES, Nakiisa sa Pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month

Banquerohan Resettlement Elementary School (BRES) ay opisyal na nagbukas ng selebrasyon para sa 2025 National Women’s Month na may temang "Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas," noong Marso 3, 2025. Layunin ng programang ito na kilalanin at pahalagahan ang mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng mas maunlad at pantay na lipunan.

Nagbigay ng inspirasyonal na mensahe ang pamunuan ng paaralan at ilang panauhin, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at ang pagsuporta sa karapatan ng kababaihan sa iba’t ibang larangan.

Address

Banquerohan Resettlement Elementary School
Legazpi
4500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRES School and Community Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share