01/12/2025
Biktima sila ng sistema hindi sila kriminal.
Here's a story.
Narinig ng buong silid ang biglang katahimikan nang pumasok si Helen sa korte.
91 years old. Naka–hospital gown na halos lamunin ang kanyang katawan ng kanyang suot na tela. Ang mga kamay niya, nakaposas, nanginginig.
Isa ng lola na dapat nagpapahinga na sa isang mainit na sala, hindi nakatayo sa ilalim ng malamig at malupit na silid ng korte.
Sinuri ni Judge Marcus ang file sa harap niya: Felony theft.
Pagkatapos ay tumingin siya kay Helen.
At may kung anong kumurot sa dibdib niya.
Sa loob ng 65 years, namuhay si Helen at ang asawa niyang si George nang simple isang buhay na binuo ng maliliit na bagay at tahimik na buhay. Tuwing umaga, inihahanda niya ang gamot para sa puso ng asawa. Labindalawang maliliit na tableta.
Pero isang hindi nabayarang insurance payment ang nagbago ng lahat.
Nagpunta si Helen sa botika para bumili ng gamot, nalaman ni Helen na ang gamot na karaniwan ay $50, ngayon ay nagkakahalaga na ng $940. Natigilan siya at lumabas siya nang walang dala.
Pagbalik sa bahay, pinanood niya ang unti-unting paghina ni George.
Ang paghinga nitong manipis at hirap.
Ang kamay nitong nanghihina sa kanyang palad.
Ang buhay nitong kumakawala.
Tatlong araw ang lumipas.
Tatlong araw na walang magawa.
Tatlong araw ng panonood sa pagdurusa ng taong pinakaminahal niya.
Kaya ginawa niya ang tanging bagay na itinuro sa kanya ng pag-ibig, takot, at desperasyon.
Bumalik siya sa botika.
At nang tumalikod ang pharmacist, marahan niyang isinilid ang mga tableta sa kanyang pitaka.
Hindi pa siya nakakalakad nang dalawang hakbang nang biglang umalingawngaw ang alarm.
Dumating ang mga pulis.
Sa presinto, tumaas ang blood pressure niya kaya dinala siya agad sa ospital.
At ngayon, narito siya nakasuot pa rin ng hospital gown, nakaharap sa batas na parang isang kriminal.
Nanginginig ang kanyang tinig.
“Hindi ko inakalang darating ako sa ganitong araw, Your Honor.”
Matagal siyang tinitigan ni Judge Marcus.
“Bailiff,” sabi niya nang marahan, “alisin mo ang posas.”
Ang pagtanggal ng bakal sa kanyang kamay ay umalingawngaw at bumasag sa katahimikan ng korte.
Humarap siya sa prosecutor.
“Felony charges? Para dito?”
Naluha si Helen.
“Hindi na siya makahinga,” hikbi niya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko.”
Tumaas ang tinig ng hukom, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa mas malalim na damdamin.
“Hindi kriminal ang taong ito. Ito ay kabiguan ng sistem, ng ating sistema.”
Agad niyang ibinasura ang lahat ng kaso.
Pagkatapos ay tumayo siya.
“Hindi sisingilin si Mrs. Miller sa kanyang hospital stay. Makukuha ng kanyang asawa ang gamot ngayong araw. Hindi bukas. Ngayon.”
Inutusan niya ang mga social worker at medical team na puntahan ang kanilang bahay kaagad.
Kinapanayam siya ng mga reporter pagkatapos.
“Ano po ang nagpa-desisyon sa inyo nang ganoon kabilis, Judge?”
Hindi siya nag-alinlangan.
“Ang katarungan ay hindi lamang letra ng batas. Ito ay kakayahang kilalanin ang pagiging tao.”
Saka siya tumigil sandali.
“Hindi nagnakaw ng gamot ang babaeng iyon. Lumaban siya para sa buhay ng kanyang asawa. At ang pag-ibig—hindi iyon krimen.”
Katulad ng kwento ni Helen, si Tatay Digong ay biktima ng sistema, ng bulok na sistema.
Dahil sa sobrang pagmamahal nya sa bayan ninais nyang linisin ang droga, ang korapsyon ang maling sistema. Dahil sa kagustuhan nyang maiyos ang bansa may mga namatay, nakulong at nasagasaang sindikato at kriminal. Namatay hindi dahil sa gusto nya lang patayin, kundi dahil hindi sila nakinig na ito ay magiging madugo kung hindi sila titigil. Dahil ang pagpapatupad ng batas ay kailangan ng tapang at dahas, ang mg adik ay wala na sa matinong pag-iisip.
Ngayon naandoon sya sa piitan dahil sa pagmamahal na yun. Ang pagkakaiba nila, si Helen ay humarap sa isang husgadong may utak at ginamit ang puso. Sa kaso ni PRRD, ginamit ang impluwensya at pera. Dalawang magkaparehong kwento, dalawang magkaiba ng kahihinatnan. Pero ang kwento ni Tatay Digong ay hindi pa tapos, sana magkaroon ito ng masayang katapusan.
Sana sa huli maririnig nating malaya ka na dahil ang pagmamahal sa bayan at pagpapatupad ng batas ay hindi krimen.