
05/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐: ๐๐๐ก๐๐ฆ ๐๐ถ๐๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Kasabay ng masigla at malakas na musika ay ang pag-indayog ng mga estudyante mula sa ibaโt ibang baitang, suot ang makukulay na kasuotang naaayon sa kulay ng kanilang kinabibilangan. Pinalamutian ang mga ito ng kumikinang na dekorasyon na lalong nagpatingkad sa kulay at nagbigay-buhay sa bawat mananayaw.
Sayaw na naghatid ng saya, enerhiya, at pananabik sa lahat ng manonood ang ipinamalas ng mga mag-aaral ng Legazpi City National High School (๐๐๐๐๐) nitong Setyembre 3, 2025.
Mula pa lamang sa unang pangkat, dama na ang bagsik at husay ng bawat kalahok. Ipinakita nila ang walang kupas na enerhiya mula simula hanggang pagtatapos ng musika. Ang asulโna kinakatawan ng mga mag-aaral sa Grade 10โang itinanghal na kampeon sa naturang patimpalak. Mababakas ang walang kapantay na tuwa sa kanilang mga mukha, hindi lamang ng mga kalahok kundi maging ng buong Grade 10 na todo ang suporta.
Pinatunayan din nila na kahit sila ang nakatatanda sa Junior High School, hindi sila magpapahuli sa laban. Ibinuhos nila ang lahat ng kanilang paghihirap at talento sa sayaw at pagiging malikhain. Bagamaโt tila hindi nila inaasahan ang resulta, matagumpay pa rin nilang naiuwi ang gantimpala bilang kampeon. Sa kabila ng maraming pagsubok, lalo na sa mahihirap na ensayo, hindi ito naging hadlang upang makapaghandog sila ng isang masigabong pagtatanghal na nagbigay-saya at pananabik sa lahat.
Hindi rin nagpahuli ang pinakabatang kalahok, ang berde ng Grade 7, na nagwagi bilang 1st place. Tunay na nakakamangha ang kanilang ipinakita, dahil kahit sila ang pinakabata sa lahat ng baitang, hindi ito naging hadlang upang magtagumpay. Ang kanilang panalo ay sumisimbolo na anuman ang edad, kayang makamit ang tagumpay sa tulong ng sipag at pagpupunyagi.
Samantala, pumangatlo naman ang kahel ng Grade 12 na nag-uwi ng 2nd place. Sa kanilang mga galaw ay naipadama nila ang saya at nakalikha ng malalakas na hiyawan mula sa ibaโt ibang baitangโisang patunay na sila nga ang nakatatanda at hinahangaan sa buong paaralan.
Bagamaโt hindi nakapasok sa top 3, kapansin-pansin pa rin ang husay at dedikasyon ng iba pang mga baitang. Nakuha ng dilaw ng Grade 8 ang 3rd place, sumunod ang p**a ng Grade 9 sa 4th place, at ang kulay rosas ng Grade 11 sa 5th place. Lahat sila ay buong pusong nagbigay ng kanilang talento sa sayaw, nakapagpasigaw ng mga manonood, at naghatid ng masayang alaala para sa bawat estudyante ng LCNHS.
Sa bawat indayog at sigaw, napatunayan ng mga mag-aaral ng Legazpi City National High School na ang talento at pagkakaisa ay walang kapantay. Ang Fitness Dance Competition ay hindi lamang isang patimpalak, kundi isang pagdiriwang ng sining, kultura, at samahanโisang alaala na mananatili sa puso ng bawat estudyante ng LCNHS.
๐ซ๐บ๐๐๐บ๐
๐บ ๐๐๐๐บ | ๐๐ณ๐ช๐ด๐ข ๐๐ช๐ญ๐ญ๐ข๐ฆ๐ด๐ต๐ฆ๐ณ, ๐๐ธ๐ฆ๐ฏ ๐๐ด๐ฎ๐ช๐ญ๐ญ๐ข, ๐๐ญ๐บ๐ฏ๐ฏ๐ข ๐๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ฐ
๐ฌ๐๐บ ๐๐๐๐บ๐๐ ๐
๐บ๐๐บ๐๐บ๐ | ๐๐ด๐ฉ๐ข๐ฏ๐ต๐บ ๐๐ฐ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ด, ๐๐ฏ๐ช๐ฌ๐ข ๐๐ฆ๐ญ๐จ๐ข, ๐๐บ๐ญ๐ข ๐๐ฏ๐ณ๐ช๐ฒ๐ถ๐ฆ๐ป