
24/07/2025
PASOK SA MGA ESKWELAHAN AT MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN SA MGA LALAWIGAN NG ALBAY, CAMARINES SUR AT CAMARINES NORTE MANANATILING SUSPENDIDO BUKAS
Mananatiling suspendido ang mga pasok sa mga paaralan at mga tanggapan ng pamahalaan bukas, Hulyo a-25 sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Camarines Norte.
Batay yan sa inilabas na anunsyo ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa FB page.
Ayon sa DILG, makakaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan ang mga nasabing probinsiya ng 50 hanggang 150mm.
Ang sama ng panahon na nararanasan sa buong bansa ay dulot parin ng bagyong Emong at Dante na nasa bahagi ngayon ng Northern Luzon.