19/12/2025
Ito ang paliwanag kaugnay sa mga komento ng netizens matapos lumabas na si Mark Arjay Reyes ay itinuring na PERSON OF INTEREST sa kaso ng nawawalang bride-to-be na si Sarah De Juan, na hindi na nakita mula pa noong Disyembre 10.
Si Mark, ang groom-to-be na naging viral, ay itinuturing ngayon na person of interest—na hindi nangangahulugang siya ay guilty o inaresto na. Ibig sabihin lamang nito ay nais siyang makausap ng pulis dahil maaaring may alam o impormasyong makakatulong sa imbestigasyon. Karaniwan ito sa mga kasong may ongoing investigation. Posible ring tawagin bilang person of interest ang mga magulang, kapatid, o iba pang malalapit kay Sarah kung kinakailangan.
Mahalagang tandaan:
> All persons of interest are INNOCENT until PROVEN GUILTY.
Kapag tinawag na POI, hindi ito awtomatikong akusasyon. Isa lamang itong hakbang upang malaman ang:
posibleng ugnayan ng isang tao sa kaso,
impormasyong hawak niya,
at mga detalye na maaaring makatulong sa paglutas ng insidente.
Sa madaling paliwanag:
Person of Interest – taong nais kausapin o imbestigahan ng pulis dahil may kaugnayan o mahalagang impormasyon sa kaso.
Hindi ito katumbas ng pagiging suspek o guilty.
Ginagamit din ang terminong ito upang maiwasan ang agad na pagdungis ng reputasyon habang wala pang sapat na ebidensya.
Sa kaso ni Mark Arjay Reyes:
Siya ay person of interest pa lamang.
Wala pang kaso, walang aresto, at walang deklarasyon ng guilt.
Sa kabuuan, ang PERSON OF INTEREST ay legal na terminong ginagamit sa yugto ng imbestigasyon. Maaari itong maging saksi, source of information, pinakamalapit sa biktima, o sa huli ay maaaring mapatunayan o mapawalang-sala—depende sa resulta ng masusing imbestigasyon.
📸Ctto