12/09/2026
๐๐ข๐ข๐ | BUIDeA, Sinalubong ang mga Freshies sa Arkiquaintance 2026
Pinangunahan ng Bicol University Institute of Design and Architecture (BUiDeA) ang Arkiquaintance 2026: โCarambola: All Roads Lead to Funโ nitong ika-11 ng Setyembre upang salubungin ang mga bagong mag-aaral.
Sinimulan ang programa sa Holy Mass, na sinundan ng parade at welcome walk para sa freshies, Darakupan, at booth hopping bilang mga pangunahing events.
Nagpatuloy ang programa pagsapit ng hapon at ito'y sinimulan sa pagbubukas ng Peryahan, kung saan nakiisa ang mga mag-aaral sa ibaโt ibang aktibidad. Nagbigay rin ng mga mensahe sina Acting BUiDeA College Student Council President Mr. Piolo Mario S. Papillera, BUiDeA Director Ar. Delfin M. Mirabete Jr., at Associate Director Ar. Ana M. Lorilla.
Tampok din sa programa ang pagpapakilala sa mga kandidato para sa Mr. and Ms. BUIDeA at Mr. and Ms. SCUAA, kasabay ng pagbubukas ng Arki Plaza. Naghatid naman ng dagdag na sigla sa selebrasyon ang mensahe ni Event Head at Acting BUiDeA CSC Vice President Ms. Andrei Nicole D. Aban.
Pagsapit ng gabi, itinampok ang mga pagtatanghal ng BUASA Dance Troupe at mga drag queens na sinundan ng paggawad sa mga nagwagi sa Block Marker Design Competition.
Binigyang sigla naman ng ibaโt ibang banda ang Fellowship Night, kabilang ang Relapse, Dry Hits, Silent E, Dopamine, Capโs Lock, Aboโt Gunita, CHtz, at Vitruvius, bago nagtapos ang programa sa closing remarks at egress.
Samantala, ipinagpaliban ang K-pop Random Play Dance na orihinal na nakatakda sa hapon at itinakdang ipagpatuloy sa Setyembre 12 bilang karagdagang bahagi ng selebrasyon.
| via ๐
๐ช๐ซ๐๐ก๐ก๐ ๐ฟ. ๐ฝ๐๐ง๐๐, Krokis News Writer
| photos by ๐
๐ช๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐. ๐พ๐ค๐ก๐๐ง, Krokis Chief Photojournalist