08/10/2026
Balita sa Barangay: Mga kabarangay, narito ang mga pinakamaiinit na balita ngayong araw ng Huwebes, October 8, 2026.
• Piso kontra dolyar, sumadsad sa pinakamababang halaga na ₱62.9=$1 kumpara sa ₱62.86 na naitalang record noong Setyembre 14, 2026.
Ito na ang pangdalawampu’t anim na beses na bumagsak ang halaga ng piso ngayong taon, ayon sa Bankers Association of the Philippines
https://www.facebook.com/share/v/1CRjS6qqBX/
• BIR Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez, humarap bilang testigo ng prosekusyon sa Impeachment Trial ni Vice Pres. Sara Duterte; ayon sa kanya, umabot sa ₱85,343,803.23 ang income net of tax nina Vice Pres. Sara Duterte at Atty. Manases Carpio mula 2007-2025
https://www.facebook.com/share/v/1DYnZvb4dT/
• Sen. Mark Villar, tuluyan nang lumipat sa Majority Bloc ng Senado.
Isa pang kasapi ng minorya, posibleng tumalon sa mayorya, ayon kay Sen. Raffy Tulfo
https://www.facebook.com/share/v/1CfPMJ7TW2/
https://www.facebook.com/share/v/1KSb6DGYyF/
• Vice Pres. Sara Duterte, no show o hindi nagpakita sa NBI matapos magsumite ang kaniyang kampo ng affidavit kaugnay sa alegasyon ng dating tauhan ni dating House Speaker Lord Allan Velasco na si Rodulfo Gracioso Jr. na hinatiran niya ng male-maletang pera ang bise presidente.
Pagsasampa ng kaso laban kay Rodulfo Gracioso Jr., pinag-aaralan na ng kampo ni Vice Pres. Sara Duterte
https://www.facebook.com/share/v/1CQ5G4e6oW/
• Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, hindi pa itinuturing na pugante sa kabila ng warrant of arrest na inisyu laban sa kanya, ayon sa Department of Justice (DOJ)
https://www.facebook.com/share/v/1CdyZ7pLGE/
• Proseso ng pagkilala sa Pilipinas ng diborsyo ng mga Pilipino na ginawa sa ibang bansa, pinadali na ng Korte Suprema.
Layunin ng pagbabago na alisin ang mga hindi kailangang hadlang at gawing mas madali para sa mga Pilipino ang pagkilala sa kanilang foreign divorce; kailangan na lamang patunayan na naganap ang diborsyo sa ibang bansa
https://www.facebook.com/share/p/19R8ShCHfy/
• Polish President Karol Nawrocki, nakipag-sparring kay dating Senador at National Anti-Poverty Commission (NAPC) Sec. Manny Pacquiao sa isang boxing gym sa Paranaque City.
Bahagi ito ng pagbisita sa bansa ni Nawrocki na kilalang mahilig sa combat sports
https://www.facebook.com/share/v/1HzGygwAxf/
https://www.facebook.com/share/v/1F18e2cgRh/
• Dalawang biyahe ng Philippine Airlines patungong Riyadh, kinansela ngayong araw, Oktubre 8, 2026, kasunod ng mga pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa dalawang paliparan sa Saudi Arabia.
Kabilang sa mga kinansela, ang flight PR654 at 655 na biyaheng Manila-Riyadh at pabalik
https://www.facebook.com/share/p/1Hffz2P7vE/
• Mga kawani ng pamahalaan, binalaan ng tanggapan ng Ombudsman laban sa paggamit sa pribadong sasakyan ng gasolinang inilaan para sa mga sasakyan ng gobyerno
https://x.com/dzbb/status/2108013421459591230?s=20
• 53 miyembro ng True Brown Style (TBS), naaresto ng Philippine National Police sa Banga, South Cotabato dahil sa banta na maghahasik ng kaguluhan.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ilan sa mga naaresto ay pawang mga menor-de-edad
https://www.facebook.com/share/v/19qkvXmejS/