21/05/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ฟ๐ผ ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ง ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐๐น๐ถ๐๐ ๐๐ฎ ๐๐น๐ฏ๐ฎ๐
๐๐ช ๐๐ฆ๐ธ๐ฆ๐ญ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ด๐ช๐ด ๐๐จ๐ข๐ด๐ฆ, ๐๐ต๐ข๐ง๐ง ๐๐ณ๐ช๐ต๐ฆ๐ณ
Isinagawa ang isang pagpupulong at konsultasyon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist sa Legazpi City, Huwebes, Mayo 21, upang pag-usapan ang mga suliranin at mga rekursong maaaring gawin sa mga lumalalang krisis na kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
Pinangunahan ng ACT Partylist kasama ang ACT Philippines, at ACT Bicol Union ang konsultasyon na dinaluhan ng mga g**o na nagmula sa mga probinsya ng Albay at Sorsogon.
Bahagi ng naging talakayan ang mga sosyo-ekonomikong hamon sa sektor ng edukasyon gaya ng umento sa sahod at pagpapataas ng mga benepisyo sa mga g**o, mga administratibong pasanin, at maging ang mga umiiral na polisiya na nakakaapekto sa kasalukuyang kalagayan at kapakanan ng mga g**o at mag-aaral.
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, nararapat na paglaanan ng oras ang pagkakaroon ng mga konsultasyon upang matalakay ang mga hamong kinakaharap sa sektor ng edukasyon.
โBahagi natin bilang sectoral representative ng mga teachers na direktang makipag-ugnayan sa mga teachers mismo. Kaya nga bukod sa mga sessions, sa mga committee hearings aktibo tayo doโn. Talagang may panahon na nilalaan tayo para bisitahin ang mga teachers natin kung ano ang isyu ng teachers tina-translate natin into legislative measure at 'yung iba ay nagiging batas,โ aniya.
Dagdag pa ni Tinio, napapanahon na ang pagpapataas ng sahod ng mga kaguruan sa lahat ng antas, pampubliko man o pampribado.
โPanahon na para gawing 50,000 ang sweldo ng mga Teacher 1, at ang mga panukala natin 50,000 sa public pati sa private, isa lang ang laban; pati sa state universities at colleges, ibig sabihin basta g**o ka ay dapat na starting pay ay 50,000,โ saad ni Tinio.
Binigyang-diin naman ni ACT Philippines National Chairperson Ruby Bernardo na may direktang koneksyon ang sahod ng mga g**o at kalidad ng edukasyon na naipapamalas sa mga paaralan.
โMalinaw ang koneksyon ng sahod at kalidad ng edukasyon dahil kapag kumakalam ang sikmura ng g**o, abonado siya sa gastusin, at nagtuturo sa hindi maayos na silid-aralan na kulang sa libro at sapat na suportaโkahit laptop man lamangโmahihirapan siyang makapagturo nang maayos at maabot ang kanyang optimum performance,โ ani Bernardo.
Ipinahayag din niya ang hindi sapat na pagtugon at pagpapahalaga sa mga g**o dulot ng hindi nakabubuhay na sahod at mabigat na gampanin na kanilang pinapasan.
โHigit pa sa usapin ng sahod nagrereflect kasi doon kung paano pinapahalagahan โyung teacher, dapat mas lalong kinakalinga โyung mga kumakalinga sa mga pag-asa ng bayan, kaso hindi ganoon. Sa kasalukuyan ang mga empleyado sa sektor ng edukasyon ay ang may mga pinakamahirap at pinakamabigat na responsibilidad; overwork at underpaid kumbaga,โ saad ni Bernardo.
Samantala, ayon sa partylist, nauna na ang kanilang konsultasyon at mga pagpupulong sa Dumaguete, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, at National Capital Region.
Magpapatuloy naman ang ikalawang serye ng konsultasyon sa rehiyon bukas, Mayo 22, sa Naga City, Camarines Sur bitbit ang parehong mga layunin sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon sa buong bansa.
๐ท Jovin Leron, Staff Photojournalist