30/08/2026
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ป; โ๐ฃ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ๐ธโ ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ผ๐ป
Patuloy na makaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon at Kanlurang Visayas ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong Lunes, Agosto 31, habang nananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas ang Tropical Depression โPilandok,โ ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng Pilandok sa layong 1,120 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon dakong alas-3 ng madaling-araw. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa sentro at pagbugsong hanggang 70 km/h.
Halos hindi gumagalaw ang bagyo habang nasa Philippine Sea, ngunit inaasahang patuloy nitong palalakasin ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas.
Hindi naman nakataas ang anumang Tropical Cyclone Wind Signal dahil maliit ang posibilidad na direktang tumama sa kalupaan ng bansa ang Pilandok. Inaasahang mananatili itong malayo sa Pilipinas at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Setyembre 2 o madaling-araw ng Setyembre 3.
๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ
Batay sa forecast ng PAGASA, makararanas ng monsoon rains ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Bataan, Zambales, Tarlac at Pampanga, na maaaring magdulot ng flash flood at landslide lalo na sa mga lugar na makararanas ng matindi at matagal na pag-ulan.
Samantala, inaasahan ang mga paminsan-minsang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija at Bulacan.
Maaaring makaranas naman ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, CALABARZON, malaking bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan at Antique.
Sa iba pang bahagi ng Luzon, Negros Island Region at Western Visayas, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms. Ganito rin ang kondisyon sa Mindanao at iba pang bahagi ng Visayas dahil sa localized thunderstorms.
๐ข๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ ๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ณ๐ฎ๐น๐น ๐๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฒ๐
Naglabas din ang PAGASA ng Orange Rainfall Warning para sa ilang bahagi ng Zambales, kabilang ang Santa Cruz, Candelaria at Masinloc, kung saan nagbabanta ang pagbaha.
Nasa Yellow Warning Level naman ang iba pang lugar sa Zambales, Bataan, Tarlac at Nueva Ecija dahil sa posibilidad ng pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.
Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga nasa mabababang lugar at lugar na madaling magkaroon ng landslide, na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga abiso ng PAGASA at lokal na disaster risk reduction and management offices.
๐๐ฒ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด
Nagbabala rin ang PAGASA sa mapanganib na kondisyon ng karagatan. Maaaring umabot sa 4.5 metro ang taas ng mga alon sa kanlurang bahagi ng Babuyan Islands, kaya pinapayuhan ang mga marino at maliliit na sasakyang-dagat na huwag munang pumalaot sa mga apektadong karagatan.
Samantala, inaasahang patuloy na magdadala ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin ang Habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang galaw at posibleng pagbabago sa lakas at direksiyon ng Pilandok, na maaari umanong bahagyang lumakas sa mga susunod na oras ngunit nananatiling mababa ang posibilidad na mag-landfall sa Pilipinas.