07/02/2026
Isinusulong na ni Sangguniang Panlalawigan Board Member Dok Anna Rosales Santos ang resolusyon na humihiling para sa agarang pag-aaral, pagmomonitor, at pagbalangkas ng mga hakbang upang mairekomenda ang patas na presyo ng liveweight selling ng baboy sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Board Member Santos, ang kasalukuyang presyo ng bentahan ng buhay na baboy na batay sa timbang ay karaniwang nasa pagitan ng P160 hanggang P180 kada kilo.
Ngunit ayon umano sa mga sa hog raisers ang gastos sa produksyon ay umaabot ng humigit kumulang P190 hanggang P210 kada kilo na dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, gamot, kuryente at iba pang gastusin, na malinaw raw na lugi ang inaabot ng mga magbababoy, lalo na sa mga mamaliiit na hog raiser at backyard hog raiser.
Giit pa ni Rosales, nakakabahala na sa kabila ng mababang farm gate price ay nananatiling mataas ang presyo ng karne sa mga pamilihan na nagpapahiwatig raw ng kakulangan sa patas na presyuhan at posibleng pagmanipula ng presyo ng mga middleman at dealers.