11/09/2026
Ngayon lang siguro natin na-realize kung gaano kahalaga ang pagtatanim, lalo na ngayong ang mahal na ng mga bilihin.
Kapag mababa ang supply, tumataas ang presyo. Kaya kung bawat isa sa atin ay may kahit kaunting pananim sa paligid ng bahay—kahit ano pa ’yan at kahit hanggang saan lang ang kaya ng budget—malaking tulong na.
Sa totoo lang, kaya rin nagmamahal ang mga bilihin dahil masyado tayong umaasa sa produkto ng iba. Kung kaya naman nating magtanim, bakit hindi natin simulan?
Hindi naman kailangan ng malaking lupa o malaking puhunan. Kahit ilang gulay lang sa bakuran, malaking bagay na iyon. At least, may makukuha tayo na hindi na kailangang bilhin.
Minsan, hindi naman talaga tayo walang magagawa. Hindi lang natin binibigyan ng halaga ang mga bagay na kaya nating gawin.
Kaya kung may lupa ka, magtanim ka.
Kung maliit lang ang space mo, magtanim ka pa rin.
Kung kaunti lang ang kaya ng budget mo, magsimula ka sa kaunti.
Dahil sa panahon ngayon, bawat tanim ay may halaga.
Pinay sa America
Faith’s Journey