01/02/2026
Mga marites of Israel and US kilala nyo to?
By: Danico Ramos
⛔️⛔️⛔️⛔️⛔️🚫🚫🚫🚫⚠️⚠️⚠️
Ginagawa na lang tayong gatasan ng mga foreign vlogger, ‘noh? Kung kailangan nila ng views, engagement, o supporter, dadayo pa talaga ‘yan sila dito.
Napanuod ko ‘tong isang vlogger na LA-based pero pinanganak sa Israel, upon my research. Tapos, ang content niya pala ay yung pamimigay ng pera sa mga supporter niya, kaso mali siya nang napuntahan na bansa. Eh, mga marites tao dito, kaya akala niya siya lang nagvivideo, pero ‘di niya alam may nagvivideo pa na marites nating kababayan.
So, ang nangyari nga sa content ni Sir Kup*l, nakita niya ‘tong estudyante tapos binigyan niya ng 100k, then, ang saya nung estudyante. Yan ang POV ng video nila, pero sa POV ng video ng marites nating kababayan, pagkatapos ng video, parang tinawag yung estudyante at may sumisenyas sa kaniya na ibalik yung pera, pagkaabof nung 100k, saka siya inabutan ng 200 pesos, which is only at 0.2%, at ngayon yung reels nung foreign vlogger nasa 24 million views na. Paldo yung puhunan na 200 pesos e.
‘Yan kasi tayo e, porket namimigay ng pera akala niyo mabait na, pero ‘di niyo alam kinukupal lang naman talaga kayo. Meron diyan mga Pinoy vlogger na ganiyan din, maingat lang gumalaw. Aminin!?
⚠️⚠️⚠️⚠️🏧🏧🏧