NOVEL ARCOV

NOVEL ARCOV "god is good all the time"

🌺🌿💕💐 Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paghatol  mula sa. Malaking puting trono .📕📔📗 S...
17/06/2024

🌺🌿💕💐 Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paghatol mula sa. Malaking puting trono .

📕📔📗 SABI NG DIYOS," Sa paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos na nasabi sa mga nagdaang panahon, ang “paghatol” sa mga salitang ito ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni gaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, hindi nito mababago ang diwa ng gawain ng Diyos. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi ang mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaganda ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang na karikatura at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagawa nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang kamangha-mangha. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ang gawaing ito ay may pinakapambihirang sukat, at hindi mauunawaan ng mga mortal, at aalingawngaw hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong kapita-pitagan at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong mga tagpo ay tiyak na kagila-gilalas at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na mapaghimala ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na, noong matagal nang sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa tao, nananatili kang tulog na tulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay pormal nang nagsimula, nabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.

 Hinango mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

🖌️🖋️🖌️🖋️Paano ba maitatag ng tao ang isang normal na relasyon sa Diyos? 📕📗📓 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS,"Sa paniniwal...
22/05/2024

🖌️🖋️🖌️🖋️Paano ba maitatag ng tao ang isang normal na relasyon sa Diyos?

📕📗📓 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS,"Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano ay kailangan mong lutasin ang isyu tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, nawawalan ng kabuluhan ang iyong paniniwala sa Diyos. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na nakakamtan sa pagkakaroon ng pusong tahimik sa presensya ng Diyos. Ang pagkakaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan ng kakayahang hindi pagdudahan o tanggihan ang anuman sa Kanyang gawain at magpasakop sa Kanyang gawain. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mga tamang layunin sa presensya ng Diyos, hindi paggawa ng mga plano para sa sarili mo, at pagsasaalang-alang muna sa mga interes ng pamilya ng Diyos sa lahat ng bagay; nangangahulugan ito ng pagtanggap sa pagsusuri ng Diyos at pagsunod sa mga plano ng Diyos. Kailangan mong magawang patahimikin ang iyong puso sa presensya ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. Kahit hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, kailangan mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at responsibilidad sa abot ng iyong makakaya. Kapag nabunyag na sa iyo ang kalooban ng Diyos, kumilos ayon dito, at hindi na magiging huli ang lahat. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, magkakaroon ka rin ng normal na mga kaugnayan sa mga tao. Lahat ay itinatatag sa pundasyon ng mga salita ng Diyos. Kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, pagkatapos ay isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at iwasang gumawa ng anuman upang kalabanin ang Diyos o gambalain ang iglesia. Huwag gumawa ng anumang hindi mapapakinabangan sa buhay ng iyong mga kapatid, huwag magsalita ng anumang hindi nakakatulong sa iba, at huwag gumawa ng anumang kahiya-hiya. Maging makatarungan at marangal sa lahat ng bagay na ginagawa mo at tiyakin na bawat kilos mo ay kaaya-aya sa harap ng Diyos. Bagama’t maaaring mahina ang laman kung minsan, kailangan mong magawang unahin ang mga interes ng pamilya ng Diyos, nang walang pag-iimbot para sa sarili mong kapakinabangan, at kailangan mong makakilos nang matuwid. Kung makapagsasagawa ka sa ganitong paraan, magiging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos.

 Hinango mula sa “Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

📌🥀📌🥀 Paano makisalamuha sa iba na alinsunod sa mga turo ng Panginoon? 📖📚🖋️ Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay Ko...
13/05/2024

📌🥀📌🥀 Paano makisalamuha sa iba na alinsunod sa mga turo ng Panginoon?

📖📚🖋️ Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay Ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig Ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa’t isa. Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa” (Juan 13:34–35). “At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:39). “

📙📓📔 SABI NG DIYOS ," “Sa usapin ng pakikitungo sa iba, ano ang mga prinsipyo sa kung paano makitungo sa mga may katayuan at mga wala, gayundin sa mga karaniwang kapatid at mga pinuno at manggagawang nasa iba’t ibang antas? Hindi mo maaaring pakitunguhan ang iyong mga kapatid na katulad ng pakikitungo ng mga hindi naniniwala sa mga tao; dapat kang maging patas at makatuwiran. Hindi ka maaaring maging malapit sa isang ito, ngunit hindi sa isang iyon; ni hindi ka dapat bumuo ng mga grupo o barkada. hindi mo maaaring apihin ang mga tao dahil hindi mo sila gusto, o purihin ang mga kinatatakutan. Ito ang ibig sabihin ng mga prinsipyo. Dapat kang magkaroon ng prinsipyo sa pakikitungo sa ibang mga tao; dapat mo silang pakitunguhan lahat nang patas. … Paano mo sila tinatrato nang patas? Lahat ay may maliliit na pagkakamali at pagkukulang, maging ng ilang kakatwang gawi; lahat ng tao ay may taglay na pagmamagaling, kahinaan, at mga aspeto kung saan sila nagkukulang. Dapat kang tumulong sa kanila nang may pusong mapagmahal, maging mapagparaya at matiisin, at huwag maging masyadong malupit o huwag mong palakihin ang bawat maliit na detalye. … Paano tinatrato ng Diyos ang bawat isang tao? Ang ilang tao ay isip-bata, o bata pa, o nanalig na sa Diyos sa loob ng maikling panahon. Maaring nakikita ng Diyos ang mga taong ito bilang hindi masama ni malisyoso ang kalikasan at esensya; medyo mangmang lang sila o kulang sa kakayahan, o narumihan na sila nang husto ng lipunan. Hindi pa sila nakapasok sa realidad ng katotohanan, kaya hindi nila maiwasang gumawa ng ilang kalokohan o kamangmangan. Gayunman, sa pananaw ng Diyos, hindi mahalaga ang gayong mga bagay; tumitingin lamang Siya sa puso ng mga tao. Kung desidido silang pumasok sa realidad ng katotohanan, patungo sila sa tamang direksyon, at ito ang kanilang layon, sa gayo’y nakamasid sa kanila ang Diyos, naghihintay, at nagbibigay ng panahon at mga pagkakataon para makapasok sila. Hindi naman sa pinababagsak sila ng Diyos sa isang suntok, ni sinasamantala ang isang pagkakamaling minsan nilang nagawa at hindi na sila binibitawan; hindi Niya natrato nang ganito ang mga tao kahit kailan” (“Para Tamuhin ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka Mula sa Mga Tao, Mga Pangyayari, at Mga Bagay sa Paligid Mo”).

❤📚📙💕Paano dapat mabuhay ang pamilya ng may pagkakaisa sa bawat isa?📖📚❣️ Genesis 2:18At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi ...
08/05/2024

❤📚📙💕Paano dapat mabuhay ang pamilya ng may pagkakaisa sa bawat isa?

📖📚❣️ Genesis 2:18
At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya.

 Genesis 2:24
Kaya’t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila’y magiging isang laman.

📖📚❣️ Colosas 3:19
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

📖💗 Kawikaan 31:10
Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka’t ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi.

📚❣️ Efeso 6:4
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

 Kawikaan 22:6
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

📙📘📓 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Mula pa noong likhain ang mundo nasimulan Ko nang italaga at piliin ang grupo ng mga taong ito, samakatuwid nga, kayo sa kasalukuyan. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, sambahayan kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at ang iyong buhay may asawa, ang iyong kabuuan, maging ang kulay ng iyong balat at ng iyong buhok, at ang panahon ng iyong pagsilang ay isinaayos ng Aking mga kamay. Maging ang lahat ng iyong ginagawa at ang mga tao na iyong nakatatagpo sa bawat isang araw ay isinasaayos ng Aking mga kamay, huwag nang banggitin ang katunayan na ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya sa kasalukuyan ay Aking pagsasaayos talaga. Huwag mong ibulid ang sarili mo sa kaguluhan; dapat kang magpatuloy nang mahinahon.

 Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay Mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha."

🌲🌴🌳🌱 Ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos? Paano ang pagsunod sa Diyos??📚📖📌Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa...
07/05/2024

🌲🌴🌳🌱 Ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos? Paano ang pagsunod sa Diyos??

📚📖📌Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). “

📙📘📓 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Sa pagsukat kung masusunod ng mga tao ang Diyos o hindi, ang mahalagang tingnan ay kung may hinahangad silang anumang maluho mula sa Diyos, at kung may iba pa silang mga lihim na motibo o wala. Kung palaging humihiling ang mga tao sa Diyos, patunay iyan na hindi pa sila sumusunod sa Kanya. Anuman ang mangyari sa iyo, kung hindi mo natatanggap iyon mula sa Diyos, hindi mo hinahanap ang katotohanan, lagi kang nagsasalita mula sa sarili mong makasariling pangangatwiran at lagi mong nadarama na ikaw lamang ang tama, at kaya mo pa ring pagdudahan ang Diyos, magkakaproblema ka. Ang gayong mga tao ang pinakamayabang at pinakasuwail sa Diyos. Ang mga taong laging may hinihiling sa Diyos ay hinding-hindi Siya talaga masusunod. Kung humihiling ka sa Diyos, patunay iyan na nakikipagkasundo ka sa Kanya, na pinipili mo ang sarili mong mga saloobin, at kumikilos ka ayon doon. Dito, nagtataksil ka sa Diyos, at suwail ka. Ang paghingi sa Diyos ay walang katuturan; kung talagang naniniwala ka na Siya ang Diyos, hindi ka mangangahas na humiling sa Kanya, ni hindi ka nararapat na humiling sa Kanya, makatwiran man iyon o hindi. Kung mayroon kang tunay na pananampalataya, at naniniwala ka na Siya ang Diyos, wala kang magagawa kundi sambahin at sundin Siya ."

🌥️⚡⭐ANG Paghatol ba ng Diyos ay para sa paglilinis at pagliligtas o para sa pagkokondena at paglilipol? 📖📚🦚  Ang nagtata...
05/05/2024

🌥️⚡⭐ANG Paghatol ba ng Diyos ay para sa paglilinis at pagliligtas o para sa pagkokondena at paglilipol?

📖📚🦚 Ang nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol. … At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagka’t Siya’y Anak ng tao” (Juan 5:22,

📙📗📘 Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

🌺🌹🌺🌹Bakit kailangan pa rin ng Diyos na gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw,kahit na tinubos na ng Panginoong...
05/05/2024

🌺🌹🌺🌹Bakit kailangan pa rin ng Diyos na gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw,kahit na tinubos na ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan,

📖📚🥀🎋 Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35).

📖📚🌴🌵 Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17).

📙📗📕 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

 Hinango mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

🔥❤🌹🌺 Mga salita  ng Diyos na magbibigay   kalakasan spiritual sa mga tao  ..📚📖🍂 Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daa...
04/05/2024

🔥❤🌹🌺 Mga salita ng Diyos na magbibigay kalakasan spiritual sa mga tao ..

📚📖🍂 Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay ’di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).

 Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).

 Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw” (Juan 6:35).

📙📗📘 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sinuman, ni hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng sinuman. Ito ay sapagkat maaari lamang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo lamang ang may taglay sa diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo lamang ang may daan ng buhay. At sa gayon, tanging ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na may kinalaman sa sigla ng buhay, marami nang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang magkamit ng buhay ang tao. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling binuhay ang tao. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan Siyang kasama ng tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nag-uudyok sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pag-iral ng tao, at isang mayamang lagak para sa pag-iral ng tao pagkatapos ng kapanganakan. Siya ang sanhi upang muling isilang ang tao, at binibigyang-daan siyang isabuhay nang masigasig ang bawat papel niya. Salamat sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa isang salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, kung saan sa kabuuan nito ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pangunang sandigan sa pag-iral ng tao, at binayaran ng Diyos ang isang halagang wala pang isang karaniwang tao ang nakapagbayad. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, bukod-tangi ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilikhang nilalang o puwersa ng kaaway ang Kanyang buhay na puwersa. Umiiral ang buhay na puwersa ng Diyos at pinagniningning ang makinang nitong liwanag nang hindi alintana ang oras o lugar. Maaaring sumasailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumilipas ang lahat ng bagay, ngunit mananatili pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng mga bagay at ang ugat ng kanilang pag-iral. Nanggaling sa Diyos ang buhay ng tao, dahil sa Diyos ang pag-iral ng kalangitan, at nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pag-iral ng mundo. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang takasan ang nasasakupan ng pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi alintana kung sino sila, dapat magpasakop ang lahat sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, dapat mamuhay ang lahat sa ilalim ng utos ng Diyos, at walang sinuman ang makatatakas mula sa Kanyang mga kamay.

 Hinango mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

🌹🌷🌻Sino ang nag I -Isang tunay na Diyos? 📚📖🥀 Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnuba...
23/04/2024

🌹🌷🌻Sino ang nag I -Isang tunay na Diyos?

📚📖🥀 Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:13).

📕📒📘 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Ang gawain ng buong plano ng pamamahala ng Diyos ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha ng mundo—ay personal na ginawa ng Diyos Mismo, at kung hindi nangyari ito, walang sinumang may kakayahang likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan, at ito ay personal ding ginawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw: Mas malaki ang pangangailangan na ang Diyos Mismo ang tumapos sa Kanyang buong gawain. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagpeperpekto sa buong sangkatauhan ay personal na isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na ginawa ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi makakatawan ng tao, o magagawa ng tao ang Kanyang gawain. Upang talunin si Satanas, upang makamit ang sangkatauhan, at upang bigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pinangungunahan ang tao at personal na gumagawa sa gitna ng tao; para sa kapakanan ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawaing ito” (“Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “

💥🥀🎋Ano ang tunay  na pagsisisi? 📖📚🍂Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng ka...
22/04/2024

💥🥀🎋Ano ang tunay na pagsisisi?

📖📚🍂Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.’ (Juan 8:34–35).

📗📙📘 SABI NG DIYOS ," Pagkatapos mapakinggan ang pagpapahayag ng Diyos, ang hari ng Ninive at ang kanyang mga nasasakupan ay nagsagawa ng serye ng mga pagkilos. Ano ang kalikasan ng kanilang asal at mga gawa? Sa madaling salita, ano ang diwa ng kabuuan ng kanilang pag-uugali? Bakit nila ginawa ang kanilang nagawa? Sa mata ng Diyos, matapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang makasalanang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang ipahayag ang kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasya, gayun din ang malaking kapahamakan na malapit nang dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa kanilang pag-uugali, makikita natin na nauunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at nauunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga rason na ito, ninais nilang lahat na lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali ni hindi na nagpatuloy na gawin ang mga gawaing kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang mga nakaraang ginawa. Nakahanda silang hindi na muling mamumuhay sa kasamaan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari, ni hindi ito pansamantala” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”).

🍀🍀Pagbati sa inyo na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon sa mga ulap! Ang iyong pag-asa ay natupad na!📖📖📖Sabi ng Diyo...
21/04/2024

🍀🍀Pagbati sa inyo na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon sa mga ulap! Ang iyong pag-asa ay natupad na!
📖📖📖Sabi ng Diyos, “Sa loob ng ilang libong taon, pinanabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinanabikan na ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas sakay ng isang puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna ng mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong taon. Hinangad na rin ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muli nilang makasama; ibig sabihin, inasam nilang bumalik si Jesus na Tagapagligtas, na nahiwalay sa mga tao sa loob ng libu-libong taon, at muling isakatuparan ang gawain ng pagtubos na Kanyang ginawa sa mga Hudyo, maging mahabagin at mapagmahal sa tao, patawarin ang mga kasalanan ng tao at pasanin ang mga kasalanan ng tao, at pasanin maging ang lahat ng paglabag ng tao at palayain ang tao mula sa kasalanan. … Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulong sumunod sa Kanya, gayundin ang lahat ng banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nananabik sa Kanya at naghihintay sa Kanya. Lahat ng naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay matagal nang nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw kung kailan si Jesus na Tagapagligtas ay bababa sakay ng isang puting ulap upang humarap sa lahat ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat ng tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Lahat sa buong sansinukob na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay matagal nang desperadong nananabik na biglang dumating si Jesucristo upang tuparin ang sinabi ni Jesus habang nasa lupa: ‘Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.’ Naniniwala ang tao na, kasunod ng pagkapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, bumalik si Jesus sa langit sakay ng isang puting ulap upang umupo sa Kanyang lugar sa kanang kamay ng Kataas-taasan. Sa gayon ding paraan, bababang muli si Jesus sakay ng isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong matagal nang desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libu-libong taon, at na tataglayin Niya ang imahe at pananamit ng mga Hudyo. Matapos magpakita sa tao, pagkakalooban Niya sila ng pagkain, at pabubukalin ang tubig na buhay para sa kanila, at mamumuhay Siya sa piling ng tao, puspos ng biyaya at puspos ng pagmamahal, buhay at tunay. Ang lahat ng gayong kuru-kuro ang pinaniniwalaan ng mga tao. Subalit hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng inakala ng tao. Hindi Siya dumating sa mga naghangad sa Kanyang pagbalik, at hindi Siya nagpakita sa lahat ng tao habang nakasakay sa puting ulap. Dumating na Siya, ngunit hindi alam ng tao, at nananatili silang walang alam. Naghihintay lamang ang tao sa Kanya nang walang layon, nang hindi namamalayan na bumaba na Siya sakay ng isang ‘puting ulap’ (ang ulap na Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa mga huling araw.”
Mga kaibigan, sabik na ba kayong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? nandito kami para makipag-ugnayan sa inyo anumang oras. Nawa'y makasama niyong muli ang Panginoon sa lalong madaling panahon.

🔥⭐🌟🌤️ Paano maiwasan ang pagkabigo ni Tomas?📚📖🔥 Sapagka’t Ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nan...
21/04/2024

🔥⭐🌟🌤️ Paano maiwasan ang pagkabigo ni Tomas?

📚📖🔥 Sapagka’t Ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” (Juan 20:29).

📗📙📘 SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?”

Address

Tigis
Lianga

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NOVEL ARCOV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share