24/02/2026
🎓 LIBRENG TRAINING NA, MAY ALLOWANCE PA! 🇵🇭
Gusto mo bang matuto ng bagong skills na siguradong makakatulong para makahanap ng trabaho o magsimula ng sariling negosyo? Nandito ang TESDA Provincial Training Center - Libmanan para sa iyo!
Sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program (STEP) , maaari kang mag-enroll sa aming mga programa na may sumusunod na benepisyo:
✅ LIBRENG Training
✅ LIBRENG Assessment at National Certification
✅ Allowance na ₱160.00 bawat araw
✅ LIBRENG Starter Toolkits (Para sa mga kukuha ng STEP)
Sino ang pwedeng mag-apply?
✔️ Dapat ay isang Filipino Citizen.
Ano ang pagkakaiba ng dalawa?
🔹 TWSP: Para sa mga gustong mapabilang sa in-demand na trabaho sa malalaking industriya.
🔹 STEP: Para sa mga gustong mag-training na nakatuon sa pangangailangan ng komunidad, tulad ng entrepreneurial at self-employment.
Mag-enroll na! Ang skills na hinahanap ng employers, libreng matutunan dito. Para sa listahan ng mga available na kurso at kumpletong requirements, mag-mensahe lamang sa amin o bisitahin ang ating tanggapan o magfill up dito online inquiry form sa https://forms.gle/2HLqwAB8oauTpgv88. Limited Slots only, Magmadali huwag magpahuli!