06/07/2026
๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐ฆ๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฒ๐๐ฒ ๐๐ถ๐๐ฎ'๐ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป
Noong unang panahon, sa isang bayang laging hinahaplos ng ulan at hangin mula sa dagat, may nakatayong matandang balete sa gitna ng kagubatan. Napakalawak ng mga ugat nito, parang mga kamay na mahigpit na yumayakap sa lupa. At sa tuwing sasapit ang gabi, ang mga anino nitoโy tila mga bantay sa mga lihim ng daigdig.
Sinasabi ng mga matatanda na hindi ito pangkaraniwang puno. Sa ilalim daw nito nananahan ang mga alaala ng mga nagmamahalan.
At doon unang nagtagpo sina Abadap at Banรก'ag.
Si Abadap, anak ng isang manghahabi. Mahinhin, ngunit ang mga mataโy tila laging may dalang liwanag ng buwan.
Si Banรก'ag naman, mangingisdang kilala sa tapang at kabutihan ng loob.
Tuwing kabilugan ng buwan, palihim silang nagtatagpo sa ilalim ng balete.
โDawa magkaigwa nin problema asin balakid, bagyo, o dawa anumang kalbaryo?,โ bulong ni Banรก'ag habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Abadap, โmababalik ako digdi.โ
Ngumiti si Abadap. "Dawa kagadanan pa an mag banta, pagkamoot ta dai matatapos.โ
Bilang sumpaan, itinali nila ang isang pulang sinulid sa ugat ng balete.
Ngunit may nakarinig sa kanilang pangako.
Mula sa kalangitan, pinagmamasdan sila ni Sigwa. Ang diyosa ng unos at bagyo. Matagal na niyang iniibig si Banรก'ag. Hindi siya sanay matalo. Hindi siya sanay mapagkaitan. At hindi niya matanggap na isang mortal lamang ang pinili nito sa halip na siya.
Kaya nang sumunod na kabilugan, habang naglalakad si Abadap papunta sa balete, biglang nagdilim ang langit.
Humagupit ang hangin. Umiyak ang dagat.
Ibinagsak ni Sigwa ang pinakamalakas na unos na naranasan ng bayan.
Nabasag ang mga bangka. Natumba ang mga bahay. At sa gitna ng bagyo, namatay si Abadap.
Natagpuan siya kinabukasan, yakap pa rin ang ugat na pinagtalian nila ng pulang sinulid.
Ngunit hindi doon nagtapos ang pag-ibig ni Banรก'ag.
Tuwing sasapit ang bilog na buwan, bumabalik siya sa balete. May dala siyang munting lampara ng langis.
โYaon ako igdi,โ wika niya sa hangin. โPirmi akong mabalik hanggat igwa ning banggi.โ
Makalipas ang maraming buwan, muli siyang hinarap ni Sigwa. Bumaba ang diyosa mula sa ulap, ang buhok ay kaakibat ng hangin, ang mga mataโy kasing lamig ng bagyo.
โBanรก'ag,โ sabi niya. โPabayaan mo na siya, gadan na an daragang namomotan mo.
Ako an diyosa nin langit asin dagat. Itatao ko saimo an gabos, kapangyarihan, imortalidad. Ako an pilion mo.โ
Dahan-dahang umiling si Banรก'ag. โAn puso ko dai gamit na bagay para agawon mo, an daragang saimong ginadan ang namomootan ko.โ
Nanginig ang kagubatan. Sa unang pagkakataon, nasaktan si Sigwa.
At dahil sa galit, muling pinakawalan niya ang bagyo. Mas mabangis. Mas mapanira.
Bumaha. Tinangay ang mga bahay. Nagsisigawan ang mga tao sa dilim.
Ngunit sa halip na magtago, kinuha ni Banรก'ag ang kaniyang lampara at lumusong sa unos.
โMagsunod kamo sako!โ kurahaw niya. โIgwa akong aram na ligtas na lugar.โ
Kakaiba ang gabing iyon. Gaano man kalakas ang ulan, hindi namamatay ang apoy ng lampara.
Parang may ibang kamay na kumukupkop dito.
Dinala niya ang mga naligtas sa ilalim ng balete. At doon niya napansin, hindi dilaw ang liwanag. Maputlang bughaw ito.
At mula sa liwanag, may bumulong: โBanรก'agโฆโ
Napaluhod siya.
Sa loob ng ilawan, nakita niya ang mukha ni Abadap.
Hindi pala siya nawala.
Ang kaluluwa ni Abadap ay nanatili sa lampara. Siya ang liwanag. Siya ang apoy. Siya ang gumagabay kay Banรก'ag sa dilim.
Nakita iyon ni Sigwa. At doon niya naunawaan ang bagay na hindi kailanman kayang talunin ng bagyo, ang pag-ibig na nananatili kahit kamatayan na ang pagitan.
Ngunit huli na.
โKung dai ka mapapasako,โ sigaw ni Sigwa na nanginginig sa galit at luha, โmayo kang karapatan na maging tawo!โ
Itinaas niya ang kamay. Sa isang kisap, naglaho ang anyo ni Banรก'ag.
Naging manipis ang kaniyang balat, naging pakpak. Lumiit ang kaniyang katawan. At ang lampara ay naging bahagi na ng kaniyang dibdib.
Naging isang munting insektong kumikislap si Banรก'ag.
Ang unang alitaptap.
Biglang tumahimik ang bagyo.
At doon lang natauhan si Sigwa. Nakita niyang kahit sinumpa niya si Banรก'ag, ang liwanag nitoโy hindi namatay. Lalo pa itong nagning sa gitna ng dilim.
โAnong ginawa koโฆโ bulong niya.
Ngunit wala na siyang magawa. Kaya tumalikod siya at bumalik sa kalangitan, dala ang kaniyang pagsisisi.
Mula noon, tuwing kabilugan ng buwan, may mga alitaptap na sumasayaw sa ilalim ng matatandang balete.
Ngunit may isa raw na naiiba. Mas maliwanag kaysa sa lahat.
At kapag itoโy iyong nakita, maririnig mo ang mahinang bulong ng hanginโ
Isang binatang wagas magmahal, tapat, at dalisay ang puso na hindi matutumbasan ng kahit na sino man.
๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐ป๐ฎ : ๐๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ต๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐๐ฒ
๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ : ๐๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป