24/07/2025
Guni guni or kababalaghan
This is a True Story.
Isang weekend sa Riyadh, Saudi Arabia after naming magkapeng magkakaibigan (kapehan lang kasi madalas naming libangan noon) napagkasunduan naming sa apartment ko na lang matulog para ituloy ang weekly bonding since magkakalayo kami ng district kaya weekend lang nagkikita kita.
Habang nakahiga na kaming lahat napansin kong parang may mga mahihinang kaluskos sa CR yung pinto ng CR sa studio type na apartment ko ay may awang sa baba kita mo kung may tao sa loob.
Lahat kami nakahiga na kaya alam ko na walang tao sa loob pero may parang naaninag akong mga paa na pabalik balik na animoy may ginagawa sa loob.
Di na ako nakatiis kaya bumangon ako para alamin kung may nakapa*ok bang ibang tao habang kami ay nasa labas. Abot abot ang kaba ko bitbit ko ang isang bakal upang magamit panglaban kung sakali mang may intruder nga pero pagtulak ko ng pinto lalo akong nagulat dahil wala namang tao sa loob.
Baka guni-guni lang namin or na*obrahan lang sa kape pero lahat kami ay nakarinig at nakita ang anino sa loob.
Para kumalma ang lahat nagkwentuhan kami at napagkasunduan naming baka guni-guni nga lang ang lahat.
Mag hahating gabi na kaya nagpasya kaming matulog na lang ngunit habang tahimik na ang lahat kumakalansing ang kutsara at tasa ng kape na tila ba may nagtitimpla sa mesa.
Sabay sabay kaming napaigtad at nakiramdam at kinilabutan sa aming nasaksihan. Walang namang tinimpla maayos ang mesa pero naririnig namin ang tila paghalo ng kape.
Kaya bumangon na lang ako at umusal ng dasal at binuksan ang ilaw at TV at di na kami natulog magdamag sa takot na baka kung ano pa ang susunod na mangyari.