
05/09/2025
๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ๐๐ฅ | ๐๐ ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Bawat patak ng ulan ay naglalantad ng umaapaw na katiwalian. Sa harap ng trahedyang dulot ng baha, malinaw na ang tunay na rumaragasa ay hindi lamang tubig-ulan kundi ang patuloy na paglustay sa kaban ng bayan.
Sa likod ng bawat delubyo, paulit-ulit na lumulutang ang pangalan ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Sa kabila ng mahigit kalahating trilyong pisong inilaan para sa mga proyekto sa kontrol ng baha sa nakalipas na tatlong taon, nananatiling walang epekto ang mga ito. Lalong sumingaw ang baho nang mabunyag ang kaso ng isang 55 milyong pisong โghostโ riverwall project sa Bulacan. Ayon sa ulat, tapos na raw ito sa papel ngunit hindi man lang nasimulan sa aktwal na lugar.
Hindi ito ang kaisa-isang insidente. Batay sa ulat ng Commission on Audit, libo-libong proyekto ng DPWH ang hindi natapos o tuluyang napabayaan. Kasama rito ang halos isang libong flood control structures. Sa halip na magbigay ng proteksyon, ang naging resulta ay mga pader at d**eng madaling gumuho, mga drainage na barado, at mga kalsadang walang silbi. Hindi ito simpleng pagkaantala kundi malinaw na pagnanakaw ng pondo.
Habang lubog sa baha ang ordinaryong Pilipino, lubog naman sa nakaw na yaman ang mga tiwaling opisyal. Lumalabas sa mga imbestigasyon na may ilang kongresistang sila rin ang kontraktor ng mga proyektong pinopondohan ng gobyerno. Isa itong garapalang โconflict of interestโ na hindi dapat nangyayari sa isang matinong pamahalaan.
Hindi lamang pera ang nawawala kundi pati buhay at kalusugan. Sa mga nagdaang buwan, libo-libong Pilipino ang tinamaan ng leptospirosis dahil sa matagal na pagkakalubog sa baha. Ang mga kwento ng pamilyang nalulugi, nagkakasakit, at nawawalan ng hanapbuhay ay bunga ng maling prayoridad at kawalan ng malasakit mula sa mga dapat sanaโy naglilingkod.
Hindi matatawag na katatagan ang paulit-ulit na paglusong sa baha. Hindi ito kwento ng pag-asa kundi patunay ng malalim na kabiguan at laganap na katiwalian. Ang bawat pisong buwis na ninanakaw ay pera sanang nailaan sa d**e, drainage, o spillway na maaaring magligtas ng buhay.
Panahon na upang tapusin ang siklo ng pagbaha at pagnanakaw. Kailangan ng masusing imbestigasyon, malinaw na pananagutan, at isang digital monitoring system na bukas at madaling masuri ng publiko.
Ang tunay na kalamidad ay hindi ang ulang dumarating kundi ang kulturang hinahayaan ang iilan na sirain ang kinabukasan ng nakararami. Hanggaโt ang buwis ng taumbayan ay patuloy na nauuwi sa bulsa ng mga tiwali, mananatiling nakalubog ang bansa sa korapsyon at kasinungalingan.
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ | Celene Almonte