29/08/2025
‘HUWAG MO NANG HINTAYIN NA MANGHIRAM SA’YO ANG MGA MAGULANG NIYO BAGO NIYO BIGYAN. KUNG MAY IBIBIGAY KA, BIGYAN MO NA. ISAMA MO LAGI SILA SA BUDGET MO KUNG KAYA. UNAHIN MO SILA.’
Bigay na lang..
Minsan kasi, sobra tayong abala sa pagbibigay sa ibang tao na nakakalimutan natin yung pinakaunang nagmahal at nag-alaga sa atin. Hindi kailangan palaging malaking halaga ang ibigay. Kahit simpleng grocery o pang-merienda, malaking bagay na para sa kanila.
Tandaan mo, hindi nila hinihingi ang lahat ng kinikita mo. Ang gusto lang nila ay maramdaman na hindi mo sila nakakalimutan. Yung simpleng pag-abot mo ng tulong, sapat na para mapagaan ang loob nila.
Walang mas masarap sa pakiramdam kundi makita ang ngiti ng magulang mo dahil naalala mo sila. Yung effort at pagod nila sa pagpapalaki sa’yo, kahit papaano, nasusuklian. At higit sa lahat, naipapakita mong may malasakit ka pa rin hanggang ngayon.
Darating ang panahon na hindi na natin sila makakasama. Kaya habang nandiyan pa sila, ipadama mo na yung pagmamahal at pasasalamat mo. Huwag mong ipagpaliban ang kabutihang puwede mong gawin ngayon.
Hindi lahat ng bagay ay pera, pero tandaan, minsan pera rin ang paraan para gumaan ang buhay ng mga magulang natin. Hindi man ito sukli sa lahat ng ginawa nila, malaking ginhawa ito para sa kanila. At ikaw, mas gagaan din ang puso mo kapag alam mong napasaya mo sila.
Joey De Leon